kabanata 14

112 22 3
                                    


Bago pa man tumama ang Espadang apoy ni Berto kay Kaizen ay mabilis na Niya itong nahawakan. Dahan Dahan siyang tumingala sa gulat na gulat na reaksyon ng mukha ni Berto. Napangisi siya at unti-unting tumayo habang hawak-hawak parin ang espandang apoy ni Berto. Tinignan niya pabalik ang hawak niyang Espadang apoy saka pumikit. sa pagmulat ng kanyang mga mata ay makikitang nag aagaw na kulay pula at dilaw ang mga ito katulad  sa apoy.

Sa Isang segundo lamang biglang lumakas ang Espadang apoy ni Berto mula sa kamay ni Kaizen patungo sa kanya. Biglang napabitaw agad si Berto ng maramdaman niyang may kakaiba na sa Espadang apoy. Nawala ang koneksyon Niya dito. Mabuti nalang at binitawan Niya ito agad Kundi siya ang masusunog.

Napakunot noo si Berto habang titig na titig ito Kay Kaizen, nakikita Niya kung papaanong nagagawa na nitong mahawakan ang kanyang  Espadang apoy na parang ito ang nagmamay-ari. Ni hindi na ito nasusunog o nasasaktan habang palit-lipat nitong inihahagis sa  magkabilaang kamay.

'Ganito pala ang paraan ng pagkuntrol sa kapangyarihan, kung ganun nasa apoy din ang aking kakayahan!'. Sa isip ni kiazen. Hindi Niya mapigilang masabik sa bago niyang natuklasan.

Pero lingid sa kanyang kaalaman. Nung inakala Niyang  katapusan Niya na ay biglang may nagbago sa loob ng kanyang star system, ang batong makapangyarihang na nakuha Niya sa kuweba ay biglang naglabas ng liwanag papasok sa kanyang Tala at tinamaan nito ang Isa sa limang batong nasa paligid. ang kulay pula, ito ngayon ay nagliliwanag, Tanda na ito ay aktibo na.

Di mapigilang matuwa ni Kaizen sapagkat  kahit ang apoy ng kalaban ay nagawa niyang makuntrol at maangkin. 'ang ibig bang sabihin ay mas mataas ang kalidad ng kanyang apoy kaya nagpasakop sa kanya ang apoy ng kalaban?' tanong Niya sa kanyang isipan.

"Pa-paano mong nagawang makuntrol ang aking apoy?!". Nakaramdam ng takot si Berto, may hindi Tama sa nangyayari. Ni hindi Niya na magawang mapalabas ang kanyang sariling apoy, na Tila ba nawalan na siya ng kakayahan sa kanyang kapangyarihan. At mas higit siyang nagulat ng makita niyang unti-unti ng naghihilom ang mga pinsalang natamo ni Kaizen. Napa-atras siya ng tumingin sa kanyang mga mata si Kaizen. Para itong halimaw sa kanya, unti unti na siyang nakakaramdam ng takot para dito.

Sa Isang kisap-mata lamang ay nasa harapan na ni Berto si Kaizen nakangisi ito at pinuluputan ang leeg ni Berto gamit lamang ng kanyang latigong apoy. Walang ano-ano'y hinampas Niya ng paulit ulit ito sa lupa. At walang pasabing itinapon patungon gubat kung saan nagkabali-bali ang mga punong natamaan nito.

Sumuka ng dugo si Berto , makikita ang mga Paso at lapnos Niya sa bandang leeg. Grabi ang pananakit ng kanyang katawan, at mukhang nabalian pa siya ng ilang buto mula sa ginawang Pag hampas ni Kaizen sa kanya sa lupa ng paulit-ulit. Pinilit niyang tumayo.

"Kumusta po? Masarap po bang mapaso at mahampas ng paulit ulit sa lupang nais niyong kamkamin?" Nang -aasar na tanong ni Kaizen. Natutuwa siyang makita itong natatakot at nababahala.

Napatiim baga si Berto, Pinipilit niyang maitago ang kanyang takot, mas matimbang parin ang kanyang reputasyon. Nakakahiya kapag nalaman ng kanyang angkan na natatakot siya sa Isang bata. Ang Mali Niya lang ay hindi Niya sinunod ang kanyang kutob kanina, kung Sana lang pinagtulungan nila ito kanina, siguradong maiiba ang kanilang sitwasyon ngayun. Mukhang mamamatay sila rito kapag hindi siya nakaisip ng paraan upang sila'y makatakas. Tumingin siya sa kanyang dalawang tauhan na kasalukuyan parin walang mga malay Ilang metro ang layo sa kanya.

"Hmph! Maaaring natalo mo kami ngayon, Pero sa palagay mo ba dito na ito magtatapos? Pag nalaman ng aming pinuno ang tungkol sa ginawa mo saking mga tauhan. Tiyak gagawa ng paraan ang aking pinuno na ikaw ay mawala sa mundong ito. Nakikita Kong magiging Isa Kang malaking balakid sa aming mga plano, kaya sisiguraduhin Kong malalaman Niya ang tungkol sayo at sa kakayahan mo. Ng sa ganun ay   magpadala siya ng Isang adventurer na tatapos sayo at sa mga angkan mong ayaw sumunod sa amin!". Nagngingit niyang Saad.

The Prophecy From Lower Realm Onde as histórias ganham vida. Descobre agora