Chapter 34

663 38 2
                                    


Chapter 34

Aria continued her training. Leo and Grethel have been with her to train 'the demon slayer way'. Strikto ang mga ito pagdating sa training. Mabilis namang matuto si Aria kaya mabilis rin ang progress ng training nila.

Hindi lang ang pagiging demon slayer ni Aria ang tini-train niya. Pati ang pagiging szjin. Hindi pa rin siya makapaniwala na siya na nga ang demon slayer na kailangan ng mundo, siya pa ang nakakuha sa szjin na pinakamangyarihan naman sa mundo.

Hindi naman siya nakakapressure. Haha.

Sina Aidan, Aeron, Ivy at Victoria ang nagti-train sa kaniya sa mga elemento. Kung dati na wala pa siyang kapangyariham ay tinitrain na siya ng apat, lalo na ngayon na may kapangyarihan na siya. Sobrang dami niyang ginagawa para mapagaling ang sarili. Lalo na sa paggamit ng kapangyarihan. She's still new to this that's why she still can't give her all. Pero mabilis naman siyang natuto.

Ngayon na paiba iba ang elemento na ginagamit niya, paiba iba rin ang kulay ng mga mata niya. But unlike at the first time it changed, wala na ang sakit. Para ngang wala na. Her eyesight now also improved. Hindi naman malabo mata niya noon pero pakiramdam niya ngayon nakikita na niya pati mga alikabok.

Thanks to that hellish experience. Ayaw na niyang alalahanim 'yon.

Ngayon na tinitrain na rin siya ng kambal, Tin would sometimes be with her para matrain parin ito ng dalawa. It's not a problem since Tin's training is for her element.

"When will I train for the sub-elements?" tanong ni Aria sa apat ng minsan silang nagtraining. Napaisip naman ang apat. Aria's been really good at training and her magic is really powerful. Kaya na niyang makipagsabayan sa iba pagdating sa pakikipaglaban at paggamit ng kapangyarihan.

"Gusto mo ngayon na?" tanong ni Aeron.

"Is it okay?"

"You're totally great in using the four elements so why not try the subs?" Sabi ni Ivy na sinangayunan ni Victoria.

They asked Grethel and Leo to train her in Lightning as for now. Maghahanap pa sila ng magti-train sa kaniya na may ice magic, sound magic at metal magic. Hindi niya alam kung bakit pero nai-excite siya sa mga trainings niya. She finds it hard but great. Mas napapahusay niya rin ang talas ng pag-iisip lalo na sa laban. And it would be very beneficial to her especially when she'll be in a battle field.

"Why not ask the headmistress to introduce someone to us na makakapagtrain kay Aria?" suhesiyon ni Ella. "If that's okay for her."

"Oo nga, we can do that! Si Aeron ang kakausap!" Ivy said that made Aeron frown.

"Bakit ako?" anito na tinuro pa ang sarili.

"Mas paniniwalaan ka non!"

"Eh di si Aidan na lang!"

In the end, all of them went to the office of Violet. Nadatnan nila itong may kausap na ibang tao. Paalis na rin ito dahil patayo na ito mula sa kinauupuan.

"Salamat, aasahan ko ang pagunlak mo sa gusto ng hari at reyna," anito sabay yukod.

"Pag-iisipan ko," yumukod rin si Violet at hinatid sa labas ng opisina ang bisita.

"Anong kailangan niyo?" she asked them. Umupo ito at inayos ang papeles sa mesa.

"May sasabihin daw si Aeron, Miss V." Bulalas ni Ivy na kaagad ikinasama ng tingin ni Aeron sa kaniya.

"What is it?"

"May kilala po ba kayo na pwedeng tumulong sa training ni Aria?"

Napatigil ito sa ginagawa at napaangat ang tingin. "In what aspect?"

Sapphire Academy: the lost demon slayerWhere stories live. Discover now