kabanata 13

104 26 1
                                    

"Ka-kaizen?" Nabibiglang tawag ni elder Samuel, maging ang dalawa Niyang apo ay nakanganga sa gulat, hindi nila lubos akalaing ang batang si Kaizen ang nasa Kanilang harapan. Napakalaki na ng pinagbago nito,  sa pisikal na katawan palang ay mahihinuha mo ng ito'y matibay at malakas. Wala na ang bakas ng dating Kaizen na buto't balat at napakahina. Mas buhay na buhay na ngayon ang mga mata nitong may iba't ibang kulay. At ang awra nito hindi nila maintindihan kung bakit mas malakas kaysa sa antas nitong nasa 3rd bronze rank lang naman. Parang mas malakas pa ang awra nito kaysa sa awrang Nilalabas ng kalabang nasa 4th silver rank.

Hindi lang sila elder Samuel ang naguguluhan dahil kahit ang tatlong adventurer na galing sa angkan Gustav ay napakunot-noo rin, dahil malinaw na nakikita nilang nasa 3rd bronze rank lang naman ang antas ng batang nasa kanilang harapan ngunit nararamdaman nila sa awra nito na parang mas higit pa kaysa sa kanilang lider na si Berto na Isang 4th silver rank.

Magkaganun man ay hindi sila nagpaapekto, para sa kanila ay isa parin itong bata na nasa 3rd bronze rank lamang ,malaki ang agwat ng kanilang mga ranggo mula rito.  walang dahilan para sila ay mabahala.

Ngumisi si barok "Isang bata? Ang lakas mo naman ihong sumali sa aming gulo,, nais mo na bang magpaalam sa mundong ito?," nang hahamak na wika Niya.

"Grrr,,, kahit na Isang bata pa yan, hindi ako maaawang pahirapan ka! Ang ginawa mo sa buhok ko ay walang kapatawaran!" Nangagalaiting sigaw ni Anastasia, hindi nito matanggap ang nangyari sa kangyang pinakamamahal na buhok, na kung tutuusin ay hindi naman talaga napuruhan.

"Pero nakakabilib siya " puri naman ni Berto Kay Kaizen, "akalain niyo Yun, nagawa niyang ibalik sa atin ang tinira Kong bolang apoy, at higit sa lahat sa mura niyang edad, ay nasa 3rd bronze rank na siya" dugtong pa niya.

Napairap lang si Anastasia sa tinuran ni Berto.

"Pero kahit ganun, nakakapanghinayang ka bata, nakikita Kong talentado ka, at dahil diyan ay Isa Kang malaking balakid sa aming plinaplano, kaya mararapat lang na bago ka pa sumibol ng lubusan ay mawala ka na" nakangising Saad Ni Berto, pinupuri Niya ito dahil nakkikitaan Niya ang batang to ng malaking potensyal, Pero dahil nasa angkan ito ng redvil na kanilang kinakalaban, ay kinakailangan Niya itong patahimikin.

Blangkong tumingin lang si Kaizen sa Tatlo. Nakikita niyang matataas din ang mga ranggo nila, lalo na ang nag-ngangalang Berto na sa tingin Niya ay siyang lider ng grupo. Ito ay nagtataglay ng 4th silver rank, mas mataas ng Isang antas sa kanya. Pero kahit ganun ay hindi siya nangangamba, nakikita Niya kasing hindi matitibay ang pundasyon ng mga ito, mukhang nakuha lang nila ang kanilang kasalukuyan antas ay dahil sa paghigop ng iba't ibang kayamanan. Kahit ang kapangyarihang taglay ni berto sa apoy ay hindi pa masyadong Pulido. Kaya kahit papaanu ay kampanti siyang makakaya niyang malabanan ang mga ito, Isa pa hindi Niya nakuha ang antas ng 3rd silver rank dahil lang sa paghigop  ng kayamanan, kundi nakuha Niya ito dahil sa hirap ng kanyang pisikal na Pagsasanay kung saan pinatibay nito hindi lang ang kanyang katawan Kundi maging ang kanyang pundasyon.

Ang Isa pa niyang ikinalalamang ay dahil natatago ng kwentas na suot Niya ang kanyang tunay na antas, sadyang ang kanyang awra lang ang hindi nito sakop itago. Dahil dito, hindi mataas ang depensa ng mga kalaban , masyadong mapagmataas ang mga ito kaya mukhang hindi siya seneseryuso. "Ang kahangalan at mataas na kampanti sa sarili ang magpapabagsak sa  kanila". Sa isip Niya

"Elder Samuel, tumabi po muna kayo. Ako nalang po muna ang bahala rito." Wika nya Kay elder Samuel na nasa kanyang likuran. Naguguluhan man ay inalalayan na Niya ang kanyang mga apo, umatras sila ng limang metro.

Ng maramdaman ni Kaizen na nakaatras na   Sina elder Samuel at ng kanyang mga apo. Ay pumikit na siya, pinakiramdaman Niya na ngayun ang kanyang star system, mula rito ay pinadaloy Niya ang kanyang enerhiya sa kanyang mga kamay at binti.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now