kabanata 16

111 19 0
                                    




Nakatayo ngayon si Kaizen sa harap ng  Isang malaking lumang tarangkahan,  sa magkabilang haligi nito ay may nakadikit na mukha ng dragon na nakanganga. Habang ang mga mata nito ay umiilaw ng kulay ginto. Kararating palang Niya rito at makikitang hindi lang siya ang nag-iisa, may mga nauna ng dumating, ang mga batang mula sa angkan Arcadian at ethold. Maiingay ang mga batang Arcadian, habang ang angkan ethold naman ay tahimik lang at walang pakialam sa paligid nila. Maya-maya pa ay dumating na ang angkan Farion at golas. Tulad ng inaasahan ay nagsimula na ulit magpayabangan ang Farion at Arcadian tungkol sa kung ano ang mga napagtagumpayan ng kani-kanilang angkan. Habang ang mga batang golas ay masayang nakikinig, sa mga kahambugan ng dalawang angkan.

Nilibot Niya ang paningin, napapansin niyang makapal ang hamog, malamig din ang simoy ng hangin, ang mga puno at halaman sa paligid ay mga patay. Hindi Niya maintindihan kung bakit dito sila iniwan ng kani-kanilang sundo. Hindi din Niya Alam kung paano o kung saan sila dumaan, dahil ang sasakyan na kanyang sinakyan ng sunduin siya sa kanilang bahay ay kakaiba, hindi nakikita ang tanawin sa labas mula sa loob. Ang buong akala Niya ang goldbath academy ay nasa sentro ng bayang Gotham. Mukhang hindi pala, sabagay wala naman siyang Alam talaga kung nasaan ito, dahil kung iisipin mukhang  sinasadya itong itago ng palasyo mula sa mga mamamayan hindi lamang ng bansang goldbath Kundi ng buong kontinente ng kazanian. Maaring may malaking dahilan o may iniingatan ang hari kaya ganun.

"Kaizen!"

Biglang may umakbay sa kanya, napakunot-noo siya ng tignan Niya ay si zenki mula sa angkan windillian. Ito pala ang sumigaw sa pangalan Niya, kung matatandaan ito ang batang nakilala Niya sa Pag tatasa at nakipagkaibigan sa kanya. At dahil sa pagsigaw nito ay naagaw Niya ang atensyon ng mga naroon.

"Yan ba ang batang taga redvil?" Tanong ni Maru mula sa angkan Arcadian.

"Oo siya nga" tugon naman ng kaibigan  niyang si inuk.

"Mukhang naambunan ng swerte ang kanilang angkan at tsambang may nakapasok mula sa kanila," maangas na Saad ni Maru.

"Oo nga, Pero tignan nalang natin kung hanggang saan ang swerte Niya sa loob, tiyak wala pang Isang buwan, tanggal na yan, " ngising Saad nito.

Habang ang batang si Darwin mula sa angkan ethold ay napailing nalang ng marinig ang Pag uusap ng dalawa. ' mga mangmang, hindi ba nila makita ang antas ng batang hinahamak nila? At higit sa lahat ang pisikal nitong katawan ay halatang matibay na at malakas. Sa loob lamang ng maikling panahon nagawa Niya agad akong maungusan, tsk' sa isip Niya.

Napapailing nalang si Kaizen sa kanyang mga naririnig mula sa kapwa batang adventurer. Ang totoo kahit malayo siya sa kanila ay malinaw niyang naririnig ang mga pag-uusap ng bawat grupo. Ito ang Isa pang kakayahan ng Isang 3rd silver rank. Nakakaya na niyang marinig ang bawat tunog, mahina man o pabulang sa layong Isang milya. Ang mga panghahamak ng mga ito, ang mga tingin na pangmamaliit ay hindi Niya nalang pinapansin. Mas malawak na ang Kanyang pang-unawa kaysa sa mga ito, kaya hindi na siya apektado. Sa isip Niya, mga bata lang ito na wala pang kamuwang-muwang sa totoong mundo. Bumaling siya Kay zenki at Ngumiti siya rito, "andito na pala kayo" ani nya.

"Oo, ngayun -ngayon lang, kumusta? Bat parang ang laki ng pinagbago mo?" Nagtatakang tanong ni zenki, hindi nito napansin ang mga tingin at bulungan ng mga kabataan nasa paligid nila. Tinignan Niya si Kaizen mula ulo hanggang paa at inikutan ito.

Nahihiyang napangiti nalang si Kaizen. "Hindi naman masyado, medyo lumusog lang ng kunti" sabay kamot sa ulo.

"Anong kunti ka diyan, ang laki kaya, sa natatandaan ko, mas matangkad pa ako sayo, Pero ngayon magkapantay na tayo." Hinawakan nito ang mga balikat ni Kaizen. "At itong katawan mo, ang tigas ng mga kalamnan, na parang katawan na ng Isang binatang nagsasanay. At higit sa lahat ang iyong awra, ang laki ng pinagbago, Isa ka nang 3rd bronze rank, Pero ang kalidad ay mahahalintulad sa Isang 3rd silver rank." Namamanghang pahayag nito.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now