kabanata 66

100 15 3
                                    

"Hindi ko po kayo maintindihan pinunong byrel,,, kasi po, wala po talaga akong maalala sa nangyari,, ang huling natatandaan ko lang po eh yung tatamaan na sina guro ng malakas na kapangyarihan ng dragon. Pagkatapos nun wala na, nagising nalang ako at nakita Kong kausap na ng dalawa Kong protektor ang dragon." Naguguluhang Paliwanag ni Kaizen.

Napakunot noo naman sina Lexington at pinunong Beryl, nagkatinginan Silang dalawa at para bang nag-uusap. Habang nakatanghod lang si kaizen sa kanila.

Napasandig si pinunong byrel at ang kanan kamay ay humawak sa ilalim ng kanyang baba habang ang kaliwa ay nasa may dibdib. Parang malalim na nag-iisip. Habang si Lexington naman ay pinagkrus ang mga kamay sa dibdib at mahahalata rin nag-iisip din ito ng malalim.

Hinayaan nalang ni Kaizen ang dalawa at hindi na sinubukan disturbuhin. Ilang sandali pa ay unang nag salita si Lexington.

"Kung ganun ay hindi mo Alam kung anong tunay mong kakayahan." Mahinang wika nito habang tumingin sa kanya. Napatango nalang siya.

Nagsalita na rin si pinunong Beryl. "Sabagay,,, mukhang nagising lamang ito dahil nalagay sa alanganin ang mga buhay ng mga taong pinahahalagahan mo. Sa wari ko ay hindi mo pa kontrolado ang iyong tunay na kapangyarihan." Dagdag nito.

Napaisip naman si Kaizen. 'kung ano man ang nangyari ay malalaman ko iyon kapag makausap ko ang batang nasa loob ng aking star system, tiyak Kong may nalalaman ito at maipapaliwanag nito kung anuman ang tinutukoy nina guro tungkol sa nagising Kong kapangyarihan.' nahinto ang kanyang malalim na pag-iisip ng marinig na muling nagsalita ang kanyang guro.

"Maiba ako Kaizen,, sino at saan mo pala nakilala ang dalawang kakaibang nilalang na iyon?" Pag tatanong nito.

Hindi pa man siya nakakasagot ay nagsalita na agad si pinunong byrel na parang nasasabik.

"Tama bata, maari ko bang malaman kung anong lahi sila nabibilang? Iyon ang unang beses Kong makakita ng ganun nilalang, para Silang halimaw ngunit may mga isip sila at kaya nilang makipagkumunikasyon tulad natin hindi tulad ng ating mga halimaw dito, malalakas nga ngunit walang kakayahan makapag-isip naman." Mahabang dagdag na tanong nito sa kanya.

Napakamot nalang si Kaizen sa ulo, hindi Niya Alam kung papaano ipapaliwanag sa mga ito ang tungkol sa dalawa, hindi Niya pweding ibunyag ang kanyang tinatagong sekreto. Napapikit nalang siya, "bahala na! Magsisinungaling nalang ako!" Wika Niya sa isipan.

Umayos siya ng upo at tuwid na tumingin kina Lexington. Mabagal niyang sinimulan magpaliwanag. Sinabi Niya nalang na Sina Leon at Chen ay galing sa ibang mundo. Si Leon ay mula sa lahi ng Arimanius habang si Chen naman ay mula sa lahing makara. Kwenento Niya na ang dahilan kung bakit natagpuan at nakilala Niya sina Chen at Leon ay dahil sa aksidenting nangyari noon ng pumasok siya sa Isang mahiwagang kuweba at iwanan siya ng kanyang mga kababata. Sinabi Niya na may natagpuan siyang Krystalize sapire doon at ng maabsorb Niya ito ay kasabay  nito ang pagkakatali  nina  Leon at Chen sa kanya bilang kanyang protektor monstrum. Lumalabas lamang ang dalawa sa tuwing nasa alanganin ang kanyang buhay.

Napatango-tango sina Lexington at pinunong Beryl sa narinig na kwento ni Kaizen. Hindi nila pinagdududahan ang isinilaysay nito dahil kung tutuusin papaano nga naman magkakaroon si Kaizen ng kakaibang kapangyarihan at mga kakaibang malalakas na nilalang bilang protektor kung hindi dahil sa krystalize sapire na natagpuan nito.

Alam naman ni Lexington na ang Angkan redvil ay Isang mahirap na angkan sa kanilang bansa, samakatuwid ito ang pinakaunang pagkakataon na nagkaroon ng myembro ang elites quads mula sa angkan redvil. Isa itong malaking palaisipan sa kanilang lahat lalo na ng mga taga konseho at ng hari. Ngayon ay naintindihan Niya na kung bakit kakaiba ang bata.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now