Chapter 3

322 1 0
                                    

"Saan daw tayo?" tanong ko kay Marielle at sumilip sa kaniyang cellphone.

"Wala pa si Ma'am chat sa gc."

"Iyong mga kaklase natin, nasaan ba?"

"Ito na, may chat na si Ma'am! Room 103 raw tayo."

Kalahating oras na ang nakalipas simula ng mag-umpisa ang aming klase, kung alam ko lang na manonood lang kami ng lecture ay hindi na sana ako pumasok pa, lalo na at hindi maganda ang aking pakiramdam.

"Ito na 'yung last video, class. Please, don't forget to take note some of the important details, diyan ako kukuha ng ilan sa ilalagay sa quiz niyo next week."

"Ano ba 'yan, quiz na naman," bulong ni Marielle at sa note app sa cellphone na lang siya nag-lista ng ilan sa mga mahahalaga na impormasyon mula sa aming pina-panood, ako naman ay binuksan ko ang aking bag at kinuha ang aking notebook. Sa paghahanap ko naman ng aking ballpen ako natigilan.

"Good Morning, Ma'am. Pwede po makahiram ng isang silya?"

"May bakante ba tayo na silyang hindi ginagamit?"

"Ma'am, ito po oh!" pagsasalita ni Marielle, sabay turo sa silya na nasa aking tabi. Bago pa man mag-umpisang maglakad papasok ng aming classroom ang lalaki ay nagtama na ang aming paningin, at kaagad ko rin naman iniwas ang sa akin. Umayos ako ng aking pagkakaupo, itinuon ko na kaagad ang aking buong atensyon sa pina-panood namin. Sa kabilang banda naman ay naghagikgikan ang aking mga kaklase.

"Kuya, ano raw po pangalan niyo?"

"Hoy, gaga! First year pa lang 'yan, kaklase ng kapatid ko, huwag ka riyan child abuse!"

"Ma'am, kuhanin ko na po."

"Sige lang, anak."

"Reign Andrea Bernabe." Napalingon ako sa kaniya matapos kong marinig ang pagbigkas niya sa aking buong pangalan at saka ko napagtanto na sa pagbuhat niya ng silya ay nakatingin din pala siya sa aking I.D, kaya kaagad ko iyon ibinaligtad. Ngumisi siya sa akin, bago muling magsalita at lisanin ang aming classroom.

"Thank you po, Ma'am."

"Class, manood na."

"Oh my gosh! Si Joseph yata iyon," sambit ni Marielle habang namimilog ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Siya iyong sinasabi ko sa iyo," mahinang tugon ko, at hanggang sa matapos ang aming klase ay panay na ang tanong niya sa akin, ngunit hindi ko naman na siya kinibo pa.

"Doon tayo maghintay sa isang waiting shed, mamaya pa ang alis niyan," anyaya niya sa akin. Sumapit na naman ang hapon, at ngayon ay maga-abang na kami ng jeep na aming sasakyan pauwi.

"Dito na lang, Marielle. Maaga pa naman, mapupuno rin ito kaagad at saka uwian naman na rin ng iba." Iniwas ko ang tingin ko sa itinuturo niyang isa pa na waiting shed. Hindi na rin naman siya nagpumilit pa at sa naka-abang na jeep sa harap ng aming campus na kami sumakay.

"Palagi ka umiiwas, Reigna. Paano ka makaka-move-on kung hindi mo tutulungan ang sarili mo?" pagsasalita niya pagka-upo namin. Hindi ako naka-imik, sandali kong tiningnan muli ang hindi kalayuan na waiting shed, kung saan may dalawang estudyante na nakatayo, isang lalaki at isang babae.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko na roon sina  Mama at Papa, pansin ko ang hawak nilang invitation na kalaunan ay ipinaliwanag nila sa akin kung para saan.

"Araw ng Sabado bukas, anak. Sumama ka na rin sa amin ng Papa mo sa reunion namin, para hindi ka ma-inip dito sa bahay," masigla na sabi sa akin ni Mama, sa katabi ko naman na sofa ay ibinaba ko ang aking bag.

"Marami po kasi akong homework Ma, Pa. May mga quizzes rin kami nitong darating na linggo. Pasensiya na po, hindi ako makakasama."

