kabanata 24

113 20 0
                                    

Tok!Tok!

Napamulat ng mga mata si Kaizen, may kumakatok sa kanyang pintuan kaya Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili at binuksan ang pintuan. Nabungaran niya ang naghihintay na si adelina at ang kanyang guro na si  ginoong arthon.

"Pasensya na kung naabala ka namin sa iyong ginagawang pagsasanay. Pero kailangan ka namin makausap ngayon mismo" walang paligoy-ligoy na wika ng kanyang guro. "Opo guro, saan po ba tayo mag-uusap?" Sagot Niya rito.

Umabanti si Adelina at hinawi siya, pumasok ito sa kanyang silid at dere-deretsong nagtungo sa kanyang kama. "Dito na tayo mag-uusap," sagot nito habang printing nakaupo.

Napakamot nalang sa ulo si ginoong arthon sa inasal ng kanyang katuwang. "Ibang klasi ka talaga, hindi ka ba nahihiya eh kama yan ni Kaizen?" Sita Niya dito.

Napaismid lang si Adelina, "eh ano naman, nakikiupo lang ako hmph,,," inirapan pa siya nito.

Nahihiyang tumingin nalang si ginoong arthon Kay Kaizen. "Pasensya na, Pero ayus lang ba sa iyo kung dito nalang tayo sa iyong silid mag-uusap?"

"Opo naman po, ayos lang po sa akin." Pagsang-ayun niya. Sinirado na ni kiazen ang pintuan at inalok Niya ang kanyang guro na maupo nalang sila sa sahig dahil wala naman kasi siyang mga upuan sa loob ng kanyang silid, tangin kabinet lang na lagayan ng kanyang mga damit ang naroon bukod sa kanyang kama.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Kaizen, nais namin ipaalam sa iyo na nasa loob na ulit ng ating teritoryo ang lalaking nagtangka sa iyong buhay." Agad na wika ni ginoong arthon.

"At hindi lang siya makapasok rito sa gusali dahil nilagyan ko ito ng mataas na Uri ng entrenamiento." Nakataas noong dagdag ni Adelina.

Napaisip si Kaizen tumingin siya sa kanyang guro. "Guro papaano ho ba siya nakakapasok dito sa isla? At paano niyo rin po nalaman nakapasok na siya rito ngayon?" Nagtataka niyang tanong dito.

Sumeryuso si ginoong arthon, tumingin ito pabalik sa Kay Kaizen at sinagot. "Ito ay dahil sa Isa niyong kaklasi na mula sa angkan Arcadian, si inok,  hindi pala siya ang totoong inok, Kundi Isa siyang huwad, mula sa angkan Gustav."

"Nagpanggap siya para makapasok at kinuha Niya ang mahiwagang papel na ginamit ni arthon tuwing binubuksan Niya ang lagusan palabas o papasok. Nakita ko ang lahat, mangmang na bata, akala Niya di ko siya mapapansin, hmph!,,," pataray na dagdag ni Adelina.

Ngayon naintindihan na ni kiazen. "Kung ganon nahuli niyo ang huwad na si inok, nasaan na po siya ngayon?"

"Hmm hindi pa namin ipinaalam sa kanya na Alam na namin ang kanyang pagpapanggap." Sagot ni ginoong arthon.

"Bakit po?" Inosenting tanong ni Kaizen

"Dahil kailangan niyang papasukin ang taong nais pumatay sayo, para malaman natin kung nag taong Yun ba ay si Neryum Avox." Paliwanag ni Adelina.

"May hinandang plano kami Kaizen. At kasama ka sa planong ito". Seryusong Saad ni ginoong arthon.

Sumeryuso rin si kaizen , handa siyang makinig at sumunod. "Sige po guro, makakaasa po kayong gagampanan ko ang aking magiging papel sa inyong plano."

Napangiti naman si arthon, "mabuti naman, ganito ang magiging plano natin, kakailanganin mong lumabas ulit at pumunta ka sa loob ng gubat, doon sa gubat na pinagbabawal namin na puntahan niyo. May hinanda kami ni Adelina na patibong upang mahuli ang taong yun na hindi na kailangan pang umabot sa madugong labanan." Paliwanag nito.

"Kakailanganin mo lang na masundan ka niya, pagkatapos kami na ang bahala." Dagdag pa ni Adelina.

Mukhang madali lang naman pala ang pinapagawa nila, kaya sumang-ayon nalang agad si Kaizen.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now