Bahay

174 2 0
                                    

BAHAY

Higit isang buwan na 'to nangyari. Dumating mga pinsan ko para magbakasyon dito sa'min.  Bumili sila ng al4k at mga pulutan pagkagaling sa city. Kinagabihan, tinanong nila saan magandang placing sa bahay, sabi ko doon kami sa terrace ng 3rd floor. Btw, kasama ng pinsan ko yung gf niya, close naman siya sa'ming lahat kaya walang kaso. Mabait at maganda si ate Kris. Habang nag-iinuman, napansin kong aligaga yung gf ni kuya so tinanong ko. "Ate may problema ba? Di ka yata mapakali?" Sila kuya Josh naman at iba kong pinsan busy maghagalpakan sa tawa, ako lang nakapansin sa gf niya. Nagulat pa siya sabay iling. "Wala." tipid na sagot niya saka nagsalin ng al4k. Ipinagkibit balikat ko 'yon at nakipagkwentuhan na sa iba kong pinsan. Noong malasing na kaming lahat, nagkayayaan ng matulog, madaling araw na rin at paos na kaming lahat sa videoke. Kaming girls ay sa kwarto ko natulog bale 4 kami.  Yung boys ay nagtent sa terrace, lakas ng trip gusto daw nila madama yung lamig ng gabi. Tulog na iba kong pinsan pero ako hindi, hilo na ko sa al4k pero hindi ako makatulog. Napansin ko si ate kris na nakaupo sa kama at nagngangatngat ng kuko. Kinalabit ko siya at gayon na lamang pagkagulat niya, napapitlag pa ko. "ate, 'di ka pa inaantok? Tulog na tayo." aya ko. "mauna ka na Trish, di talaga ako makatulog e, namamahay. " tumango ako at nahiga ulit pero kahit pikit mata ko, gising diwa ko. So kinausap ko si ate. "Okay ka lang ba talaga 'te? Kanina ka pa di mapakali pati na rin nung unang dating niyo dito. " usisa ko. Hindi siya umimik ng ilang segundo kaya napadilat ako para tignan siya, gano'n nalang gulat ko ng makitang nakatitig siya ng mariin sa'kin habang nakadungaw sa mukha ko, akala ko tuloy kung sinong multo. Kinawayan ko siya baka natulala lang pero hindi, ang sama pa rin ng tingin sa'kin. Nagsimula ng gumalaw bibig niya ngunit walang salitang lumalabas. Since lasing ako, pumikit nalang ako ulit at itinakip ang braso ko sa mga mata.

Kinabukasan, nagising kami mga past 11 na tapos naglunch na rin pero nagtataka kaming lahat kase wala si ate Kris. Hinanap namin siya sa buong bahay pero wala. "Baka bumili sa store, o nagjogging. " ani mama. "Tita, tanghali na dapat nakabalik na yun tsaka di naman sobrang layo ng tindahan dito tawid lang ng kalsada." si kuya Josh. Nagsimula na kaming mag-alala, tinawagan namin si ate pero nagriring lang phone niya. Hanggang sa gumabi na, walang ate kris na nagpakita. Hindi mawari ni kuya Josh kung sasabihin na ba niyang nawawala gf sa parents ni ate. Sabi naman ni papa, baka bumalik rin daw maya maya at baka nagpunta lang sa city. Pero bakit naman niya kalilimutan phone at bag niya? Wala man lang din pasabi. Pero 12 am na wala pa rin siya, halos walang natulog sa'ming lahat dahil nag-aalala. Hanggang sa may narinig kaming sumigaw ng malakas. nanggagaling yung sigaw sa kakahuyan sa likod bahay namin. Agad tumakbo pinsan ko dun at sumunod kaming lahat. Nakita namin si ate Kris na madungis at nanghihinang nakaupo sa lupa. "Babe anong nangyari sa'yo? Kaninang umaga ka pa namin hinahanap! " nag-aalalang ani kuya pero si ate umiiyak lang at di nagsasalita. Binuhat na siya ni kuya papasok ng bahay at inabutan ko naman si ate kris ng tubig. Pinakalma namin siya bago tinanong kung anong nangyari sakanya. Nanginginig siya habang nagsasalita. "May...may babae--gusto...gusto niya akong kunin." muli siyang napahikbi. "Sinong babae?" takang tanong naming lahat. "yung--nasa loob." we're like huh? wala naman kaming kasamang di kakilalang babae.
"Namukhaan mo ba hija? " si mama. "Wala...wala siyang mukha." Di namin siya nagegets kaya pinapunta muna namin sa kwarto ko para makapagpahinga. Sinamahan siya ni kuya at wala pang 1 minute, narinig naming nagwawala si ate. "Ayoko dito! Kukunin niya ko! Ilabas mo ko!" napasugod kaming lahat at nakitang nagkukumawala si ate sa pagkakahawak ni kuya sakanya. Tumulong na rin iba ko pang pinsan sa paghawak kay ate. Halos oras oras nagwawala siya. Nagagalit na daw yung babae sakanya kasi ayaw niyang sumama dito. Ramdam kong gustong gusto niyang lumabas ng kwarto ko kaya lang ayaw siyang payagan ng mga pinsan ko at baka kung saan ulit magpunta. Lagi lang tulala si ate Kris hanggang makauwi na sila. Isang linggo ang nakalipas tumawag sa'min si kuya Josh. Ang sabi lagi raw nagwawala si ate at sinasabing kukunin nung babae ang kaluluwa nito. Kung titignan raw ay para ng baliw si ate Kris. Nangayayat ito at aligaga palagi. Pumunta kami ni mama sa kakilala naming pastor at nagtanong tanong. Sabi nito ay malamang may sixth sense si ate at mahina ang faith kaya siya ang pinagpakitaan. Nangilabot ako kasi first time yun na makaencounter kami ng gano'n at sa bahay pa namin nangyari. Parang natakot tuloy akong matulog sa sarili kong kwarto.

Hanggang ngayon, gano'n ang sitwasyon ni ate. kinulong siya sa kwarto niya kase nagwawala raw at naninira ng mga gamit. Ang daming nagbago sa ilang araw na paninirahan niya sa bahay.

Trish
202*

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now