"At saka, mas mainam po na kayo na lang ni Papa, nakakahiya rin kung sasama pa ako."

"Sigurado naman kami anak na isasama rin nila iyong mga anak o iba pa na kaibigan nila, kaya sumama ka na, tiyak ako na mage-enjoy ka roon." Mahina ako na natawa at napahimas sa aking sintido.

"Pa, naman. Maa-out of place lang po ako roon. You know, our generation. Dito na lang po talaga ako sa bahay. Promise, magfo-focus lang ako sa mga homework ko." Ngumiti ako sa kanila, habang sila ay makahulugan na nagkatinginan, at nang lingunin akong muli ay bakas sa ekspresyon ng kanilang mukha ang matinding paga-alala.

"Ma, Pa..." Naglakad ako palapit sa kanila.

"Alam ko po kung ano ang ini-isip niyo. Birthday po bukas ni Joseph, pero huwag po kayo mag-alala, saglit lang po ako pupunta roon sa puntod niya, para mag-alay sa kaniya ng bulaklak." Nanatili silang nakatingin sa akin, hanggang sa haplusin ni Mama ang aking pisngi.

"Hindi lang namin maiwasan na alalahanin ka, Reigna. Noong nakaraan na birthday ni Joseph. Nang bumista ko roon sa puntod niya ay hindi ka uuwi kung hindi ka namin sinundo. At kung 'di ka namin nahanap ay buong magdamag ka lang magii-iyak doon."

"Nasasaktan kami, Reigna. We doesn't want to see you again on that situation."

"Don't worry anymore, Ma. At saka..."

"Nag-desisyon na rin po ako na tutulungan ko na ang sarili ko na umusad. Hindi ko na po iku-kulong iyong sarili ko sa mga ala-ala namin." Napakip si Mama sa kaniyang bibig at mangiyak-ngiyak ako na yakap.

"Thank, God! Masaya ako desisyon mo na iyan anak." Yinakap ko si Mama pabalik, at ngumiti naman ako kay Papa nang magtama ang aming paningin.

Kinagabihan, kung saan tahimik na ang paligid ay bumangon ako mula sa aking pagkakahiga nang mahagip ng aking tingin ang orasan at nakita roon na saktong alas-dose na ng gabi. Tipid akong ngumiti at sinulyapan ang picture ni Joseph na kinuha ko sa ilalim ng aking unan.

"Happy birthday, mahal..." sambit ko, at saka ako ngumiti habang tumu-tulo ang luha sa aking pisngi.

It feels as if something inside my chest had been cut out and ripped away from me. It's hard to explain the exact sorrow to live without him, because he's a part of who I am now, that's why when his presence in my life's gone, I feel like my whole being is hollow. That's one of the heartbreaking parts of missing someone, to keep longing for them, but you know that there will be no way to ever truly get them back.

"Sigurado ka talaga, Reigna ah? Tatlong araw kami ng Papa mo roon sa Pangasinan."

"Doon ka na lang kaya muna sa lola mo?"

"Mama, Papa, ayos lang nga po ako. At saka, hindi na ako bata pa. Kaya sige na po, magi-ingat kayo!" Hinalikan ko na sila sa pisngi at yinakap naman nila ako, bago sila pumasok sa kotse.

"Isara mo ang gate. Reigna, don't make us worry, okay?"

"Yes, Ma. Bye!" Ikinaway ko na sa kanila ang aking kamay at ng ako na lang ang naiwan ay isinara ko na ang aming gate at ang katahimikan ng paligid ang nagpa-alala sa akin ng ginawa ko buong magdamag...

I opened the lampshade in my room as I quietly reached the drawer near the night table. When I grabbed the box, I held my breath as I started to pick some of our pictures together,  then I placed everything on my desk. I get some special papers, crayons, and scissor from my shelf and put them all on my desk. And there, I started to create a scrapbook. I paste every picture, and love letters carefully.

After an hour, I finally finished it. So, I slowly turned every pages to see what I've done, and my heart ached, while realizing again that it just all a form of photograph, those moments that'll not happened again. But maybe, the only thing that make those photograph valuable is that, it can at least tell our story, that in a short period of time in my life, I found him, I'd been love by the man, named Joseph Mercado. And it's  enough already to show the pain of losing him.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now