Chapter 4: Cruelty

78 4 0
                                    

Robbie's P.O.V

"Robbie,Gising na!" sigaw ni Aling beth mula sa baba.Bumangon ako sa Higaan,Niligpit ko ang aking Tinulugan pagtapos ay nagpunta ako sa banyo upang maghilamos at magsepilyo.
"Good Morning po,Aling Beth" Sinalubong ko ang umaga niya ng may ngiti ay saya sa aking mukha.Inabot niya sa'kin ang plastik na May Laman na Galungong.
"O ito,Tanggalan mo ng Lamang Loob tapos Kaliskisan mo" utos niya.

"Opo sige po!" Tugon ko.nagpunta ako sa kusina at sinunod ko ang Utos niya sa akin.
ako narin ang nagluto para mabawasan ang trabaho niya.
"Hoy! anong ginagawa mo?!" sigaw niya sa'kin para bang nagulat siya dahil sa niluluto ko yung isda.
"Niluluto ko po yung isda,Bakit po?"
lumapit siya sa'kin at hinablot ang Spatula na hawak ko.

"Hindi Ipiprito yan! Gagawin kong paksiw yan! Nangunguna ka kasi eh!" Galit niyang sabi sa'kin.
"Nako po,Pasensya po di ko po alam"
"Sa susunod kasi kapag hindi ko inutos wag mong gawin.Mabuti nalang tatlo palang tong naluluto mo."

Huminga ako ng malalim dahil sa nagawa ko.Gusto ko lang naman tulungan siya ehh.
"pumunta ka sa may sala,Balatan mo yung Sibuyas,Bawang at Patatas dun baka pati doon pumalpak ka ahh"
"Ay hindi napo sorry po". humingi ulit ako ng pasensya sa kanya para hindi siya magalit sa'kin.
"Unang araw palang pero palpak agad!Hmmmmmm!"

Naglakad nalang ako papunta sa sala para gawin yung inuutos niya sa akin at sa pagkakataon na ito ay inayos ko amg trabaho ko upang hindi na siya magalit sa akin.Pagkalipas ng Labing limang minuto,Natapos ko yung inuutos niya kaya naman pumunta ako sa Kusina.
"Aling Beth,Tapos na po yung inuutos niyo sa akin." sabi ko.

"Patingin nga" Iniwan niya yung niluluto niya para tignan yung ginawa ko.
"Yan tama yang ginawa mo.Mabuti naman nagawa mo ng tama." sabi niya sa'kin habang nakangiti siya.
"Tignan mo nga yung pinamili ko,Hanapin mo yung Seasoning mix diyan" sabi niya.
"Ok po." Bumalik ako sa Sala para hanapin yung seasoning mix.Inisa isa ko yung mga Lalagyan ng pinamili ni aling beth ngunit wala akong nakitang seasoning mix.
"Aling beth,Wala ho rito yung Seasoning mix."

"Ay Anak ng Tupa! nakalimutan ko pang bumili.Robbie kumuha ka ng 50 pesos sa wallet ko tapos pumunta ka sa Bayan doon Bumili ka doon" sabi niya.
Kinuha ko ang wallet niya at kumuha ako ng pera para pambili at tapos umalis na ako sa kanila.Hindi pa ako sanay sa Lugar kaya naman nagtanong tanong ako.Nakarating ako sa May palengke at doon ako naghanap ng seasong mix.May nakita akong nagtitinda sa bandang tindahan ng Tilapia.

"Kuya,magkano po ito?"
"25 pesos lang"
"Sige po kunin ko na po" Binunot ni kuya sa pagkakasabit ang seasoning mix sabay nilagay niya ito sa plastik.Inabot niya sa'kin ang sukli at umalis na ako.
Tinulungan ko si Aling beth magluto at maghanda ng kanyang mga paninda.Maghapon akong nakatayo sa Kainan niya dahil marami ang kumakain lalo kapag tanghali dahil breaktime ito ng marami.
Sa Loob ng Isang buwan,Araw araw ganto ang ginagawa ko.Isang gabi,Nakaupo si Aling Beth sa Lamesa habang nagbibilang ng pera
"Diyos ko!,Ang liit ng Kita ko" napahawak siya sa kanyang ulo para bang namomroblema.
"Aling beth,Bakit po?"
"Ikaw,Simula nung dumating ka dito,Unti unti bumagsak ang Tindahan ko.Malas ka ata eh siguro dahil sa Bakla ka.Hay nako palibhasa kasi mga salot ng lipunan.Che! Diyan ka na nga!"
Nagulat ako sa sinabi ni aling beth sa akin.Inintindi ko na lamang siya kasi baka mamaya dismayado lang siya dahil sa Kinita ng kanyang kainan.Lumipas pa ang Ilang Araw,Unti unti ay nakita ko ang tunay na kulay ni aling beth.Akala ko noon ay mabait siya ngunit ramdam ko na Naulit ang nangyari sakin kay lolo kasi lagi niya akong Minamaliit at Tinatapakan niya pa ang Aking pagkatao,"Malas","Bakla","Halimaw" at "Walang Silbi" yan ang mga salitang naririnig ko sa kanya sa halos araw raw lalo na kapag maliit ang kita ng kaininan.Nung una ay puro lamang siya sabi ng mga masasakit na salita sa'kin ngunit habang tumatagal ay Sinasaktan na Niya rin ako.Isang beses nga kinulong niya ako sa Kulungan ng Aso dahil sa Natabig ko ang niluluto niya.
Hindi ko rin makakalimutan noong pinakain niya ako ng tira tirang pagkain.Kagaya ng dati,Puro sugat ang katawan ko dahil sa Pagmamaltrato sakin ni aling beth.kapag nagtatanong ang mga tao kung napano ang katawan at puro sugat,Lagi niyang sinasabi na Dahil ito sa kakakamot ko.Isang gabi,Binugbog niya ako dahil sa Nakabasag ako ng Plorera sa Sala.Gamit ang isang sinturon,Hinampas niya ako ng hinampas sa Katawan.Umiiyak ako baka sakaling maawa siya sakin ngunit hindi ito tumatalab sa kanya.Dahil sa pambubugbog niya,Napunit ang damit ko.Puro ako latay sa Katawan,Kaya naman noong gabing yun,Noong nakatulog siya Ay tumakas ako.Tumalon ako sa bintana mg kanyang bahay.
Naglakad ulit ako hanggang sa Kung saan saan na ako nakarating.Akala ako nakarating pakiramdam ko ay Naglalakad ako sa Buwan.Di tiyak kung saan ako tutungo basta sinusundan ko ang aking paa.Gutom,Pagod at sakit ng katawan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon ngunit wala akong magagawa kailangan kong maglakad ng maglakad.Hindi ko na Kinaya at bigla na lamang akong bumagsak sa Sahig at nawalan ako ng Malay.

The Journey of a TranswomanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora