Chapter 3: Humiliated

92 5 0
                                    

Robbie's P.O.V

Pagtapos kong umiyak sa loob ng banyo,Lumabas na ako.Balisa at hindi pa rin ako maka imik dahil sa Nangyari,Kapag tumitingin ako sa bahay ay para bang sumisikip ang paligid.Naninikip ang dibdib ko dahil sa Nangyari kanina.Nakita ko si Tito na nilalaro si Jc sa Sofa habang naka bukas ang Tv.Maya maya pa ay dumating na si Angela galing sa Practice nila.Binaba niya ang bag niya sa Upuan,Nagmano siya sa Tatay niya sabay hinalikan si Jc.Nakita niya ako na nakaupo,Tahimik,Lumapit siya sa'kin at kita sa kanyang mata ang pag aalala.
"oyy Robbie,Ayos ka lang ba?" Tanong niya
Hindi ako agad nakasagot sa kanyang katanungan.Napatingin ako kay Tito nakita ko sa mukha niya ang pagbabanta na wag akong magsabi tungkol sa Nangyari.
"Ahhh ano Wala Hehe pagod lang ako naghugas kasi ako ng mga pinggan." Sagot ko .Tumingin si Angela sa Kamay ko nakita niya na Namumula ito.
"Ano ang nangyari sa kamay mo?"
"Wala to,Angela.Sabi ko sayo na ayos lang ako".

Angela's P.O.V

Hindi ako makumbinse ni Robbie na ayos lang siya.Kita ko sa mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero may pumipigil sa Kanya.
"Ayos ka lang ba talaga" tanong ko kasi natatakot ako na baka sinaktan siya ni papa habang wala ako.
Tumango lang siya sa'kin.Pumasok siya sa kanilang kwarto,Tumingin ako kay papa habang Nilalaro niya si Jc sa Sofa.Sobrang lakas ng tawa nilang dalawa dahil kinikiliti ni Papa si Jc.

Robbie's P.O.V

Naupo ako sa pintuan dito sa may kwarto namin at Umiyak.Gusto kong sabihin kay angela ang tunay na nangyari nung wala siya,Gusto kong sabihin na Minaltrato ako ng kanyang ama ngunit ayaw ko baka kasi Madamay pati yung bata kong kapatid.
Ilang minuto ang Lumipas,Dumating na sina Mama at Lola galing sa Kanilang lakad.
niyakap ko si Mama ng Sobrang higpit at Nagmano ako kay Lola Feliciana.Tumingin ulit ako kay tito,Binuka niya ang Bibig niya,Binasa ko ang kanyang sinabi
"Wag".
Lalo akong natakot dahil baka mamaya pag nagsumbong ako,Saktan niya Ulit ako.

Gina's P.O.V

Ano ang nangyari sa aking anak?Bakit namumula ang kanyang Paa? Napatingin ako sa mukha niya.Bilang isang Ina,Alam ko kung kailan may gustong sabihin sa'kin ang aking anak.Nararamdaman ko na may tinatago sa akin si Robbie kaya Naglakad kami papunta sa Kwarto,Kinandado ko ang pintuan at tinanong ko siya.
"Anak,Anong nangyari?Magsabi ka kay Mama." Pabulong ko siyang tinanong
Hindi siya makatitig sa akin.Matagal rin bago siya sumagot.
"Ahhhh ano po mama Ummmm Wala po ayos lang ako" Sagot niya,Hindi ako naniniwala na ayos lang siya kaya Hinawakan ko siya sa Kanyang Balikat.
"Anak,Tumingin ka sa mga Mata ni Mama,Ano ang nangyari?"

Robbie's P.O.V

Biglang tumulo ang luha ko nung si Mama na ang nagtanong sa akin.Bigla ko siyang niyakap habang umiiyak ako.
"Mama,Si Tito po sinaktan ako Tapos kinadena niya po pagtapos kinulong po ako sa Bodega." kinakapos ako sa hininga.
Tumitig sa'kin si Mama at bigla ring Tumulo ang luha mula sa kanyang Mga Mata.Niyakap niya ako
"Hayop yang Tiyuhin mo!,Hindi ako papayag na sasaktan ka lang niya ng basta basta kasi Wala siyang Karapatan."Binuksan ni Mama ang Pinto habang Hinila niya ako palapit kay Tito.
"Jonel!" Sigaw ni Mama sa Galit na tono ng boses.Sinampal niya si Tito sa Mukha,Sobrang lakas ng sampal ni Mama kaya naman Tumunog ang Palad niya.
"Hayop ka!,Bakit mo sinaktan ang anak ko!"
"Anong pinagsasabi mo,Gina?" Sagot ni Tito habang hawak niya ang Pisnge niya na Sinampal ni Mama.Lumabas si Lola Feliciana sa Kusina.
"Ano ang nangyayari dito?" Lumapit si Lola kay Mama.
"Mama,Sinaktan ho ng Anak niyo ang Apo ninyo" Sabi ni Mama kay Lola.
Tumingin si Lola sa'kin
"Totoo ba iyon,Apo?"
pumikit ako at Tumango.Biglang Umamba si Tito sa'kin na parang sasaktan niya nang bigla siyang Sampalin ni Lola.
"Wala kang Puso! kayong Mag- aama Sobrang Sama niyo! wag na wag niyong sasaktan ang apo ko!" Sigaw ni Lola.
"Mama,mas kakampihan mo yang apo mong abnormal kaysa sa'kin na Anak mo?"
Lumapit ako kay Jc at Angela na Noo'y Umiiyak sa may Tabi ng Tv,Niyakap ko silang dalawa.Biglang Dumating sina Lolo Amorsolo at Si Papa Lando.
"Dahil diyan sa Baklang yan nagkakagulo tayo dito"sabi ni Lolo
"Isa kapa,Amorsolo! Wala ka ring Puso! Nagsisise ako na Ikaw ang aking naging asawa!" sabi ni Lola.
"Dapat sa Baklang yan ay Palayasin dito!,Dudumihan niya lang ang pangalan ng pamilya natin"
"Yan,Diyan kayo magaling!.Lagi niyong iniisip amg sasabihin ng ibang tao! Magagaling nga kayo bilang Sundalo at Pulis pero wala kayong Kwenta!" sigaw ni Mama kay Lolo.
Nagalit si lolo dahil sa Sinabi ni Mama kaya naman napagbuhatan niya ito ng Kamay.
"Mama!" sigaw ko Lumapit ako sa kanya uoang yakapin siya. Lalo akong naiyak nung makita kong may dugo sa Labi ni Mama.
"Papang,Bakit niyo po sinampal si Gina?" sabi ni Papa habang Hawak niya sa Braso si Mama.
"Walang Modo yang Asawa mo! Bastos!" Sigaw ni Lolo habang dinuduro si Mama.
"Ikaw,Halika ka dito" Hinila ni Lolo ang Damit ko sa bandang Leeg.Kinaladkad niya ako palabas ng bahay.Tumayo si Angela para pigilan si Lolo,Tinulak siya ni Lolo sa sahig.Umiyak si Angela dahil sa lakas ng kanyang pagbagsak.
"Apo ko" Lumapit si Lola kay Angela.
Hinila ako nina Lolo at Tito palabas ng bahay.Tinulak nila ako pababa ng hagdan
Nasugatan ang tuhod ko dahil sa Kanilang pagtulak.Sinipa ako ni Tito sa Likod habang pilit akong Tinayo ni Lolo.Sinuntok niya ako sa Sikmura dahilan para manghina ako at Mawalan ng Malay.

The Journey of a TranswomanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant