kabanata 17

106 21 1
                                    




Ng magbigay na ng hudyat si arthon
na pwedi na Silang sumakay sa katuwang nitong ibon na si mola ay biglang hinawakan ni Kaizen sa braso ang kanyang kaibigan na si zenki, nais nila kasing makaupo sa unahan, sa may bandang leeg ng ibon. Doon Kasi ang magandang puwesto, kaya Lang nag -aalangan si zenki dahil nakikita nilang ganun din ang gusto ng ibang bata lalo na ang mga taga Arcadian at farion. Kaya labis ang kanyang gulat ng walang ano-ano'y haklatin siya na para lamang siyang Isang papel ni Kaizen. Napakabilis nitong tumakbo at tumalon-talon sa uluhan ng bawat batang nadaanan nila. Kaya wala pang Isang minuto ay nakaakyat na sila at kasalukuyan magkatabing  nakaupo sa unahan.

"Woah, ang astig mo pre! Biruin mo Yun naunan natin sila!" Masayang bulong ni zenki.

Ngumiti lang si Kaizen, "pansin ko kasing pareho tayo ng nais, kaya sinama na kita,  madali lang naman Silang lagpasan" natatawang tugon Niya.

"Kaya Lang pre, mukha yatang nagalit ang mga bata, Sama makatingin satin eh," sabay lingon nito.

"Hayaan mo sila, hindi natin Kasalanan kung mas mabilis tayo at mabagal sila" balewala niyang sagot.

"Ikaw lang naman ang mabilis, hahaha sinama mo lang ako, Pero salamat ah, akala ko sa hulihan tayo mapupunta. Mabuti nalang at may kaibigan akong malakas!." Pagpapasalamat Niya Kay Kaizen.

Tumayo na ang ibon na si mola, lumipad narin si ginoong arthon at humarap sa kanila. "Mukhang na ka puwesto na kayong lahat, binabati ko kayo Kaizen redvil at zenki windillian sa pagwawaging makaupo sa puwestong yan." Baling Niya sa dalawa, ngumiti lang ang mga ito bilang ganti. Bumaling naman siya sa iba "at dahil handa na kayo, simulan na natin ang paglalakbay pataas." Masayang wika Niya. Makikitang nakabusangot ang mga taga Arcadian at Farion. Ito ay dahil natalo ang mga ito, at dahil dito hindi sila ang nakaupo ngayon sa bandang leeg ng Kanyang ibon. Sino ba naman kasi ang aayaw makaupo sa bandang leeg ng Kanyang ibon, maganda kasi ang pwesto dito, para itong higaan pakwadrado, ang lambot pa ng mga balahibo kaya masarap umupo o humiga dun. Sinadya niyang gawin ganoon ang leeg nito sa likuran ay dahil duon siya minsan namamahinga at natutulog. Binigyan Niya kasi ng pahintulot ang mga bata na kung sino ang maunang makaakyat siya ang makakapwesto dun. Sapagkat may nais siyang makita. At di nga siya nabigo.  Napangisi nalang siya.

Habang siya naman ay pinili Niya nalang lumipad at sabayan ang kanyang alaga. Kailangan niyang mag bantay at maging alerto ng masigurong walang nakasunod sa kanila. 

Ang kasalukuyan lugar na kinaroroonan ng kanilang paaralan ay mahigpit nilang binabantayan. Walang sinuman ang maaaring makaalam kung nasaan lokasyon ito. Ang rasun kung bakit? Ay maging siya ay hindi Alam, tangin ang hari, kunseho at ang namamahala sa paaralan lang ang nakakaalam kung anong sekrito o hiwaga ang mayroon sa lugar na iyon.

May dinukot si zenki sa kanyang dalang kabalyas, at inabot ito Kay Kaizen na kasalukuyang Nalilibang sa mga tanawin sa baba. "Pre, ito oh para sayo, dahil sa sinama mo ako rito para makaupo, bibigyan kita nitong masarap naming tinapay." Masayang kausap Niya rito.

Inabot ito ni Kaizen, kahit hindi siya nagugutom ay natakam siya, dahil ang bango ng tinapay at mainit-init pa. "Maraming salamat kaibigan!, mukhang masarap!" kinain Niya na ang tinapay, hindi nga siya nag kamali dahil napakasarap nito, mapapansin na may kakaibang lasa ito kaysa sa ordinaryong tinapay na natikman Niya sa kanilang nayon.

"Masarap talaga yan, Alam mo bang ang gatas na ginamit sa pag-gawa ng tinapay namin ay galing sa bakading, Isang Uri ng halimaw na naninirahan sa bundok milka." Pagmamalaki nito.

Napatango nalang si Kaizen, kaya pala ang sarap at parang binibigyan siya ng enerhiya habang kinakain ang tinapay. Ito pala ay dahil sa gatas ng bakading. Isang Uri ng halimaw na maliit lamang, ito ay kalahating kanding at kalahating baka. Ang gatas ng mga ito ay  mayaman sa enerhiya.  Malaking tulong para sa pagpapatibay ng mga buto. Hindi nakapagtatakang meron ang mga windillian ng bakading,  Dahil tangin mga mayayaman angkan laman ang nakakahuli o nakakabili ng mga ganyan klasing halimaw. sila ang binibigyan ng prebelihiyong makapunta sa milky Island kung saan naninirahan ang mga ganitong klasing halimaw.

Nararamdaman nila Kaizen ang mga mapanuring tingin ng kanilang mga kasamahan sa likod. hindi sila nagpaapekto kaya pinagkibit-balikat nalang nila ito at kumain nalang habang masayang nag kwe-kwentuhan.

"Hmph,,, ang yabang, kala niyo naman kung sino ang mga bubwit na ito, pasalamat sila at di ko ginalingan kanina, kung nagkataon ako ang nandiyan sa pwesto nila." Naiinis na nagyayabang  na Saad ni Maru.

"Tumigil ka nga diyan, nakita mo ba kung gaanong siya kabilis kanina,? Kahit Isa ka pang 3rd silver rank ay hindi mo siya magagawang unahan,". Nakairap na Saad ni Harriet. 'alam ko, dahil ang ganyang klasing bilis ay katulad na katulad ng kanyang kuya, Isang silver rank. Nakakabilib ang batang redvil na ito,' sa isip Niya.

"Kumakampi na ba ang mga golass sa mga mamahinang angkan?" Pataray na Asik ni Aryan Isa sa mga kasamahan ni Maro mula sa angkan Arcadian.

Napataas ang kilay ni Harriet sa tinuran ni Aryan, "wala akong kinakampihan, sadyang hindi lang ako bobo para di malaman ang lakas at kapasidad ng Isang adventurer". Ngising tugon Niya dito.

Namula sa inis si Aryan. "Sinasabi mo bang bobo kami?" Sigaw nito.

Nginisian lang Niya si Aryan at pairap na tinalikuran.

Mas namula ang mukha ni Harriet sa inasta ni Harriet sa kanya gusto Niya sana itong sabunutan kaya Lang ng tumayo siya ay biglang gumiwang ang ibon kaya muntik na siyang masubsub kung hindi lang siya agad nahawakan ng kanyang mga kasama. Pinagtawanan naman siya ng ibang nakakita sa muntikan niyang pagkakasubsub. Inirapan Niya ang mga ito, at masamang tumingin Kay Harriet. 'humanda Kang golass ka, makakaganti rin ako sa iyo.' sa isip Niya.

Mayamaya lamang ay natanaw na nila ang Isang islang lumulutang sa alapaap. Lahat sila ay napanganga dahil ito ay napakaganda. Makikita ang ilang mga bundok, ilog, talon  at ang nag-iisang patay na bulkan sa gitna. Sa paligid ng bulkan ay naroon ang  tatlong naglalakihang gusali, ito na siguro ang goldbath academy.
Habang sa ibaba naman ay Makikita ang  iba't ibang klasing halimaw na may iba't ibang ranggo at kakayahan, mapapansin na ang Ilan sa mga halimaw ay nakikipaglaban sa  mga adventurer na nakasuot ng uniporme ng goldbath academy.

'Ganito siguro ang ginagawang pagsasanay ng mga adventurer dito'. Sa isip ni Kaizen habang pinagmamasdan Niya ang mga naglalaban-laban.





The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now