kabanata 38

140 23 4
                                    


Natapos narin sa wakas ang pagtatasa para sa unang buwan nilang pag-aaral sa goldbath Academy. Kasalukuyan Kinakabahan ang mga batang lumahok sa pagtatasa, hinihintay nila ang resulta, na siyang iuulat ni punong tagapamahala mayamaya lamang. Hindi pa kasi tapos ang konseho sa kanilang isinasagawang pagpili kung sino-sino ang uuwi o mananatili.

"Ano sa tingin ninyo mga kasama? Mayroon ba tayong tatanggalin o hahayaan muna natin silang magpatuloy lahat sa pag-aaral dito?" Tanong ni pinunong Haron ng ethold.

Napaismid naman ang pinuno ng Arcadian na si riyah at nagsalita. "Kailangan ng may maalis sa kanilang Hanay. Hindi naman Silang lahat magagaling, mayroon iba diyang mahihina at halatang walang pakinabang. Nagsasayang lang tayo ng kayamanan, bakit hindi nalang natin ituon ang ating atensyon sa mga batang nakitaan natin ng talento?" Hayag Niya sa kanyang opinyon.

"At sino-sino naman ang sa tingin mong hindi na kwalipikadong magpatuloy?" Tanong ni Haron rito.

"Eh di syempre yung mga batang hindi nakapasa sa unang antas." Mayabang nitong hayag.

Napakunot noo naman ang ibang pinuno. Hindi sila sang-ayon sa sinabi nito. "Ang lupit mo naman, masyado pa Silang bata kaya natural lamang na hindi pa nila kayang labanan ang awrang mas mataas ng ilang beses sa kanilang antas. Bigyan pa natin Sila ng Isa pang pagkakataon. Baka hindi lang sapat ang panahon sa kanila kaya hindi nila agad napalabas ang tunay nilang potensyal." Mahabang Paliwanag ng Isang matandang babaeng may kulay berdi ang buhok. Isa ito sa Napili ng hari upang maging Isa sa siyam na konseho Niya.

Napangisi naman ang pinuno ng Farion na si reymuz at nagpahayag rin ng kanyang opinyon. "Sang-ayon ako Kay pinunong Riyah, bakit pa natin pag-aaksayahan ng panahon ang ibang bata? Tulad halimbawa ng mga batang galing sa angkan golers, wala naman Silang naipakitang magandang kapangyarihan, kaya sa tingin ko nararapat lamang Silang pauwiin na." Pang-uuyam nitong Saad habang nakatingin sa pinuno ng golers.

Napatiim-baga naman si pinunong Edwin ng angkan golers. "Hinahamak mo ba kami Farion!," nangagalaiting sigaw nito. Mabuti nalang at nababalutan sila ng Isang Harang kung saan hindi maririnig ng kung sinuman ang kanilang pinag-uusapan. Matagal ng hindi magkasundo ang angkan Farion at golers. Kaya hindi na bago sa ibang pinuno kung magsisimula na naman ang dalawang ito sa pagbabangayan. Namumula man sa galit ang pinunong golers ay bigla itong ngumisi at tinignan ng nanghahamak ang pinuno ng Farion. "Tsk,, hindi ko akalain na may mas malakas pa sa inyong angkan. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, nasa angkan redvil pa lilitaw ang pinakamataas na Uri ng apoy." Pang-iinis Niya rito.

Alam ni reymuz na iniinis lang siya nito, kaya pinilit niyang huwag ipakita rito na apektado siya. "Hmm Yun ba? Wala naman Yun sa akin, sa makatuwid nga nagpapasalamat pa ako dahil sa wakas mayroon narin adventurer ang nagtataglay ng lilang apoy. Alam mo naman siguro na kapag ang Isang adventurer ay nagpakita ng kanyang kapangyarihan na may kinalaman sa limang elemento kahit hindi siya kabilang sa mga angkan na nagtataglay nito ay maaari siyang ipasok at maging kabilang rito." Lahad Niya. Dahil dito mas nagngingitngit ang pinuno ng angkan golers.

Pumagitna na ang kanilang punong konseho na si pinunong Haron. Bago pa tuluyan magkainitan ay nagwika na ito.." tumigil na kayo sa inyong bangayan, nais ng haring magsalita, kaya tumahimik na kayo at atin siyang pakinggan."

Lahat ng konseho ay tumahimik, at seryusong naghihintay sa pagsisimula ng hari sa nais nitong sabihin. Tumingin naman ang hari isa-isa sa kanilang lahat bago magsalita. "Nakapagdesisyon na ako, nais Kong manatili ang lahat ng kabataan Adventurer kahit pa hindi sila nakapasa sa unang pagtatasa." Agad napangiti si pinunong Edwin at nginisian si pinunong reymuz.

Magsasalita na Sana si pinunong reymuz at pinuno riyah para magsimula ng pagtutol ngunit agad nagsalita ang hari. "Wala na kayong magagawa pa, sang-ayon man kayo o hindi. Plinaplanu ko rin dagdagan pa ang mga batang adventurer na nais pumasok sa aking paaralan, bawasan niyo o babaan niyo ang hirap ng pagtatasang ibinibigay niyo sa tuwing kayo ay pumipili sa mga batang nais makapag-aral dito. At nais ko Rin ipabatid sa Inyo na ang Napili Kong ipasok sa elite quads ay walang iba Kundi si Kaizen redvil. Wala naman siguro sa Inyo ang may tutol dito hindi ba?" Lahad Niya sa mga ito. Makikita ang kumplikadong reaksyon ng mga mukha ng konseho. May Ilan Silang hindi sang-ayon maliban nalang sa disisyon nito tungkol sa pagpasok Kay Kaizen sa elite quads, naiintindihan nila ito. Gusto lang nila itong kuwestyonin tungkol sa kung bakit gusto pa nitong buksan ulit ang pagtatasa sa bayan para sa mga batang adventurer na nasi makapag-aral dito. Ito ay nakapagtataka.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now