Chapter 2:Robbie's Secret is Out

123 6 0
                                    

Robbie's P.O.V

Pagpasok ni Mama sa kusina,Kumuha siya ng itlog at Binasag ito sa Mangkok.Lalagyan niya sana ng asin pero....
"Mama,Wag po" Habang hawak ko ang kamay niya.
"Ayaw ko po kasi ng Asin sa Itlog ehh mas Gusto ko po yung Sarap Ginisa seasoning mix kaya yun nalang po ang Ilagay niyo" sabi ko sa kanya.
"Ayy oo nga pala pasensya kana anak ahhh nakalimutan ko na Ayaw mo pala ang asin sa Itlog" Kinuha ni Mama ang Sachet At Binudburan niya ito ng tamang Dami.
Pagdating ng Gabi,Dumating na rin sina Lolo at Papa Lando galing sa trabaho.Nagmano kaming tatlo sa Kanila.Umupo na silang tatlo nina Lola Feliciana sa Hapag habang tinutulungan ko si Mama sa paghahain ng Aming kakainin.
Nagdasal kami at Kumain,Nag usap usap sila tungkol sa mga bagay bagay
"Robbie,Uulitin ko ahh,Ayaw ko na nakikita kang naglalaro ng Manika,Nakakasuka.Alam mong Ayaw ko sa mga Salot."Paalala sa'kin ni Lolo.Nagkatinginan kami ni Mama,Hindi man siya magsalita,Ramdam ko ang Kaba at Nerbyos na kanyang nararamdaman.
"Papang,Nasabi pala sa akin ni Robbie na Nagbabahay-bahayan raw ho sila ni Angela at yung manika yun yung Kunwaring anak niya."Palusot ni Mama kay Lolo.
"Kahit na,Gina.Hindi ko gusto ang nakakakita ng Lalaking naglalaro ng isang manika lalo na sa Apo ko.Robbie,Maghanda ka dahil kapag may Free Time ako,Tuturuan kitang Humawak ng baril."Sabi ni Lolo.
"Oo,Robbie.Siguro baka pagdating mo sa 15 years old Baka Ipasok ka namin sa Isang Military School."pahabol ni papa.

"Masyado niyong Pini-Pressure ang Apo ko.Hayaan niyo muna siya maglaro ng maglaro dahil bata pa naman siya eh.Darating din ang araw na matutupad niya lahat ng pangarap niyo sa kanya."Sinabi Lola Feliciana matapos siyang mainis dahil sa mga sinabi sa'kin nina papa.
Pagtapos ng Hapunan,Naghugas na si Mama ng mga pinggan habang nasa loob kami ni Jc ng Kwarto namin at nanonood habang si Papa ay nasa banyo,Naliligo.pumasok si Mama sa Kwarto at sinabi...

"Robbie,Diba sabi ko naman sa'yo mag-Ingat ka sa mga kinikilos mo?Mabuti nalang Hindi ka nahuli ng Lolo mo,Kung nagkataon baka masaktan ka niya.Alam mo naman na Ayaw niya sa mga kagaya mo,Hindi ka maiintindihan ng Lolo mo" pabulong na Paalala sa'kin ni mama.
"Mama,Sorry po na Sinuway ko kayo.Sadyang di ko lang po talaga maiwasan ang maglaro ng manika ehh alam mo naman po na Babae ako."Tugon ko.
"Anak,Hindi lahat ng tao kagaya ni Mama.ako mahal kita kahit sino ka pa,Mahal kita kahit lalaki ka o Babae.Sana maisip mo anak na Hindi lahat ng tao sa Mundo ay nakakaintindi.Ayaw na ayaw ng mga tao sa mga bagay na hindi nila naiintindihan." Payo niya sa'kin habang hawak niya ang aking pisnge.
"Opo mama.Sorry po,Di ko na po uulitin"
Biglang pumasok si Papa galing sa Banyo.

Nagbihis siya at Sinabi kay mama na may lakad sila bukas ni Lolo Amorsolo at baka gabihin sila ng Uwi.pagtapos nilang mag usap ay Natulog na Kami.
Kinabukasan,Naghanda na kami papasok ng School at Pumasok kami.Pagtapos ng Klase naglaro ulit kami ni angela sa Hardin.
"Oyy Robbie,May lakad daw mamaya sina Lolo at Tito ahhh"-Angela
"Ohhh,Ano naman?" sabi ko
"Edi ibig sabihin pwede kang maglaro ng dolls mamaya! Hindi lang yun,Gusto mo ba na Magbihis Babae?" Sabi ni Angela.
Di ako agad nakasagot sa sinabi ni angela dahil inisip ko ang paalala sa'kin ni Mama.

"Wag na Sis,Baka mamaya mahuli na tayo ni Lolo sa pagkakataong to."
"Ano kaba?Hindi yan,Gagabihin nga sila eh Tapos sina Tita Gina at Lola mamamalengke so Ibig sabihin tayo lang ang tao dito sa bahay." pilit na pangungumbinsi sa'kin ni angela.
"Hay nako ang kulit mo talaga,Oh siya sige na" pagpayag kong sinabi sa Kanya.
natuwa si Angela dahil sa pagpayag ko.
Hinihintay nalang namin umalis sina Lolo para makapag laro na kami ni Angela.

Lumipas ang Higit Isang oras At lumisan narin sila sa wakas.Tuwang tuwa kami ni Angela habang sina mama naman ay Sumabay na Kayla Lolo sa pagpunta sa Palengke.
Kinuha namin ang mga manika at damit ni angela.Una,Naglaro muna kami ng Barbie pagtapos ay Kinuha na ni Angela ang mga Dress niya at Sinuot ko ang Kulay Rosas na Dress Nagsuot din ako ng Headband at ng Doll Shoes.Umikot ikot ako Habang suot suot ang mga gamit ni Angela,Sa pagkakataong iyon ay Naramdaman ko na parang naging malaya ako.Naramdaman ko na Hinubad ko ang Maskara sa aking mukha na nagtatago sa aking tunay na pagkatao.Pakiramdam ko rin na Hindi na Ako nagbabalat kayo.nakasuot ako ng Dress hanggang sa Dumating si Mama,Nagulat si Lola Feliciana noong makita niya akong Nakabihis Babae sa katunayan,Nahulog ang kanyang pinaka sa Sahig.

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now