Chapter 21: Reunion

50 2 0
                                    

Robbie's P.O.V

Naghanda agad ako kinabukasan para sa nalalapit naming pagkikita ni Lola.Matagal tagal rin mula noong huling beses na nayakap ko siya.
Sa wakas,Dumating na rin ang araw na pinaka hihintay ko.
"Nak,Are you ready na ba?"-Daddy
"Bakit po?"
"Gusto ka sana namin ihatid ng Daddy mo so we can finally meet your Family"-Mommy
"Di po ba may Meeting po kayo sa mga Investors sa Kumpanya?"
"Yes pero kaya naman na Ihatid ka namin eh"-Daddy
"No need na po tsaka gusto ko rin pong magcommute"
"Sure kaba? baka kasi maulit yung nangyari sayo na Nasnatch Cellphone mo"-Mommy
"Mag iingat na po ako Hindi ko na po ilalabas tong Cellphone especially kapag naglalakad po ako"
"Ok,If that's what you want.Basta you be careful hah?"-Mommy
"Yes naman po Mommy"
"Anak,Give this to your Mom"- Daddy
"20,000?"
"Yup,para naman may pangtustos siya sa mga needs ng Brother mo tsaka para if ever na gusto nilang bumukod,may pera sila to do so"-Daddy
"Nako,Wag na po! Masyado naman pong malaki itong pera" sabi ko habang sinusubukan kong iaboy ang pera sa kanila ngunit Hinawakan ni Daddy ang Kamay ko
"Robbie,Naalala mo ba yung sinabi namin sayo about sa Pagtulong?"
"Opo pero This too much I mean......."
"Helping needs no Price. It doesn't matter kahit gaano kaliit o kalaki ang Ibibigay mo ang mahalaga,Bukal sa Puso mo ang Pagtulong"
Ngumiti silang dalawa sakin.Lubos akong natutuwa dahil sa Sobrang busilak ng kanilang mga puso at bukal sa Loob ang Pagtulong sa mga nangangailangan.Hindi ko na nagawang tanggihan ang perang binibigay nila,Tinanggap ko ito dahil Tama sila na Malaking Tulong ito para Makapagsimula ulit sina Mama kahit hindi ako kasama basta alam ko na maayos ang lagay nila ay Ayos na ako.

Gina's P.O.V

Naghahanda kami nila Mama para sa Muli nilang pagkikita ni Robbie.Wala paring alam si Mama kung saan kami puounta dahil gusto naming masurpresa siya.Paalis na sana kaming Apat ng Biglang Tumayo si Papang sa Sofa para Harangan kaming apat.
"Saan kayo pupunta?" sabi niya habang nakatayo siya sa pinto
"Ipapasiyal lang namin si Mama kasi nababagot na siya dito sa Bahay,Pa" Sabi ko
"Namasyal na kayo kahapon ahh mamasyal pa rin kayo ngayon? tsaka Isa pa,Sino ang nagbigay sa inyo ng permiso na pwede kayong lumabas sa bahay na ito"
"Hayaan mo namang kaming maglibang,Amorsolo.Wala na nga kaming nagagawa dito sa bahay dahil sa araw araw na Ginawa ng diyos ay paulit ulit nalang ang mga nangyayari dito sa Loob. Pulis kalang pero hindi ka batas para sabihan kami kung ano ang dapat at hindi dapat naming gawin" sabi ni Mama kay Papang
"Feliciana,Tandaan niyo,Ako ang may kontrol sa mga buhay niyo! lahat ng kilos niyo ipapaalam niyo sa'kin. Ngayon pagbibigyan ko kayo pero sa Susunod,Hindi na"
"Hindi kami mga preso o Bilanggo para ikulong mo dito sa bahay.Mga tao kami at may Karapatan kaming gawin ang mga gusto namin"
"Pa,pwede po ba pagbigyan nalang natin si Mama? Tama naman ho siya eh.Nakakabagot na po dito sa bahay"
"Umalis na kayo,Bago pa magbago ang isip ko"
Pinadaan niya kaming apat sa Pintuan habang naglalakad kami,Nakatanaw parin siya mula sa Pintuan.

Amorsolo's P.O.V

Hindi maganda ang kutob ko.Malakas ang pakiramdam ko na may tinatago sa'kin itong mga to at kailangan kong malaman iyon.Naisipan kong tawagan ang isa sa mga tauhan ko na si Ernesto.

Hello,Ernesto?

Hello,General! Kamusta ho? matagal rin simula noong huli tayong nag usap

May ipapagawa ako sa'yo

Sige po ano po ba iyon?

Manmanan mo ang sina Gina at Feliciana. Napapadalas kasi ang pag alis alis nila dito sa bahay eh at hindi maganda ang kutob ko.

Sige po,Boss.Basta yung Bayad ah

Wag mo munang intindihin ang bayad dahil madali yan.Ang Intindihin mo yung trabahong pinapagawa ko sa'yo.

Si Ernesto ay isa sa mga tauhan ko.Matagal na siyang nagtatrabaho sa'kin.Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko dahil isa rin siya sa mga magaling kong tauhan at alam ko na magaling siyang Dumiskarte. Kaya kung ano man ang nililihim sa'kin nila Gina,Ay malalaman ko na.

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now