Chapter 44: The Marquez Family

87 3 4
                                    

Olivia's P.O.V

Nagulat ako ng makita ko si Papa na nakamotor.Naalala ko noon yung pagmamahal niya sa akin noong hindi niya pa alam na may pusong babae ako.Nasa Loob lang pala ng utak ko na tinawag ko siyang papa. Sa totoo lang nakatitig at nakatingin lang din siya sa amin ni Mama.Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at ibinaling ko ang paningin sa lupa.

"Gina,Sino yang kasama mo?" Tanong niya kay Mama habang ako ay wala paring Imik.

"Si Olivia..siya yung Anak ng mga Boss ko sa bago kong trabaho...Olivia,Siya nga pala Si Lando ang Asawa ko" Dahan dahan akong tumingin sa Papa ko at nginitian ko siya.

"Good Evening po,Maam...Kilala ko po kayo kasi lagi kang pinapanood ng Anak ko."

"Talaga pa?....I mean,Talaga po?"

"Opo,Maam.Nako for sure matutuwa po yung anak ko kapag nakita po kayo."

"Huwag niyo na po akong tawaging Maam...Olivia or Via nalang po,Sir."

"Ito kasing si Olivia isa siya sa mga batang naalagaan noon ni Mama...Nalaman niya na Pumanaw na pala kaya gusto niyang malaman kamusta tayong mga naiwan ng niya kaya andito siya."

Maya maya pa...Narinig ko na may naglalakad na lalaki papunta sa Gate.Nakasuot siya ng Pulang Tshirt at Jersey na shorts at naka tsinelas na blue.

"Mama,Papa..Andiyan na po pala kayo." Sabi ng lalaki na sa pagkakataong ito,napagtanto ko na siya ang Nakababata kong kapatid na si Jc.

"Mama,Bakit po kasama niyo si Olivia Mariano?...Hello po Maam nako sobrang fan na fan mo po ako! Gusto ko po lahat ng vlogs mo lalo na po yung Thailand Tour na ginawa mo last year" Nagkatitigan kaming dalawa ni Mama noong makita ko ang kapatid ko na sobrang saya nang makita niya ako.Halos mapuno ng Luha ang aking mga mata ng makita ko na kasama ko Si Papa,Mama at Jc...Kaming apat na pamilya magkakasama.Hindi ko maiwasan ang Hindi maluha.

"Miss Olivia?Bakit ka po Umiiyak?"tanong ni Papa sa akin.

Suminghot ako habang pinunasan ko naman ang luha sa kaliwang mata ko.

"Naalala ko lang po yung Pamilya.Ganitong ganito po kami dati.Kasama Mama ko yung Papa ko" tumingin ako kay Jc "at yung pinaka mahal kong Kapatid."

"Nasaan ba sila?"

"Nasa Malayo po sila.Hindi ko sila pwedeng mahalin ng Buo.Kailangan po para sa Ikabubuti naming Lahat."

"Ganun po ba? Pwede naman po na Kami po ituring mong Pamilya. Kasi Wala na rin po yung kapatid ko eh...Nasa Malayo po siya at hindi ko po alam kung nasaan siya.Sana One day magkita ko Ulit si Kuya Robbie para masabi ko sa kanya na Natupad ko ang Pangarap kong maging Photographer at gusto ko ring iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya."

Naglakad ako papa;apit sa kanya.Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Alam mo Sigurado ako na kung nasaan man yung Kuya Robbie mo,Proud na Proud na Proud na Proud siya sayo.Huwag kang mag alala,Sigurado ako na alam ng kuya mo na mahal na mahal mo siya kasi for sure ganun din siya sa inyo." sabi ko sa kanya habang hawak ko parin ang kanyang mga kamay.

"Miss Olivia,Pwede po ba tayong magpicture?"

"yun lang pala sige ba."

Binunot niya yung cellphone niya sa Loob ng kanyang bulsa.Nakita ko na medyo may kalumaan na ang Cellphone niya.Nagpicture kaming dalawang magkapatid.Nakita ko na nakatingin sa amin si Mama at Papa kaya naman inaya ko sila.

"Tita Gina...Sir Lando tara po sali po kayo."

"Oo nga po Ma..pa...Tara po." Lumapit kami ni Jc sa kanilang dalawa at nag picture kami gamit ang cellphone ni Jc ganun din sa Phone ko.This is a very special day and memories like this deserved to be treasured and remembered.kahit na hindi nila alam na ako ang kapatid at anak nila...At least May chance na makasama ko sila at Someday Mabubuo rin ang pamilya kong nasira dahil sa akin.

The Journey of a TranswomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon