Chapter 14

1.1K 93 15
                                    


DEDICATED TO MY CLASSMATES MRBLACKED1003 AND blackkookies7.


Chapter 14


Aria's POV

"Nasaan na ba kasi yang si Tin?" nag aalburotong tanong ni Ella. Kanina pa naming hinihintay si Tin. Simula nang dumating kami dito sa dorm, hindi na naming siya nakita. She's been out since then. Gabi na pero wala pa rin siya.

"Hindi ka ba nag-aalala sa kaniya? Kanina ka pa walang imik diyan," tanong ni Ella sa akin. I just looked at her and stood up. Nagugutom na ako kaya dumiretso ako sa kusina. Tin's probably strolling outside. I'm sure she's safe. Headmistress V said that no one's allowed to go outside the academy without their permission. Kaya panatag ang loob ko.

Kumuha ako ng six slice of sandwich and palaman para rito. Kumuha na rin ako ng maiinon. Umakyat ako sa kwarto ko at dun kumain. Hindi pa umabot ng ilang minuto, naubos ko na kaagad ang sandwich. Nagugutom pa rin ako kaya napagdisisyonan ko na kumuha ulit ng makakain sa 'baba.

Ano bang masarap kainin? Nasa harap ko ngayon ang refrigerator. May nakita akong karne na grinned kaya kinuha ko 'to at nagpainit ng mantika sa pan. Naghanap ako ng bun na para sa hamburger at sa awa ng Diyos may nahalungkat ako. I'm glad the school provides food like this. Hindi lang mga gulay. Though kumakain naman ako ng gulay. Sometimes we just want to eat meat and just meat.

Nang uminit na ang mantika, ni-form ko ang karne na pabilog na flat. Niluto ko 'to. Binuksan ko ulit ang ref at naghanap ng leafy na vegetable at kamatis. Binalikan ko ang niluluto ko at binaliktad yung karne.

"Tin, nandiyan ka na ba?" rinig kong tanong ni Ella. Papalapit yung boses niya dito sa kusina. "Aria? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya sa akin.

Sa halip na sagutin ang tanong niya nilagpasan ko lamang siya at hinain ang karne na prinito ko. May nakita akong patatas kanina, kaya binalatan ko 'to at hiniwa. I'll be making a French fries.

Tumili ito ng makita ang niluto ko. "Pahinge!" sabay lapit sa niluto kong grinned meat. Nang malapit na niya itong mahawakan, pinalo ko kaagad ang kaniyang kamay. I don't want to share what's mine. Niluto ko yan para sa akin, kaya ako lang ang kakain niyan.

"Ang damot!!" sigaw niya ulit at nag pout. Sabay kaming napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas. Si Tin na nakangiti nang sobrang lawak habang may hawak na bulaklak na kakaiba ang kulay.

I knew she was safe.

"Tin! San ka galing?!" tanong ni Ella sa kaniya. May maririnig kang galit sa kaniyang boses ngunit mas nangibabaw ang pagalala sa boses niya. Mabuti naman at nakauwi na siya.

"Hi!" bati ni Tin sa amin. "Anong amoy 'yon? Nagluto ka Aria?"

Ay, hindi. Naglalaba ako. "Obviously," Nasa kusina, may hawak na spatula, nasa may harap ng frying pan at stove. Syempre nagluluto talaga ako.

"Umalis nga kayo dito," pagtataboy ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin at nag pout si Ella.

"Ang bad mo Aria!" at mag walk out. OA nito. Bibigyan ko naman talaga ito mamaya pagkatapos.

"Sige na nga. Mukhang nag eenjoy ka sa pagluluto, kaya iiwan muna kita," ngumiti ulit ito, "bye!"

What has happened to her? She would usually lecture me about being selfish with foods. Bakit hindi ito nagagalit?

I decided to cook dinner. Adobo at Kare-kare. Nagluto din ako ng pasta for the four of us. I'm not sure if Blaise would be eating here. She's been also out but we know that she knows what she's doing. Matagal na ito dito. Lumipas ang mahigit tatlong oras, natapos din ako sa pagluluto.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now