Chapter 24 : Amorsolo's Wrath

48 2 0
                                    

Robbie's P.O.V

(Thursday after Class)

Sinabihan ko si Marlo na Hindi muna ako makakasama sa kanya dahil may dadaanan lang ako pero ang Totoo ay makikipagkita ako kay Angela.Mas nauna siyang lumabas sa gate kaya naman hinintay niya ako sa kanto malapit sa poste ng kuryente.Hinintay ko munang makauwi si Marlo bago ko pinuntahan si Angela.Lumapit ako kaagad noong nakaalis na si Marlo

"Tara kain tayo" Hiling niya
"Nako ikaw ang takaw mo kaya ayan tuloy tumataba ka na" Biro ko naman sa kanya bigla niya akong tinapik sa Braso
"Grabe ka naman sa'kin,Insan Nakaka Conscious yung Sinabi mo.Tumataba na ba talaga ako?" Tanong niya habang hawak ang kanyang magkabilang Pisnge.
"Kahit tumaba ka pa always Remember na Maganda ka at Mahal na Mahal kita"
"Alam mo hanggang ngayon di ka parin nagbabago,Napaka bolera mo parin.Tara na! Libre mo nalang ako sa 7/11 ng Pagkain para matuwa ako sayo" sabi niya.Agad kaming naglakad papunta sa 7/11 para makabili na rin ako ng makakain ko.Ngunit habang naglalakad kami,Napansin ko na parang may sasakyan na Sumusunod sa'min.Tinignan ko ito para makasiguro.Tumalikod ako sandali upang tignan ang daanan pero Hindi ko na nakita ang kotse na pakiramdam kong sumusunod sa'min
"Huy! Ayos ka lang ba" tanong ni Angela habang Hinihila niya pababa ng bahagya ang manggas ng aking uniporme.Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil patuloy kong hinahanap ang kotse na Pakiramdam ko ay Sumusunod sa'min.Tumingin ako kay Angela at sinabi ko na
"Wala....Oo ayos lang ako" sabay ngiti sa kanya para pagtakpan na Hindi talaga ako ayos
"Alam mo,Gutom lang yan kaya bilisan na natin maglakad kasi I can feel my stomach is Speaking to me na Kapag hindi pa ako kumain,Kakainin na niya yung mga Intestines ko"Biro niya.Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad dahil naisip ko na baka pakiramdam ko lang yun dahil sa sinabi sa'kin ni Mama na Parang nakakatunog si Lolo.Pagdating namin ni Angela sa Loob,Bumili kami ng Dalawang Inumin at Dalawang Pagkain at sa loob namin ito kinain.
Nag usap kami tungkol kay Marlo
"Robbie,Kamusta nga pala kayo ni Marlo?"
"Ayos naman kami kaya lang nagsisikreto ako sa kanya na Kunwari hindi ko pa kayo nakikita.Natatakot kasi ako na baka mahiwalay kayo ulit sa'kin eh.Pero alam mo nakokonsensya ako dahil naglilihim ako sa kanya habang siya Totoo at Tapat siya sa'kin "
"Tingin ko mabait namang tao yang si Marlo eh.Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo? Sigurado naman ako na Hindi ka para Ipahamak nun kasi Mahal ka niya.Malay mo diba nagsususpetsya siya na bakit parang Mailap ka sa kanya.At least kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit,Baka maintindihan niya pa"
"Hindi na.Mabuti na yung ganto tayo.Susundin ko si Mama this time para hindin na tayo magkakahiwalay."
"Speaking Of,Robbie,I have to go na.Baka kasi hinihintay na ako nila Lolo sa bahay.Sabi nga niya kanina na Susunduin niya raw ako pero sabi ko na magcocommute nalang ako."
"Halika na,Ihahatid kita sa may sakayan" Tumayo kaming dalawa sa Lamesang aming kinauupuan at Lumisan.Pagdating namin sa sakayan,Walang masyadong tao.Nagulat kami habang naglalakad kami nang biglang may isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa aming Likuran.
"ANGELA!" sigaw niya
Agad kaming Humarap ni angela at nagulat kami ng makita ko si Lolo Amorsolo.Agad akong nilagay ni angela sa kanyang Likuran para protektahan ako.Nang makita kong naglalakad si Lolo papalapit sa'kin,It sent shivers down my spine as I quiver with fear.My hands are sweating due to the nervousness I felt in my Body,I tried to remain calm even though I'm very close of panicking.
"Lolo........" sabi ko.Ngumiti siya sa'kin nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na Ngingitian niya ako.Lumapit siya sa'kin at laking gulat ko nang Bigla niyang Sinuntok ang aking sikmura dahilan para bumagsak ako sa Lupa
"LOLO!!!" sigaw ni angela habang Piniligalan niya si lolo.Tinulak siya ni Lolo at sinabi na
"WAG KANG MAKIALAM DITO" Habang Ako'y namimilipit sa Lupa,Itinayo niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kwelyo ng uniporme ko
"Ikaw,Hayop ka! Ano sa tingin mo?Masaya ako na Nakita kita?Hindi! Bakit hindi ka pa namatay,Hah?!" Sigaw niya habang namimilipit parin ako sa sakit.
"Wag kang lalapit sa Pamilya ko,Hayop kang Salot ka!" Sabay itinumba niya ako sa lupa.Hinila niya si Angela ngunit hindi nagpapadala si Angela bagkos ay tumakbo siya palapit sa'kin at inalalayan ako para makaupo.
"Lolo,Hayaan niyo na po kaming magkita ni Robbie kahit pa minsan minsan! Hindi na po siya nakakaabala sa inyo dahil may umampon na po sa kanya" depensa ni Angela
"WALA AKONG PAKE KAHIT SINONG KAMPON NI SATANAS ANG UMAMPON DIYAN! BASTA HINDI KO NA APO YANG HAYOP NAYAN! SUMAMA KA NA SA'KIN!" Muli niyang  Hinila si Angela ngunit tumayo ako para bawiin sa kanya ang pinsan ko.Muli niya akong sinuntok ngunit sa pagkakataong ito,Sa Mukha niya ako pininsala.
"Bakla! Lumayo ka dito! Nakakasuklam ka!" Nagawa niyang isakay si Angela sa Kanyang sasakyan ngunit hindi pa pala siya tapos,Bumaba siya at binigyan niya ako isang malakas na Sapak sa panga dahilan para dumugo ang aking bibig.Habang nakadapa ako sa Lupa,Patuloy niya akong pinagsisipa habang Paulit ulit na sinisigaw ang
"Bakla ka! Mamatay ka na! Hayop ka! Niloloko niyo akong lahat!" Hanggang sa iniwan niya akong Puno ng Sugat at dugo ang katawan.

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now