Chapter 43:The Psychotic Ex

63 2 0
                                    

Olivia's P.O.V


Habang magkayakap kaming dalawa ni Mama,Ako ay Biglang Nagulantang dahil muli kong nakita si Lolo. I stared at him and remembered everything he did to me mula noong bata pa ako.

Lahat ng pamamahiya,Pananakit at Pag lapastangan sa aking pagkatao.

"Lolo...."

"Ano?Sino ka? At Bakit mo akong Tinawag na Lolo?"

"Ano po kasi........."

Hindi ako makasagot sa kanyang tanong.Patagong Pinisil ni Mama ang aking kamay Pagkatapos ay tinitigan niya ako.Binasa ko ang sinasabi ng kanyang mga mata tila ba nagsasabing kumalma ako dahil baka mabuko ang pinaka tago kong sikreto.

"Gina,Anong Ginagawa mo dito?"

"Ano...Naisipan ko lang pong dalawin si Mama kasama itong anak ng mga Boss ko.Si Rob....Olivia Mariano po."

Pinilit kong kumalma at pigilan ang takot at kabang nararamdaman ko tinago ko ito sa pamamagitan ng pag ngiti sa kanya.

"Nice to Meet You po,Sir." Sabi ko bago ko iaabot ang aking kamay sa kanya. Agad niya naman itong tinanggap.

"Nice to Meet you too....Bakit ka nga pala umiiyak sa Puntod ng asawa ko?Kilala mo ba siya?"

Gustuhin ko mang sabihin kay lola na ako ang kanyang apo kaso hindi pwede sa ngayon dahil mali ang oras.nag isip ako ng pwede kong maipalusot.Naalala ko noon na si Lola Feliciana ay madalas mag alaga ng mga bata.

"Ahhh kasi po isa po ako sa naalagaan noon ni Lola Felicia kaya naman po nalungkot po ako nung malaman ko na patay na po siya." Palusot ko sa kanya. Tingin ko naman ay napaniwala ko siya na Iyon lamang koneksyon ko sa aking lola.

"Siya nga pala...Gina Pauwi ka na ba?" Tanong ni Lolo kay Mama.

"Opo,Papang bakit po?"

"Isasabay na kita dito sa sasakyan ko"

Tumingin sa akin Mama.

"Ayos lang sayo kung sasabay na ako sa kanya?"

"Opo Aling Gina.Sumabay na po kayo kay Sir baka po hinahanap na kayo sa inyo"

"Sige,Hija..Mauuna na ako." Sabi ni mama bago niya ako yakapin at bumulong siya sa akin.

"Bukas Dadalhin kita sa bahay...."

Sabi niya bago siila naglakad ni Lolo palayo.Agad naman akong nagpunas ng luha at tinignan ko ang aking cellphone

Napansin ko na may isang unread message from Alison.

Pinagmasdan ko ang Kotse ni Lolo habang palayo ito sa akin.Naiwan akong mag isa.Binasa ko ang Message niya sa akin.

Hi Olivia! So Update kita sa outing natin sa beach..Next Wednesday na yun kaya naman maghanda kana ahh.

One More thing,Ayos lang ba kung kasama natin si Marlo?

I Know naman na hindi pa kayo ganun ka ok and for sure di ka naman niya makikilala so baka lang mailang ka sa kanya ahh.

Noong nabasa ko ito,Bigla akong nagdalawang isip kung sasama ba ako o hindi.Ayaw ko na mapalapit pa ulit kay Marlo dahila ayaw ko dumating sa point na sa kanya nanaman iikot ang mundo tapos maiiwan nanaman akong luhaan or worse...baka malaman niya pa ang tungkol sa akin. Kaya inaala ko ang sinabi sa akin Mommy na maging Matapang at Harapin ko ang nakaraan ko. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na nasa paligid ko siya.Pwede naman kaming magkita ng hindi ako nagkakagusto o bumabalik ang feelings ko para sa kanya.Nagreply ako sa message sa akin ni Alison.

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now