Chapter 36: The Funeral

50 3 0
                                    

Angela's P.O.V

Matapos naming maghapunan,Naghanda na ako sa Pagpunta sa Burol ni Sir Greg.Hindi ko man siya ganun ka close,Naging mabait naman siya sa'kin sa Loob ng sandaling panahon at Tsaka tanda narin ito ng Respeto sa kanya at sa kanyang Naiwang pamilya.Naglakad ako papuntang sakayan at doon ko hinintay ang Bestfriend ko na si Mariel Perez.Naging magkaibigan kami simula noong nagtrabaho ako sa Mall ni Sir Greg.Naging mentor ko kasi siya noong bagong Pasok palang ako.Mabait naman at Palakaibigan siya kaya hindi rin nagtagal,Naging magkaibigan kami dahil hindi naman siya mahirap makagaanan ng Loob.Nakita ko na siya malayo palang.Nakasuot siya ng Ripped Jeans pants and White na Polo Shirt,May dala rin siyang Maliit na Shoulder bag.

"Bestie!" Dali dali siyang Tumakbo papunta sa'kin para bigyan ako ng Isang mainit na Yakap.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko

"Ay Nako Inday,Almost 67 years na akong naghihintay dito.Ang tagal mo eh" biro niya.Medyo may katagalan ng naman kasi talaga ako kumilos at Isa pa,Hinintay ko munang makatulog si Lolo dahil alam ko na Hindi nanaman niya ako papayagan.

"Hinintay ko muna kasing makatulog si Lolo eh.Alam mo naman kung gaano ka strict yun"

"True yan! Para siyang si Hagorn." Bahagya akong nangisi dahil sa Biro niya.

"Alam mo puro ka Biro! Ayan na yung Jeep oh,Tara na....."

"Ay Sorry naman." Sumakay kami sa Loob ng Jeep.Naupo kami sa Bungad dahil ayaw naming maging taga abot ng bayad.Magkaharap kaming dalawa sa jeep na sinakyan namin.Nagcecellphone siya habang naka earphones ako naman ay nakatingin sa Labas habang umaadar ang Jeep.Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko sa Simoy ng malamig na Hangin na Makikita ko si Robbie sa Burol.Hay nako! Ito nanaman ako,Nag ooverthink nanaman.Siguro sobra ko lang talaga namimiss yung pinsan ko.Nasaan na kaya yun? Sana One day magkita ulit kami.

Inabot kami ng 45 minutes or so sa Biyahe.Pagbaba namin sa Jeep,Nakita namin sa Labas ang Tarpaulin na may mukha ni Sir Greg.Pumasok kami sa Loob kung saan siya nakaburol.Maraming tao ang nakikiramay sa kanyang pagkamatay Ang Iba ay nakasuot ng Tuxedo at Nagsusugal.Kung Sila ay Ilalarawan,Mayaman at may Mga narating sila sa Buhay.Siguro kaibigan sila ni Sir Greg.

Nauna akong pumasok sa loob,Nakita ko na nakaupo ang Isang babae sa Tabi ng Kabaong,May nakapatong na Sisiw sa Ibabaw ng Salamin ng Ataul.Pinagmasdan kong mabuti ang Babae at Sa tingin ko siya yung asawa ni Sir Greg kaya naman Lumapit kami sa kanya.

"Mrs.Dela Cruz,Condolence po."

"Sino kayo?Kilala niyo ba ang asawa ko mga Hija?" Mahinhin niyang tanong sa'min.

"Opo,Ma'am.Mga Janitress po kami sa Mall niya.Sobrang bait po ni Sir sa mga tauhan niya kaya naman po lubos po kaming nalungkot noong nabalitaan namin na Wala na siya." Paliwanag ni Mariel

"Maupo muna kayo diyan.Gusto niyo ba ng Coffee or Juice?" Alok niya.Naramdaman ko na mabait din pala ang kanyang Asawa.Naupo kami ni Mariel sa dalawang itim na Monobloc na Chair.

May lumapit sa Asawa ni Sir na Babaeng Pamilyar ang Mukha sa'kin.Pinagmamasdan ko ang kanyang Itsura,Bigla kong natandaan kung saan ko siya nakita.Narinig ko sa Loob ng Ulo ko kung paano ko siya nakilala noon

*_* Flashback *_*

"Hoy,Diba ikaw yung bagong student sa Academy?"

"Yes po,I'm Angela"

"Wala akong pake! Tinanong ko ba kung anong name mo?"

"Kilala mo ba kung sino ako?"

"Hindi po eh tsaka Dapat po ba makilala kita?"

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now