kabanata 62

99 20 3
                                    


"Sino ka? At bakit ka narito sa akin tahanan!?" Galit na sigaw ng dragon.

Pilit huminahon ni Kaizen, masyado siyang nadala sa kanyang pagkamangha sa nilalang na ito. Kaya hindi Niya masyadong napansin ang galit nito sa kanya. Marahan siyang nagsalita. "Uhm paumanhin po kagalang-galang na dragon, hindi ko po Alam na ito pala ay tahanan mo,   naligaw lamang po ako kasi hinahanap ko po ang aking mga kasama." Paliwanag Niya dito.

Galit man ang dragon ay hindi Niya maipagkakaila ang napansin Niya sa bata. Kakaiba ito dahil hindi ito nagawang paluhurin ng kanyang napakalakas na awra hindi tulad sa mga kasamahan nito kanina.

Dahan-dahan itong naglakad paikot Kay kaizen. "Walang sinuman ang maaaring pumasok dito, at dahil hindi ka naman Isang Gemmas ay bibigyan kita ng una at huling pagkakataon makaalis sa aking teritoryo ng payapa, nasabi ko na rin ito sa iyong mga kasamahan, kasalukuyan ka na nilang hinahanap. Umalis na kayo sa aking tahanan dahil ayaw ko ng ibang nilalang dito.!" Mahabang Saad nito at tumalikod na sa kanya.

"Ngunit, may nais po akong itanong sa Inyo"  mahinang Saad ni Kaizen.

Huminto ang dragon at Lumingon sa kanya, Kay tagal ng panahon simula ng makipag-usap siya sa mga tao. Ayaw niyang makihalubilo sa mga tao kaya kahit kailan ay hindi siya lumalabas sa kanyang teritoryo. Hindi Niya lubusan kinamumuhi ang mga ito. tangin ang angkan Gemmas lamang dahil sa ginawa ng kanilang pinuno sa kanyang supling, hinding-hindi Niya iyon malilimutan at habang buhay na pagbabayaran ng angkan na iyon ang kasalanan ng kanilang pinuno. Ang isang dahilan kung bakit hindi Niya kinamumuhian ang ibang tao ito ay dahil minsan sa kanyang buhay ay nagkaroon siya ng Isang master. Isang tao. Ito ang nag-alaga sa kanya at naging kanyang katuwang sa iba't ibang pakikipaglaban, kasa-kasama sa mga pagsubok at pakikipagsapalaran. Hanggang sa nangyaring malawakang labanan noon, milyong taon na ang lumipas at ito ay nangyari hindi sa planetang ito. Napapikit siya,,,sa tuwing naaalala niya ang nangyaring digmaan noon kung saan nagsakripisyo ang kanyang master mabuhay lamang siya ay labis ang kanyang kalungkutan nadarama.

Tumingin siya muling sa bata at nakikita Niya sa mga mata nito ang pagiging desidido nitong malaman ang kasagutan sa kung anoman ang nais nitong  itatanong.

"Wala akong panahon para sumagot sa iyong mga katanungan" tugon ng dragon at naglakad muli patungo sa tabi ng bato kung nasaan ang itlog.

"Pe-pero mahalaga ito..., Bakit mo pinapatay ang mga adventurer na pumapasok dito? At bakit sila nagiging alay sa iyo? Para saan?" Lakas loob parin itinanong ni Kaizen ang mga nasa isipan Niya. Nais Niya kasing maintindihan kung paano nagsimula ang lahat. at bakit ang dragon na ito ay kinamumuhian ang mga taga bayan ng Bura. Alam niya na ang dugo na nasa bote ay dugo ng mga mamayan ng Bura, ito ay para linlangin ang dragon at maisip nitong ang mga nakaputing pumapasok dito sa kanyang tahanan ay mga alay mula sa bayan ng Bura. Hindi nito Alam na pumapatay ito ng mga inosenting adventurer.

Ganun pa man ay sumagot parin ang dragon. "Iyon ay dahil nagbabayad sila ng kanilang pagkakautang sa akin. Nakikita mo ba ang itlog na iyan? (Turo nito sa itlog) Yan ay anak ko! Walang Awang pinatay ng pinuno ng angkan Gemmas dalawanpung taon na ang nakakaraan!, kaya naman bilang ganti, ipaparamdam ko din sa kanila ang sakit at kirot na mawalan ng pinakamamahal,! " Galit nitong tugon.

"Ikaw ba ang naglagay ng Harang sa buong Bayan?" Pag-uusisa Niya pa.

"Oo, ng sa ganun ay walang sinuman sa kanila ang makakatakas, unti-unti ko Silang uubusin" nakangisi nitong tugon.

Malungkot na nagsalita si Kaizen. "I-ito ang iyong ganti sa Kanila, Pero,, Alam mo bang ang mga pinapatay mo ay biktima din lamang?"

Napakunot ng noo ang dragon. "Anong ibig mong sabihin bata?"

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now