Chapter 28 : Confronting Phoebe

51 3 0
                                    

Third Person P.O.V

Kinabukasan,Agad tumungo si Robbie kasama sina Delfin at Belinda patungo sa Dating Tinutuluyan nito kasama ang kanyang pamilya. Pagdating nila sa Harap ng Gate,Biglang nanumbalik ang mga masasalimuot na ala ala na Dinanas ni Robbie sa kamay ng kanyang sariling pamilya.Lumapit si Robbie habang tinatawag ang kanyang Ina

"Mama?Mama?Si Robbie po ito"
Sigaw niya mula sa labas ng Gate.May Isang babae ang Lumabas mula sa Pinto.
"Sino po sila?"
Tanong nito sa kanila
"Ako po si Robbie,Apo po ako ni General Amorsolo.Nandyan po ba yung Mama ko?"
Tugon ni Robbie
"Ay Apo ka ni General?Nako umalis na sila dito.Binenta na nila itong bahay sa'min ng Pamilya ko"
Hindi Lubos maintindihan ni Robbie ang kanyang narinig
"Po?"

"Wala na sila dito.Lumipat na sila kasama yung asawa niya,Naka Wheel chair nga eh"

"Mrs.....?"

"Santiago"

"Ummm Mrs.Santiago,Alam niyo po ba kung saan sila lumipat?"

"Nako pasensya ka na pero Hindi namin alam kung saan lumipat si General.Ang alam ko,Hindi na sila babalik dito kasi bago pa man kami lumipat dito,Wala na yung mga gamit nila."

"Mrs.Santiago,If ever man po na Bumalik sila dito,Pakisabi naman po sa Mama Gina ko na Pumunta siya sa School doon po kami Magkita"

"Sige,Hijo.Pasensya ka na wala akong naitulong ahh"

"Ayos lang po." Sabi niya bago siya naglakad papunta sa Sasakyan

Lubos na nalungkot si Robbie dahil sa Biglaang paglisan nila Angela nang Hindi manlang nakakapagpaalam sa kanya.Sumakay nalang siya sa Kotse at Umalis.Habang nasa Biyahe,Hindi niya maiwasan ang Maluha dahil sa Ikalawang pag kakataon nawalay nanaman siya sa mga mahal niya sa Buhay.

"Mom,Malas po ba ako?" Tanong niya kay Belinda nasa Tabi niya.
Namumugto ang mga mata ni Robbie.Kitang Kita ang Lungkot na kanyang nadarama.Pinilit ni Belinda na Pawiin ang Pagkabigo na naramdaman ni Robbie.

"Hindi,Anak.Kahit kailan hindi ka naging malas sa'min.Napaka Espesyal mo at yung mga taong Tinalikuran ka,Hindi sila parte ng Buhay mo."

"Sana po hindi nalang ako naging Bakla,Bading,Shokla O binabae para hindi po nagkakaganto ang buhay ko"
Matamlay na sabi ni Robbie

"Wag na wag mong sisihin ang Sexual Orientation mo kung bakit ka nagkakaganyan.Mapa Lalaki,Babae,Bakla o Tibo lahat tayo may mga pagsubok sa Buhay sadya lang talaga na Kailangan nating tanggapin na Wala tayo sa Mundong perpekto.Alam mo,Masarap mag Ilusyon ng mga Imposible pero We should never forget to set our feet back to reality"

"Ano pong reality?Yung reality na yung mga kagaya ko ay pinanganak para maghirap?Magdusa?Laitin?Kutyain?"

"Robbie,Alam mo kahit kailan hindi ka namin nakita bilang Isang salot na Bakla.Isa kang Biyaya mula sa Diyos.Sadyang hindi ka lang maintindihan ng mga tao sa mundo pero hindi ibig sabihin may mali sayo.You should never let Ignorant people define who you are."
Payo ni Delfin sa anak na Noo'y naluluha dahil sa sakit na nararamdaman nito

Samantala,Magkasabay na pumasok si Marlo at Phoebe habang nakasukbit ang braso ng dalaga sa kanyang kasama.Nakatingin lahat ng tao sa kanila,Sinalubong sila ni Janet at Mika.

"Oh my God,Phoebe! I Can't believe na Boyfriend mo na si Marlo.Sabi nga nila,Kahit maraming hadlang,Magkakatuluyan parin ang dalawang pusong nagmamahalan" -Janet

"Hoy,Hindi naman. He's not yet My Boyfriend.Well, We're Dating at the Moment"-Phoebe

Humiyaw ang dalawang kaibigan ni Phoebe dahil sa balita sa kanila. Nakatingin lang si Marlo sa kanyang paligid na para bang may Hinahanap

The Journey of a TranswomanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora