kabanata 19

93 20 1
                                    


Lumipas ang dalawang linggo, wala Silang ibang ginagawa Kundi ang gumising ng alasingko palang ng Umaga, kumain ng agahan, pumasok sa silid pagsasanay na ang tangin ginagawa ay ang mag ehersisyo ng kanilang katawan buong maghapon at pagkatapos ay babalik ulit sa Kani-kanilang silid upang matulog.

Sa pagsapit ng pangatlong linggo,
pumasok na si arthon sa silid pagsasanay at makikitang ang lahat ng bata ay nakahanay na. Halatang kanina pa siya hinihintay ng mga ito.

Tumikhim siya. "Makinig,,, mukhang nakikita ko naman na may pagbabago na ang inyong mga pisikal na pangangatawan. Ibigsabihin ay epektibo ang ginawa nating ehersisyo sa nakalipas na dalawang linggo. Yun ang phase 1, ngayon dadako na tayo sa phase 2, ito ang pagkuntrol ng inyong enerhiya mula sa inyong star system patungo sa Isang parti ng inyong katawan. Katulad nito." May inilabas itong maliit na bola. Malakas niyang inihagis ito patungo sa Isang batang Farion. Sa Kaba ng bata ay napapikit nalang ito, Pero ilang segundo na ang nagdaan ay wala itong maramdaman na may tumama sa kanyang mukha. Dahan Dahan itong minulat ang mga mata. Lahat sila ay namangha dahil wala pang limang sigundo ay nagawa na ni ginoong arthon masalo ang bolang dapat Sana ay tatama sa mukha ng batang Farion.

"Woah! Ang astig naman!" Sigaw ni zenki

Napangisi lang si arthon at bumalik na siya sa kanyang dating pwesto. "Ang nakita niyo ay ang speed blast technique, pinadaloy ko ang aking enerhiya mula sa akin star system patungo sa aking mga paa. Ng sa ganun ay magawa kong makatakbo ng ganoong kabilis." Pagpapaliwanag Niya. Napatango-tango naman ang ibang bata, habang si Kaizen naman ay tinatamad na at di maiwasan mapahikab. Napansin ito ni arthon, kaya naman tinawag Niya si Kaizen at pinapunta sa harapan.

Napangisi naman si Darwin "Ang yabang kasi, yan tuloy mukhang masesermunan ni gurong arthon."

Ginatungan naman ito ni Maru. "Akala mo kasi kung sinong makaasta. Parang kayang kaya Niya na ang gagawin para hindi magpakita ng interes." Inis na Saad nito.

Nagsitanguan ang ibang batang nakarinig, sang-ayon sila sa dalawa, hindi naman kasi maganda at nagpapakita ito ng kabastusan sa kanilang guro na para bang wala itong interes makinig, di Bali nalang kung Alam na nito kung papaano gawin ang pagsasanay na ipinapagawa sa kanila, wala nga naman saysay Yun para makinig pa siya at pagsasayang lang ng oras at panahon kung mananatili pa siya sa ganun pagsasanay.

Nagkibit balikat lang si Kaizen sa kanyang mga naririnig, hindi siya apektado, hindi rin naman kasi Niya sinasadya na napahikab siya, sadyang inaantok na talaga siya dahil kulang kasi nag kanyang tulog nitong nakaraang linggo. Ito ay dahil nagsasanay siya tuwing Gabi sa mundo ng gwalima sa tulong ni Leon.

"Nakikita Kong inaantok ka pa Kaizen." Sita ni ginoong arthon.

"Pasensya na po kayo gurong arthon, di ko po sinasadyang mabastos kayo sa aking paghikab." Hingin paumanhin niya.

"Hmm may napapansin din ako, hindi ka interesado sa ating pagsasanay kahit nitong nakaraang dalawang linggo. Sabagay maiintindihan kita dahil mukhang matibay na ang iyong pisikal na pangangatawan at nakikita Kong mataas na ang iyong pundasyon ng iyong star system. Kaya para hindi masayang ang iyong oras dito, ipakita mo Sakin kung kaya mong gawin ang ginawa ko kanina." Utos Niya rito.

"Masusunod po gurong arthon." Pagkatapos niyang sabihin iyon, ay bigla niyang inagaw ang bola mula sa kamay ni ginoong arthon. Pagkatapos ay tumingin siya kina Darwin at maru, napakunot naman ang mga noo ng dalawa. Sa Isang iglaw ay malakas niyang inihagis sa dalawa ang bola. Halos malaglag ang panga ng lahat ng wala pang Isang segundo ay nasalo na agad ni Kaizen ang kahahagis Niya palang bola. Napatumba nalang sa gulat Sina Darwin at maru, habang namamangha naman si ginoong arthon.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now