kabanata 36

113 21 3
                                    


Sumunod ang golass, tulad ng inaasahan hindi rin nagawa ng mga itong mahanap ang susi, apatna pong minuto lang ang itinagal nila maliban Kay Harriet.

"Magaling din ang batang babae, ano ang ngalan Niya Haron?" Tanong ng hari ng mapansin nito si Harriet,

"Siya po si Harriet golass, anak ng Isa sa aking mga elder mahal na hari." Agad na sagot ni pinunong Saram ang pinakamatanda sa kanila sa konseho. At siya rin nag-iisang alchemy master ng goldbath academy, kung kaya kasunod ng hari, Isa siya sa pinaka nirerespeto ng lahat, marami ang nais makipagkaibigan sa kanya. At marami din ang ayaw makaalitan ito dahil sila lang naman ang angkan na maaaring malapitan ng Isang adventurer kapag may malubha itong sakit o pinsala, sila rin lang ang nagtataglay ng mga alchemy flame sa buong bansa ng goldbath. Lahat kasi ng adventurer na nasa bansang goldbath na may alchemy flame ay otomatikong magiging parti na ng kanilang angkan. Kung kaya hindi talaga silang lahat ng nasa angkan golass ay magkakamag-anak.

Tumahimik nalang si Haron kahit siya ang kinausap ng hari. Pinigilan Niya nalang ang sariling magpakita ng pagkadismaya sa pagsingit ng alchemy master sa usapan Sana nila ng hari.

Bumaling naman ang hari sa alchemy master at ngumiti rito. "Ganun ba alchemy master Saram. Magaling ang iyong tauhan. Nakikita Kong magiging magaling sa alchemy ang batang iyan. Nagawa niyang ipadaloy ang kanyang enerhiya sa dalawang parti ng kanyang katawan ng sabay. Ang kanyang paa upang mabilis makakilos at makaiwas sa mga bala, at sa kanyang kamay upang pagalingin ang sarili sa tuwing natatamaan ito at nagkakaroon ng pinsala, Isa sa rason kung bakit mas maayos ang itsura nito kumpara sa mga nauna. Magandang mag-isip ng stratehiya ang batang iyan." Papuri ng hari sa batang si Harriet.

Ngumiti naman ang alchemy master at nagwika. "Hindi nga lang Niya nagawang mapatagal ang pagsuplay ng Kanyang enerhiya sa kanyang mga paa at kamay sapagkat mas malaki ang nakukunsumo niyang enerhiya dahil dito at sa kadahilanan hindi rin sapat ang naimbak niyang enerhiya sa kanyang star system." tugon nito, mahihimigan ito ng pagkadismaya Pero wala na siyang magagawa kung hanggang doon nalang ang kaya ng bata.

Napansin naman ito ng hari. "Hmm Tama ka, Pero ayos lang iyon sapagkat siya ay Isang bata pa rin at nagsisimula pa lamang. Kailangan Niya pang mahasa. Malaki ng pagbabago ang nagawa Niya, Isang buwan pa lang ay nagawa Niya ng ipadaloy ang kanyang enerhiya sa dalawang parti ng kanyang katawan na hindi nagawa ng mga nauna."

Napatango naman ang alchemy master ngunit sa isip nito. 'tsk,,, kulang parin, sa ipinakita nito ay Malabong mapabilang ito sa elite quads agad.' di Niya mapigilang madismaya ulit, nais Niya Sanang mapabilang ito agad sa elite quads, 'di bali may Isang antas pa naman, Sana bumawi siya run.' ngumiti siya sa hari at nagwikang. "Maraming salamat mahal na hari sa pagtingin ng positibo sa kakayahan ng batang si Harriet." Tugon Niya nalang at tumahimik na.

Magkasunod na tinawag ang Arcadian at ethold, tulad ng iba hindi rin nila nakita ang susi, Pero pareho Silang nakatagal at kaunti lang ang mga tinamong sugat o pinsala sa katawan. Patango-tango nalang ang hari. Kuntento siya sa kanyang nakikita at nasasaksihan sa mga bata kahit na hindi nila nagagawa ang pagtatasa.

Sunod naman na tinawag ang windillian, sina Zara at zenki. Makikita na iba ang kanilang ginagawa hindi katulad ng mga nauna kanina. Nagkaroon ng interes ang mahal na hari at ang konseho. Nakita nilang pumikit si Zara, pinadaloy nito ang kanyang enerhiya mula sa star system patungo sa kanyang mga paa at Tenga. Habang si zenki naman ay ipinadaloy ang enerhiya sa kanyang paa at mga mata. Naiiwasan ni Zara ang mga bala kahit na nakapikit, dahil ito sa pinatalas Niya ang kanyang pandinig, habang si zenki rin ay nagagawa rin niyang maiwasan ang mga bala dahil sa madali Niya nalang itong makita dahil sa pinatalas Niya ang kanyang paningin. Parang mabagal lang ang mga bala sa kanila. Ito ang napansin ng mga taong nanunuod sa kanila.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now