SEMENTERYO

44 0 0
                                    

"Sementeryo"

Magandang araw, itago nyo nalang po ako sa Pangalang Maria..

Year 2021, lumipat kami  sa isang House for Rent 1500 a month pero kapitbahay nya Sementeryo, Malaking Bahay, may dalawang puno ng Kawayan at madaming puno ng Mangga,

Almost 5 months kami doon pero madami dami na ding experience nangyari.
Isang araw na i-kwento ng kapatid ko na habang nasa labas sya ng bahay naka nakahiga sa duyan, nag uusap sila ng kanyang Clasmate gamit ang Vedio Call sa Messenger... Masaya silang nag tatawanan at bigla nalang silang tumahimik ng walang dahilan, Bigla nalang may narinig silang Boses.. Nag tatalonan sila kung sino yong nag salita pero ni isa sa kanila walang umamin... Sa sobrang takot tumakbo nalang kapatid ko papasok ng bahay..

Mga ilang araw dumaan, Gabi na at natutulog na mga kasama ko at nag seselpon nalang ako at bigla nalang may bumolong sa tenga ko.. Binanggit nya ang pangalan ng kapatid ko... Sinilip ko ang kapatid ko pero masarap naman ang tulog.. Na kwento ko sa kanya pagka umaga pero dinaan nalang namin sa biro na baka nagkamali yong multo na imbes yong kapatid ko ang takotin ako ang binulongan...

Sa sumunod na gabi nag papakita na sila... Paa ng bata sa ibaba ng kurtina... Sunod na Gabi batang lalaki naka  upo sa gilid ng lababo, Hindi ko nalang po pinansin kunwari wala akong nakita...

Meron pa isang gabi umiiyak yong aso namin kasi gosto nya pumasok sa bahay namin... Binuksan ko ang pintoan mga hating gabi na din yon.. Pag pasok ng alaga naming aso napatingin ako sa aming Gate gawa sa kahoy ng kawayan, may nakikita akong kulay orange na ilaw na maliit, Habang tumatagal lumalaki sya ng lumalaki.. Patalon-talon papasok ng gate at pa iba-iba ang kulay nya... Orange nagiging Yellow, Blue, Red, at Violet, Pero bago pa sya makalapit sakin Nawawala na sya, Parang lumabo na sya ng palabo sa pangin ko hanggang nawala na sya ng tuluyan, Hindi ko po matukoy kung Santilmo ba yon o anuman.. Sinara ko nalang ang pintoan at natulog nalang..

Sa ngayon nakatira na kami sa sarili naming Bahay...
Yan lang po sana makatulog kayo ng mahimbing...

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now