CATHOLIC SCHOOL

56 1 0
                                    

CATHOLIC SCHOOL.

Gusto ko lang ulit mag share ng creepy experience ko sa school na pinasukan ko somewhere in Bato Camarines Sur.

Nag aral ako sa paaralan na ito nung ako ay High School Grade. 9 and 10.
Malaking paaralan, maganda, at madaming estudyante.

Gr.9
Uwian na namin around 12 kasi halfday lang kami. Nakasanayan naming magkakaibigan na mag cr muna bago umuwi kaya inaya ako nina Shuana at Jhunella (not their real names) May sariling cr ang Senior High kaya pumunta kami doon dahil nasa third floor lang din kung saan andon din ang room namin, bawat floor kasi my sariling cr. So naglakad kami sa coridor medyo mahaba ang lalakarin dahil nasa dulo ang cr, ngunit nakasara ito. Pati sa 2nd floor nakasara din ang cr. Kaya napag desisyunan namin na sa first floor nalang kami umihi which is Cr ng mga Junior High malapit ito sa canteen kaya madaming tao. Bawal kami umihi don pero no choice. Bago kami pumasok nag paalam si Jhunella na bumili dahil hindi sya nakapag recess at puntahan nalang daw namin sya sa canteen. Kaya pumasok na kami ni Shuana sa cr, walang tao kundi kaming dalawa lang, tatlo ang cubicles pero nakalock yung nasa gitna kasi barado. Kaya si Shuana yung nasa unang cubicle at ako ang nasa dulo.. Habang ako ay nakaupo biglang may narinig ako ng bulong mula sa aking kanan na tenga, isang bulong na babae na tila ba gustong humingi ng tulong "A-ateee" bulong ng babae na para bang umiiyak. Diko muna pinansin baka sa labas galing kasi maingay.. Pero bigla akong tinawag ni Shuana at tinanong kung narinig ko din ba ang boses. Sabi ko naman "Oo" kaya kinabaham ako at dali dali akong tumayo at inayos na ang suot ko habang sinusuot ko ang short narinig ko nanaman ang boses at natatakot na ako that time dali dali kong binuksan ang pinto at tinatawag na din ako ni Shuana dahil maging sya ay takot na takot narin. Agad kaming pumunta sa canteen kung saan kumakain si Jhunella at doon ay kinwento namin ang narinig namin ngunit di sya naniniwala kesyo tinatakot daw namin sya. Nakauwi nako ngunit parang naririnig ko parin ang boses.

Gr. 10

Maaga ako pumapasok 6 palang ay nasa school na ako kasi ang pasok namin ay 8. medyo may kalayuan kasi ang bahay namin sa school kaya inaagahan ko kasi bawal malate papauwiin kasi.

Ff.

Maaga ako pumasok as usual nasa thirdfloor ang room pero nasa tabi na kami ng cr sa dulo.
So habang paakyat ako ng thirdfloor ay naririnig ko yung mga tunog ny mga upuan na tila ba inaayos ito. Pero naisip ko maaga pa kaya wala pang estudyante sa taas at nakalock lahat ng rooms. Nagpatuloy ako sa pag akyat at dumeretso na ako sa tapat ng room namin magpadesisyunan ko na maghintay na lamang ng mga kasama sa coridor.. Habang nag secellphone ako napatingin ako sa kabilang building kung saan may naaninag ako na isang bata at isang babae diko maaninag ang kanilang mukha kasi malabo ito diko maalis ang titig ko sa kanila hanggang sa nakita ko ang babae na nakatulang na akmang tatalon. Bigla akong nabuhayan ng biglang dumating ang isa kong kaklase at sinabing " aga mo ah" di agad ako nakapag salita at parang lutang ang isip ko.. Tumingin ulit ako sa kabilang building at wala na roon ang bata at ang babae. Habang nakaupo ako sa room diko parin maalis sa isip ang nangyari king totoo na o guni guni lamang. Simula noon ay lagi na ako may kasabay na umakyat sa thirdfloor.

-dred

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now