Epilogue

58 0 0
                                    

"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya. Ginawa ko ang lahat para manatili na taimtim lamang ang aming boses.

"Hija, Arjin... Iwan muna namin kayo ng Dad  mo." Tanging pagtango lang ang naging tugon ko. At saka muli ng nagtama ang aming tingin.

"Arjin—"

"Jeliah, if it's about our past? Okay na. Naiintindihan ko kung bakit tayo nagtapos. Hindi mo na ako mahal hindi ba? Napagod ka na hintayin at mahalin ako..."

"Sinubukan naman natin— No... Sinubukan ko naman na ipaglaban iyong pagmamahal ko para sa iyo, pero siguro nga may pagkakataon na iyong mamahalin natin ng sobra ay hindi naman pala iyon ang magiging end game natin." Matamlay akong tumawa, ngunit hindi rin iyon nagtagal ng marinig ko ang kaniyang paghikbi.

"I missed you so much, Arjin. I missed everything about us. A-Alam ko naman nakasalanan ko ang lahat, pero kahit kailan hindi nawala iyong pagmamahal ko sa iyo. Mahal pa rin kita." Umawang ang aking labi, at saka bumagsak ang aking tingin sa kaniyang mga kamay na dumapo sa akin. Matagal pa bago ako nakatugon dahil sa dami ng tumatakbo sa aking isipan.

"Sorry to tell this, Jeliah. But I want to rest. Marami pa rin kasi ako natatapusin na school work ko."

"Pero Ar—" Hindi ko na siya hinayaan na makatapos pa dahil naglakad na ako paalis doon. Bago ako tuluyan nakapasok sa aking kwarto ay nagtama pa ang aming paningin ni Mommy.

Dumating ang gabi, hindi pa rin ako mapalagay sa aming naging muling pagkikita. Bago ako umupo sa dulo ng aking kama ay tiningnan ko kung may reply na ba sa aking mga chat si Reigna, ngunit wala pa rin. Sa pag-usad ng gabi ay natagpuan ko ang aking sarili sa music room kung saan nakadikit pa rin sa mga pader ang lahat ng mga kanta na aking naisulat at nagawan din ng tono sa piano. Kabilang din sa lahat ng iyon ang mga kanta na naisulat ko ng siya ay inspirasyon.

One of the sad part about the memories we had with the special person is that they were impossible to be forgotten.

~

Sa malawak na mango plantation namin ay inihanda ko na ang surpresa ko para kay Reigna. Gusto ko rin na bumawi sa kaniya dahil noong nakaraan na bonding namin ay hindi na iyon masiyado nagtagal dahil sa hindi ko inaasahan na bisita. Lumipas ang mga sumunod na minuto ngunit wala pa rin siya, kaya naman kinuha ko sa bulsa ng aking short ang ang cellphone para tawagan siya, ngunit hindi na iyon natuloy nang makarinig ako ng kaluskos ng mga tuyong dahan.

"Mabuti at—" Unti-unti ay humapa ang malaking ngiti sa aking labi nang mapagtanto ko kung sino ang dumating. Si Jeliah.

"Arjin... pasensya ka na kung dumiretso na ako rito. Ang sabi kasi ni Tita at Tito ay narito ka raw. Hm, mukhang may ganap ah!" Tinapunan niya ng tingin ang mga inihanda ko para kay Reigna.

"Ah, oo. Just... a simple date with Reigna," pagtatapat ko. Nakita ko ang sandali na pagkatigil niya, ngunit mabilis niya pa rin naman naibalik ang ngiti sa kaniyang labi.  She looked hurt for some reason when she heard what I just said.

"Bakit ka nga pala nabalik? May kailangan ka ba sa akin?" kaswal na tanong ko sa kaniya, kahit na alam ko naman ang posibilidad na rason niya kung bakit siya narito. Ipinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay at kalaunan naman ay itinago niya ang mga iyon sa kaniyang bandang likod.

"Do you already love her? Arjin, may mahal ka na ba talaga na iba?"

"Hindi na ba pwede? Hindi na ba talaga ako?" Naging sunod-sunod ang kaniyang katanungan at hindi ko alam kung iyon ang dahilan kung bakit naging mahirap para sa akin ang tumugon.

"Arjin... Mahal pa rin kita." Her eyes
became watery as she said that. Nakaramdam ako ng lungkot.

"Kaya pa kitang mahalin, Jeliah..." sambit ko, ngunit hindi ko inaasahan ang paghakbang niya palapit, at ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin. Bagama't nagulat ako ay mabilis ko siyang inilayo sa akin nang mapagtanto ko na kung ang kaniyang ginawa. Mabilis ko pa inikot ang aking paningin, kinabahan dahil baka sakto na pagdating naman ni Reigna at makita ang kaniyang ginawa.

