Kama

218 4 0
                                    

"KAMA"

Hello! Ako nga pala si MJ. This is my first time sharing my story, it happens year back 2020 ng bandang december.

2020 was so hard for me, lalo na i don't have cellphone that time kasi dahil sa kahirapan nung time na yon sinanla muna ung selpon ko. I am now 17 so nung time na nangyare to I was just 14 yrs old,  and I am a person na greedy sa gadgets.

So around december lang nagtampo ako kay mama ko, kasi akala ko makukuha na nya ung cellphone ko kasi kinuha narin ung selpon ng kuya ko na galing din sa sanlaan.
Kaya ako naman nung mga oras na yon sumama loob ko kay mama. Bale may dalawa kaming bahay na katabi lang as in ng mismong bahay din namin.
Bigyan ko lang kayo ng idea kung ano itsura ng kabilang bahay namin na that time walang tumitira until now. So ung bahay namin at ung isa din naming bahay na wala ng tumitira, may kanya kanyang bintana yon, na matatanaw mo ung bahay mula sa kabila kasi magkatapat ung bintana namin.

Balik tayo sa main story, masama loob ko kay mama ko nung mga araw na yon kaya naman nung gumabi na, nag pasya akong matulog sa kabilang bahay, kinuha ko ung mga unan at kumot.
Kasabay kong kinuha ung selpon ng mama ko na kasalukuyang tulog nung mga oras na yon, pagkapasok ko ng bahay namin sa kabila agad kung inayos ung hihigaan ko, pagtapos ko maayos higaan ko ay agad kong pinatay ang ilaw sa labas at loob sa kadahilanang para hindi nila malaman na andon ako, akala kasi nila mama asa kwarto ako.

Akma ko sanang isswitch ung lamp sa tabi ng hinihigaan ko para may ilaw ako kahit papano na ang sakop lang ng ilaw ay higaan ko, nang biglang nagpapatay sindi ito kaya naman hinayaan ko nalang at di na ako nag ilaw, kaya wala akong makita nung gabing yon BLACK OUT literal HAHA

Nagsimula na akong mag suot ng earphone sa tenga ko para makinig ng radyo sa selpon na keypad lamang dahil nabuburyo na ako at gusto kong umiyak, alam nyo naman na Gen-Z things, iniiyak kaagad ang pagkawala ng selpon HAHAHA
So bale sa kaiiyak ko nakatulog nalang ako, hindi ko alam eksaktong oras kasi biglaan nalang. So ung bahay na yon kung nasaan ako non is maliit lang naman na parang Cube, at may nag iisang katre na gawa lang din ng papa ko, katre na ang taas talaga, kaya naman nakakakot lumingon sa baba non lalo na walang ni isang gamit ang nasa ilalim ng kama na yon.
Sa tabi naman mismo ng kama ay may bintana din na maliit na tanaw mo talaga ung bandang likod namin na parang kagubatan na.
Bandang alas dos naramdaman kong parang umuuga ng unti ung kama na hinihigaan ko pero sa kadahilanang antok pako ang nagawa ko nalang tignan ang oras sa keypad na selpon (2:30 at exact ang pagkakatingin ko) at natulog nalang ulit, maya maya lang kakatulog ko palang ng halos wala pang isang oras, may naramdaman akong gumuguyod sa kumot ko kaya sa pagkakagulat at takot ko ay napa upo agad ako para tignan ang kumot ko, pero naka kumot pa rin naman ako hindi naman natanggal, tinignan ko uli ang oras na saktong mag aalas tres na.

Pinakalma ko sarili ko at pinatay ko na rin ung radyo kasi wala ng nagpplay doon, huminga akong malalim, kumalma at nakatulog ulit.
Nang bigla akong nanaginip na parang animoy totoo, may parang kung anong nilalang na hinahawakan ang dibdib ko at dinidilaan ang hita ko, napaka haba ng dila na halos ayun lang ang mapapansin doon, pero hindi ko maaninag ung mismong muka basta alam ko e, napakaitim at halos lumulutang, gusto kong gumalaw, gusto kong bumangon pero para akong nakatali.
Parang nakatali ang magkabilang paa at kamay ko, hindi rin ako makahinga na parang may dumadagan sa bandang tyan hanggang dibdib ko, pinilit kong sumigaw pero walang lumalabas na kahit anong tinig mula sa bunganga ko.
Nang biglang may narinig akong malakas na pagkatok sa pinto, agad ko namang tinignan ang oras, at mag aalas dose na pala ng tanghali.
Si mama pala, si mama pala ung kumakatok. Galit na kumakatok si mama na sobrang lakas, halos wala pang tumatakbo sa isip ko pero bumangon ako para pag buksan si mama, nakalock  kasi ung bahay para walang makapasok.
Kukunin na daw pala namin ung selpon ko sabi ng mama ko, sa sobrang tuwa ko ay agad ko nalang niligpit ung higaan doon sa bahay na yon at lumipat na sa totoong bahay namin na tabing tabi lang para maligo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagligo nang nakita ko ang magkabilang braso at paa ko na may pula, sa bandang paa ay may bakas ng para akong itinali at hinigpitan iyon, sa braso naman ay hindi mo ganon gaano mapapansin, dahil ang mas kapansin pansin don ay ang lumulutang na pasa na animoy parang may nanakit sakin o sinaktan ako.
Ganon pa man, alin man dito ay diko iniinda, walang masakit sakin, pati sa mga may pula at pasa.

Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sakin kung ano ba nangyare sakin doon, at ng gabing yon, pero ang alam ko lang ayoko na matulog sa bahay na yon.
Sa "KAMA" na yon

-MJ

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now