Prologue

265 9 0
                                    

Robbie's Point of View

Isang Madilim at Maulang Langit ang bumungad sa Aking malamig na Umaga.
Nakita kong Bukas ang Aking Bintana.Nag saplot ako ng Kumot sa Aking likuran at tumayo,Naglakad papunta sa Bintana Para Isara ito.
Binuksan ko ang Cabinet pagkatapos ay kinuha ko ang Aking Diary at Ballpen.

"Dear Diary,

Dumating na ang araw na pinaka Hihintay natin! Ang Araw kung saan Tatanggalin ko na ang Maskara na nagtatago sa aking tunay na pagkatao.
Ilang taon rin akong nagtago at namuhay sa takot.Mula noon,Wala akong naranasan kundi ang Lumuha,Masaktan at Tapakan ng mga taong malapit sa akin.Siguro,Panahon na para sumaya naman ako,Oras na para bumangon ako mula sa aking pagkakadapa sa lupa,Oras narin upang harapin ko ang tadhana ko.Ang kapalaran kong maging Ako.
Papakawalan ko na ang mga Bato na Nagpapahirap sa akin sa paglipad sa Langit. Gaya ng Isang Magandang paro paro,Kailan kong maging isang maganda upang mahalin ako ng Lahat. Paalam Robbie! Salamat sa mga masalimuot na ala-ala na dahilan kung bakit ako matatag ngayon"

Tumayo ako sa Upuan at naglakad papunta sa Bintana.Pinapanood ko ang Bawat pagpatak ng ulan.Para bang umiiyak ang Langit para sa'kin.Sa bawat patak ay Maaaring mag iwan ng Pinsala.Ngunit naalala ko ang sabi sa akin ng Mama ko dati,na sa bawat pagtatapos ng ulan ay isang makukay at matingkad na bahaghari ang susulpot mula sa langit upang magbigay kulay sa Maitim at madilim nating Mundo,At sa Kapag sumikat ang Araw mula sa Langit ay Tutuyuin nito ang mga Iniwan ng Ulan.Naghahanda ako para sa Operation na Gagawin sa akin bukas.
Ako si Roberto "Robbie" Marquez,Isang babae na Nakakulong at Bilanggo sa Katawan ng Isang Lalaki.
Sa panahon ng Ulan ko naaalala ang mga pinagdaanan ko sa buhay.Lahat ng pagsubok na aking hinarap na dahilan kung bakit ako mas naging matatag at malakas ngayon.Mga pagsubok na akala ko di ko kayang lampasan.
naranasan ko ang Hamakin,Ikahiya,Tapakan,Laitin,
Pagtawanan at Saktan dahil Hindi nila ako maintindihan. Sumandal ako sa Glass pane ng Bintana habang pinagmamasdan ko ang bawat patak ng Ulan.Ipinikit ko ang aking mga mata upang alalalahanin lahat ng masalimuot na Alaala na Dinanas ko sa mga taong Hinamak at tinapakan ako. Tapos na ang Bangungot ng Buhay ko at Oras na para magsimula ako ng panibagong kabanata pero Sisiguraduhin ko na kahit kailan hinding hindi na nila ako masasaktan.Naglakad lakad ako sa Apat na Sulok ng Kwarto hanggang sa napatigil ako sa Harap ng Malaking salamin.Dahan dahan kong Binaba ang Aking damit hanggang sa Nakita na ang Lahat sa'kin.Pinagmasdan ko maigi ang sarili ko sa Salamin.

"Ilang taon rin akong naging bilanggo ng sarili kong pagkatao na para bang nakakulong ako,Nakagapos at may suot na Maskara na siyang nagtatago sa kung sino ba ang totoong ako."

Sabi ko sa Isip ko. I took a very deep breath and whispered to myself
"Malapit na akong maging malaya."
I gently closed my eyes to remind me How things went this way

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now