"Pero...hanggang kaibigan na lang, dahil kahit paano nagkaroon ka ng parte sa puso ko. But please Jeliah, huwag mo na sana hilingin na mahalin pa kita ulit, dahil ayokong masaktan ka lang." Nag-umpisa siyang humikbi.

"P-Pero Arjin, bakit hindi natin subukan ulit? Sa tingin ko naman ay hindi pa rin nakaka-move on si Reigna sa past relationships niya." Nagtaka ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa roon, ngunit nauwi ang lahat sa isang malalim na pagbuntong hininga ko.

"B-Bakit parang ang bilis mo naman ako makalimutan? Bakit parang ang bilis mo magmahal ng iba?" Sinubukan ko na ikalma ang aking sarili, ngunit naramdaman ko pa rin ang pag-init ng gilid ng aking mga mata. Hindi ko matanggap ang aking mga naririnig mula sa kaniya.

"Do you really think that I'm someone who's good at moving on? Alam mo kung gaano kita minahal ng sobra noon, Jeliah. At sana bago mo ako batuhin ng mga katanungan mo ay sagutin mo iyong tanong na hanggang ngayon ay hindi ko mahanap ang sagot!"

"Ano ba talaga ang dahilan? Bakit ba pagbalik ko biglang hindi mo na ako mahal?" Kita ko kung paano mas nagsunod-sunod ang luha sa kaniyang mga mata.

"What? Nakahanap ka ng iba, hindi ba?"

"No! H-Hindi ko kaya magmahal ng iba, kaya nga hanggang ngayon ay ikaw pa rin."

"Kung gano'n, bakit nga? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ang rason? Hi—"

"Natakot ako... Natakot ako na magkasakitan lang tayo lalo, kapag nalaman mo na..." Nagsalubong ang aking mga kilay.

"Malaman ang ano?"

"Malaman na hindi ka nakuntento sa akin?"

"My father's the reason why your father hit by a car. Siya ang nasa likod ng hit and run na nangyari sa ama at k-kung bakit nalagay ang buhay ng Dad mo sa kapamahakan!" I  felt that a thunderstruck pain inside my chest. My lips parted while letting tears escape my face.

"W-What?..."

Pakiramdam ko nang araw na iyon ay ako ang pinaka-masama na tao, dahil sa biglaang mabigat na katotohanan at desisyon ni Reigna, na ibinato sa akin ng tadhana.

The pain of repeatable heartbreaks  has a way of reminding me of the reason I’ve been trying to move on with my life all this time. Tinanong ko ang aking mga magulang ang tungkol sa nagawa ng ama ni Jeliah, at ang tugon nila na matagal-tagal na rin nilang nalaman ay dumagdag lamang sa bigat na aking nararamdaman.

~

"Arjin, 'di mo ba miss si Reigna?" Bahagya niya siniko ang kaibigan. Simple akong ngumiti at ikinaway ang aking kamay.

"Syempre miss ko na kayo! Malapit na graduation niyo ah, advance congratulations!" sambit ko.

We remained as friends, though I know that it really saddened me when she rejected me. For the second time, I feel like I am not worth of being love by the girl whom I'm hoping to be my true love. Masakit, pero alam ko naman na hindi tunay na pag-ibig ang pagpilit.

I accepted the heartbreaks and turned them into motivation to focused on my studies. Gusto ko na rin makapagtapos at mas maging proud pa sa akin ang aking magulang. Nais ko gamitin ang pagkakataon na ito para pag-isipan ang lahat at malaman ang sigurado na nais ipahiwatig ng aking puso.

Most of all, I want to totally move on from the bitterness of my past and completely mend the broken pieces within my heart. And time didn't fail me.

"Masayang-masaya ako dahil hinayaan mo ako na mahalin ka, Reigna..." Napatitig ako sa kislap ng kaniyang mga mata.

The sunset here at the Vayang Rolling Hills started to blend with each other, and the sky starts to turn orange. Her eyes widened a bit, when I slowly kneeled down and get the box of a ring inside my pocket.

"You might not be my first of greatest love, but you are the one I wanted to be mine 'til eternity. Reign Andrea Alcazar... will you be  my wife?" Napahikbi siya at naging sunod-sunod ang kaniyang pagtango. Napaluha ako habang inilalagay ang singsing sa kaniyang daliri.

"Yes! Yes, Armiel Jino Marquez!" Tumayo ako at yinakap siya ng mahigpit.

What's the hardest thing in moving on? Siguro, minsan natatakot tayo na umusad, dahil maaari na hindi na tayo maka-atras pabalik sa nakaraan at tuluyan na natin malimutan ang mga ala-ala na mayroon tayo roon.

Moving on is truly something I don't believe, for there are pain that's never be fully healed. There are memories that would never fade no matter how hard you try to forget. But one day, I just realized that there's nothing to do but accept it and move forward, because what's belong on the past will never be change anyway.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now