WHO IS SHE?

57 2 0
                                    

WHO IS SHE?

Hi spookify!

Mahilig po ako magbasa ng mga kwentong katatakutan at napag desisyunan ko na mag send ng first entry ko. Sana ma-post po ito.

Hi readers, sana po magustuhan nyo ang ibabahagi ko na storya. Maraming salamat! Medyo mahaba po ito ha! Detailed po kasi.

Ang lahat po ng babanggitin ko na pangalan dito ay hindi po nila tunay na pangalan.

Ako nga po pala si Bella, at ang storyang ito ay nangyari noong 2009, 10 years old pa lang po ako. Fresh pa din po sa aking memorya ang nangyaring kababalaghan sa dating bahay ni ate. Bunso ako sa limang magkakapatid at si Ate Lin pa lang po ang may asawa’t anak. Nung time na yun, isa pa lang po anak ni ate, and I think ilang buwan pa lang po ata yung pamangkin ko na itago nyo na lang po sa pangalan na Mia.

Magkalapit bahay lang kami ni ate Lin, so yung bahay po namin ay end lang ng street. Si ate Lin ay nakatira sa isang apartment na bahay, sa apartment na yun merong 9 apartments at pang number 3 sila ate. Pagpasok mo sa gate nila, may apat na bahay na magkakatapat tapos sa Apt no. 2 naman dun nakatira yung kaibigan nila na pinupuntahan ko din dahil nakikipag laro din ako sa anak nya. Sya naman po ay si Ate Rachel.

Sa bahay ni ate Rachel, matatanaw mo yung bahay nila ate Lin. Parang pa “X” po ang reference  ko para po ma gets nyo kung anong itsura ng bahay nila.
Nung araw na ito, pumunta ako sa bahay nila ate Lin para makita ang pamangkin ko. Kaso pagkadating ko doon ay wala pa sila ate dahil nasa work pa sya at sinundo naman sya ng asawa’t anak nya. Tricycle driver po ang asawa ni ate.

Sumilip ako sa bahay nila ate Rachel at nakita ko sya na nandoon kaya naisipan ko muna pumunta sa bahay nila. Mahilig ako tumambay sa ibang bahay, (dahil sa bata pa din po ako that time) tapos konting chika chika ganon. Nung time na yun naghihiwa si ate Rachel pang dinner nila. Wala pa yung mga anak nya dahil nasa school pa.

Pinanood ko lang si ate Rachel na maghiwa at nabanggit ko na pupunta sana ako sa bahay nila ate Lin kaso wala pa sila. Sabi din nya sakin na narinig nya yung tric ni kuya John na umalis.

Nung pumasok pala ako sa bahay nila ate Rachel, pinasarado nya sa akin yung pintuan nila dahil nga sa nag uusap din kami siguro.

Mga 15 mins siguro ako nakatambay sa bahay ni ate Rachel, tapos naisip ko na baka nasa bahay na sila ate Lin. Tumayo ako at hinawi ang pintuan para masilip (may screen po bahay nila ate Lin at ate Rachel bago yung main door) kung nakauwi na sila.

At hindi ako nagkamali, nakauwi na nga sila pero si Ate Lin pa lang ang nakita ko (tanaw po kasi yung tao sa loob nila dahil pag sumilip ka ay sofa na agad makikita mo)

“Ate Rachel, nakauwi na pala sila ate Lin, punta muna ako sa kanila ha!”
(Tumayo din si ate Rachel para silipin)
“ay oo nga no! Osige puntahan mo muna ate mo.” (Tapos lumabas na ako at pumunta kila ate)

Sumilip muna ako sa screen at nakita ko si ate Lin na nakaupo, at naka cross legs sya at parang may hinahawi sya sa buhok nya. Nung time kasi na ito si ate Lin ay may sugat-sugat sa ulo nya dahil sa dry scalp nya, kinukuha nya po yung mga langib or balat ng sugat.

Pumasok na ako sa bahay nila ate at napansin ko na nakatulala lang si ate. Naka cross legs siya habang nagkukuyakoy mga paa nya.

“Hi ate nakauwi kana pala, nasaan sila Mia at Kuya John?” (Walang reaksyon na sumagot si ate) “nasa labas bumili ng diaper” “ahhh, nauna ka lang pala dumating.”

Habang kinakausap ko si ate Lin, napapansin ko na iisa lang yung pwesto nya, hindi man lang tumatayo at ganun padin ang ginagawa niya, tinatanggal yung langib sa ulo. Nakatulala, walang expression ang mukha, sobrang tahimik at tumatango lang po siya kapag sumasagot.

Sa harap pala ng sofa ay yung tv nila, naka off din. Tanging ceiling fan lang yung naka on at isang ilaw sa salas. Na weirduhan ako sa ate ko noon dahil hindi naman siya ganon. That time pala naka polo shirt na red si ate at jeans.

Napansin ko na walang ilaw sa kitchen area nila, nandoon din ang banyo nila pati laundry area. Maliit lang po yung space, tapos may hagdanan na paakyat.

“Ate bat hindi ka nag bubukas ng ilaw sa kusina nyo?” Sagot naman nya “wala lang”
Tinititigan ko po si ate Lin nun, isang beses lang siya sumulyap sa akin. Ni-ngumiti hindi nya magawa at makipag eye contact. Sobrang weird talaga. Medyo kinikilabutan ako sa kanya that time. Balak ko pa nga tumabi sa kanya at tanggalan siya ng langib sa ulo, kaso hindi ko magawa dahil nga sa creepy itsura ni ate.

Dumating naman si ate Jane, pangalawa kong kapatid at sumilip sa screen nila ate Lin.

“Uy bella, nandiyan na ba si ate Lin?” sagot ko naman “oo ate, pasok ka!” “Ate Lin pwede ba kami makahingi ng toyo?” Tumango lang si ate Lin, walang expresyon “oo daw te, sabi ni ate Lin”

Pagkatapos nun umalis na yung isa kong ate, at kaming dalawa nanaman ni ate Lin magkasama. Same padin ginagawa nya, tulala at nagkukuyakoy. Btw nakaupo nga pala ako sa gilid ng pintuan nila, may sofa kasi doon.

Gusto ko lapitan si ate Lin pero sobrang weird ng feeling ko sa kanya. Napansin ko na malamig din yung boses nya kaya ang creepy nya tignan.

Naisipan ko na magpaalam na kay ate Lin at sinabing babalik ulit mamaya kapag nakauwi na sila Mia at Kuya John. Bumalik ako sa bahay nila ate Rachel at pinasarado nya sa akin ulit yung main door nila.

Fast forward, pinasuyo ni ate Rachel yung pintuan nila na buksan ko na daw dahil pauwi na din ang asawa at anak nya.

Pagkahawi ko sa main door nila, laking gulat ko na makita. NAKASARADO NA PO YUNG BAHAY NILA ATE LIN, at walang ilaw! Wala namang dumadaan sa labas dahil nakabukas naman bintana nila ate Rachel, hindi ko nakita lumabas si ate Lin. Tsaka ang bilis naman kung ganon. 

Sinabe ko iyon kay ate Rachel at agad siyang tumayo para tignan.  Nagtataka din sya. Lumabas ako kaagad at tinignan kung naka lock yung pinto, and guess what? NAKA LOCK PO YUNG PINTUAN.

Nagkatingin kami ni ate Rachel, kitang-kita naming dalawa na nasa LOOB na ng bahay si ate Lin. Nakabukas ang ilaw. Nakapasok ako sa bahay at nakausap siya, paanong naka locked ang bahay nya?

Narinig namin sa labas yung tunog ng tric ni kuya John,  at nang lumabas ako .. nakita ko si ate Lin!

“Hi ate, kakauwi nyo lang?????” Sagot nya “oo bakit? Dumaan pa kami sa mercury bumili ng diaper” sagot ko naman “as in kakauwi mo lang??” “Oo nga bakit?” “E KASI PUMASOK AKO SA BAHAY NYO AT NANDOON KA! KITA NAMIN NI ATE RACHEL IYON!” Sumagot din si ate Rachel na nakita din nya na nandoon si ate Lin sa bahay.

Sabi naman ni kuya John na kakauwi lang talaga nila, natagalan dahil namalengke at bumili ng diaper. Sabe nya sa amin huwag daw kami manakot, pero hindi po talaga kami nagbibiro non ni ate Rachel, dahil nakita naming dalawa yun eh. Pumasok ako at yung isang ate ko pa, humingi pa ng toyo! Hindi naniniwala sa amin sila ate Lin.

So, papaano ako nakapasok sa isang bahay na locked pala in the first place? Medyo natakot ako that time dahil hindi ko maisip kung anong nangyari.

Kaya pala hindi sumasagot si ate Lin at nakatulala lang, walang expresyon dahil hindi pala sya ang ATE KO. SINO IYON?

Naniniwala po ako sa mga doppleganger. Ang lakas ng doppleganger na iyon dahil nabuksan nya yung bahay at ilaw. Hindi po kwento-kwento lang ito, nangyari po talaga siya sa akin nung bata pa po ako.

Kayo ba, naniniwala din ba kayo sa doppleganger?

Thanks for reading!

Take note, magkaparehas po ng suot na damit si ate Lin at yung ka dopple nya.

Maraming salamat sa pagbabasa, magsesend pa po ako ng horror story, with picture naman po yun.

~Bella.🩷

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now