Chapter 36

620 43 3
                                    


Chapter 36

Minulat ni Aria ang mata nang marinig ang tawag ni Aidan. Bumungad sa kaniya ang mukha nitong walang emosyon.

"What?"

"The papers are here."

"Oh," kinuha niya ito at binasa.

Humingi sila ng tulong sa headmistress para mas mapadali ang paghahanap ng solusyon sa kapangyarihan ng panginoon ng lupa. Pinagmasdan niya ito matapos mabasa.

Katulad nga ng iniisip niya. May malaking posibilidad na gumana kung ilalagay ito sa isang lagayan. Pero saan? That question won't be easy to answer. It would be difficult to discover the answer to it.

Inilagay niya ito sa tabi at inangat ang tingin.

"Are the others in the training room already?"

Tumango ang lalaki at tumalikod na. Tumayo siya at sinundan ito. Ipagpapatuloy na naman nila ang pagti-training. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng may makalaban silang demon. Ilang araw pagkatapos niyang magising, she overdid herself from training nonstop. Walang nakapigil sa kaniya. She felt frustrated. She's the demon slayer pero bakit hindi niya ito napatay?

Sinabihan na siya ng iba na hindi naman niya ito kasalanan. It's not her fault, she didn't have the holy weapon. How would she suppose to defeat the demon without it?

Pero ang iniisip niya ay ang responsibilidad na meron siya at ang angking taglay. She has the demon slayer blood. Bakit hindi niya pa rin ito matalo talo?

"Aria!"

Kinuha muna niya ang dalawang katana na nakalatag sa mesa. They will be doing weapon training. Kahapon ay physical training kaya weapon naman ngayon.

"Kanina pa ba kayo rito?"

Umiling si Ella at tinuro sina Ivy. "Kakarating lang din nila."

Tin clapped earning their attentions. "Okay guys, let's start!"

Hinihingal na si Aria habang pinipigilan ang tatlong espada na nasa harapan ng mukha niya. She stopped it on time, thankfully. Kung hindi baka wasak na mukha niya.

It's her against all of them.

Okay lang naman sa kaniya. She actually requested it. Para mas mahasa talaga kapangyarihan niya. She wants to test herself in any way she can.

Iniwaksi niya ang tatlong espada at umatras. She dodged Ella's whip and fenced with Tin's spear. Kaagad siyang umupo ng may bola ng apoy ang umulan sa direksyon niya.

Nangungunot ang noong tinignan niya si Aidan.

"Hindi kasali ang mahika."

"Where's the thrill in that?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. What?! Nahihirapan na nga siya sa mga armas lang may mahika pa kaya?

"Right! We'll use our magic and you won't be using yours."

Mas nanlaki ang mata niya. "What?!"

Hindi na niya mapigilang hindi mapasigaw. Are they kidding her?

"Okay, resume!"

Hindi pa siya ready ng sabay sabay na nagpaulan ng mga mahika ang lahat.

"What the fuck!" she jumped and landed on the wrong way. Sumakit ang paa niya kaya nahirapan tumayo. But that didn't stop them from attacking Aria. Kinuha nila itong opotunidad para masugod ito.

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now