Chapter 7

173 2 0
                                    

"Halika na Reigna, wala naman tayo Professor sa last subject natin. Sabay na tayo maglakad palabas ng campus." Sandali ko inalis ang paningin ko sa aking cellphone.

"Mauna ka na, Reigna. Dito ko na tatapusin iyong assignment natin sa Technical Writing."

"Madali na lang 'yan bukas. Tara kaya sa Mcdo, mag-enjoy muna tayo," bulong niya sa akin dahil nasa Library kami. Umaling naman ako at ipinagpatuloy na ang aking itina-type sa aking phone.

"At saka na lang, Marielle. Bad influence ka talaga. Sige na, umuwi ka na at ako ay diyan lang naman ang boarding house, ikaw ba-biyahe pa."

"Tahimik, nasa Library kayo," pagsuway ng Librarian.

"Sige na nga, pa-kopya na lang bukas." Gusto ko pa sana tumugon sa kaniya, ngunit ikinaway ko na lamang ang aking kamay para hindi na kami mapagalitan pa.

Makalipas ang kalahating oras ay kinusot ko ang aking mga mata. Itinabi ko na ang aking cellphone sa aking bag, ganoon din ang ilan ko pa na gamit, pagkatapos ay sandali ko tinapunan ang orasan na nakasabit hindi kalayuan kung nasaan ako.

3:30 pa lang naman, ngunit dahil naisip ko na maglalaba pa nga pala ako ng aking uniporme ay naisip ko na rin na umuwi na, ngunit ang malakas na hangin at ilan patak ng ulan ang siyang sumalubong sa akin. Hindi naman iyon naging dahilan para bumalik pa ako sa loob ng Library.

Binuksan ko ang aking bag, para sana kuhanin ang aking payong, ngunit na alala ko na hindi pa pala iyon naibalik sa akin ni Marielle, pagkatapos niya iyong hiramin kanina ng sa Engineering food court pa siya bumili ng kaniyang lunch.

Napahimas ako sa aking sintido. At naghintay na lamang kung mayroon ba mapapadaan na tri-bike.

"Kuya!" pagtawag ko at sandali na ikinaway ang aking kamay. Nagulat naman ako kung sino ang isang lalaki na nakasakay doon, si Armiel.

"Hi, Reign Andrea," pagbati niya at tipid na ngiti naman ang isinukli ko sa kaniya, kasabay ng pag-upo ko sa kabilang banda ng tri-bike. Bagama't pwede naman na magkatabi kami ay mas minabuti ko na lang na magkatalikod ang aming kinau-upuan.

Nang una ay tanging patak lamang ng ulan at pagpadyak sa tri-bike ang aking naririnig, hanggang sa magsalita siya.

"Nasaan si Marielle? Hindi ba pumasok?" tanong niya.

"Nauna na siyang umuwi kanina pa."

"Eh, bakit ikaw? Natulog ka muna sa Library?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Mayroon lang ako tinapos na homework, para pagdating ko roon sa apartment ay maglalaba na lang ako ng uniform."

"Siya nga pala, salamat sa pag-accept mo sa akin sa Facebook. Akala ko ay magiging follower mo na lang ako forever." Matapos niya itong sabihin ay dumaan muli sa aking isipan ang mga nakita ko sa album niya roon, pati na rin sa YouTube channel niya.

"Wala iyon. Hindi ko lang na accept kaagad kasi tambak kami ng term paper na ginagawa." Tumigil na ang tri-bike, malapit sa waiting shed, malapit sa overpass. Sandali akong sumilong sa pathway, para kuhanin ang aking wallet, ngunit wala akong nakita na barya roon.

"Ako na," sambit niya, dahilan upang mapatingin ako sa kaniya, kasabay ng pag-abot niya ng bente pesos kay Kuya.

"Salamat. Bukas ko na lang babayaran sa iyo."

"Hindi na, maliit na bagay!" Sandali akong napatitig sa inosente niyang mga mata. Tumikhim ako at tumango.

"Sabi mo eh..."

"Sige, ingat ka sa pag-uwi mo." Iniwas ko na sa kaniya ang aking tingin at patakbo na inakyat ang overpass dahil nasa kabilang kalsada pa ang apartment kung saan ako tumutuloy.

Nang nasa bandang gitna na ako ng overpass ay napahinto ako at pinagmasdan ang mas lalo pang lumakas na patak ng ulan. Wala pa man ako sa bandang dulo ay nakita ko roon ang aking sarili at si Joseph. Ako, hawak na mahigpit ang aking bag at siya naman ang nagpa-payong sa akin.

Napa-buntong-hininga ako ng malalim, ipinilig ko ang aking ulo at ipinagpatuloy na ang aking paglalakad. Napakunot naman ng bahagya ang aking noo ng maramdaman ang presensya ng isang tao sa aking bandang likod. Pamilyar ang pabango, hindi ako pwede magkamali.

Ganoon pa man ay ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng hindi siya nililingon. Marahil ay may iba pa siyang sadya kaya hindi pa siya sumakay sa jeep.

Ayoko na, ang totoo ay hindi ko matagal ang mga pagkakataon na malapit kami sa isa't-isa at nagu-usap. Sa pakiramdam ko ay mas lalo akong hinihila pabalik sa mga ala-ala namin ni Joseph.

Tinakbo ko ang daan patungo sa aking apartment, ngunit ramdam ko ang mas lalong lumalakas na patak ng ulan, kaya naman napakagat na ako sa aking pang-ibaba na labi. Sumilong ako sandali sa isang tindahan, ngunit hindi ko rin naisip na magtagal dahil baka mas lalo lamang ako maabutan dito ng mas malakas na ulan. Akma na tatakbo na akong muli ng may humawak sa aking braso, dahilan upang mapaharap ako sa isang lalaki na isinukob ako sa kaniyang kulay itim na payong.

"A-Armiel..." Tipid siyang ngumiti sa akin, at sandaling pinasadahan ng tingin ang mas dumi-dilim pa na kalangitan.

"Ihahatid na kita sa apartment niyo. Mali, sabay na pala tayo tunguin ang daan patungo sa building na iyon." Nagtataka ako na napatitig sa kaniya.

"Anong—"

"Halika na, baka parehas pa tayo maligo sa ulan niyan." Humalakhak siya. Nang nasa tapat na kami ng building kung saan nasa second floor ang aking tinutuluyan.

"Salamat, Armiel. Sige na, umuwi ka na rin. Mahirap ang biyahe kapag umu-ulan. Magi-ingat ka," nag-mabilis na ako sa aking pagsasalita at umalis mula sa pagkakasukob sa kaniyang payong, at saka naglakad na pa-akyat sa hagdan, ngunit hindi nawala ang presensya niya sa aking bandang likod.

Bahagya na kunot ang aking noo ng lingunin ko siya, kasabay ng pagpunas ko sa ilang basa na buhok ko sa bandang harapan dahil sa mga patak ng ulan.

"Why are you following me, Armiel?"

"Stalker ka ba?" Hindi ko na napigilan na itanong ito sa kaniya. Umangat ang gilid ng kaniyang labi, pagkatapos ay itinikom din iyon kaagad, ngunit maya-maya ay mahina siyang tumawa at humakbang palapit sa akin, kasabay ng pagsara niya ng kaniyang payong.

"Sa taas ang apartment ko, Reigna." Mariin kong naitikom ang aking labi. Nakangisi siya ng lagpasan ako, habang ako ay napapikit ng mariin dahil sa umusbong na hiya sa aking kalooban.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon