Chapter 10

185 4 0
                                    

As the ferris wheel ascended higher into the night sky, I couldn't help but feel a sense of awe and exhilaration. The cool breeze tousled my hair, and the soft glow from the surrounding lights created a magical ambiance.

I looked at Armiel, just to realized that he's looking at me with his gentle smile that's seems to be always comforting. Ang lahat ng kaba sa aking damdamin ay unti-unting nawala. Naramdaman ko ang aking katawan na naging kampante na lamang sa bawat pag-ikot ng ferris wheel.

"Hindi ba ang saya? Sabi ko na sa iyo, minsan talaga iyong akala natin na hindi natin kaya, kapag sinubukan natin makakaya naman pala." I smiled back shyly at him as I marveled at the twinkling stars scattered across the inky canvas of the night sky.

"Ayon oh, ngumiti na rin siya! Hindi ka na ba niyan galit sa akin?" Muli akong napatingin sa kaniya.

"Hindi naman ako galit sa iyo." Nagtaas siya ng kaniyang kilay sa akin.

"Talaga ba? Parang kanina lang ay halos kagatin mo na ang braso ko para mabitawan kita." Nakaramdam ako ng hiya matapos maalala ang nangyari kanina kung saan makailan ulit niya pa ako hinila bago kami makabili ng ticket dito at makasakay.

"Sorry naman. Natatakot talaga ako sa mga ganito kataas na ride. Ayoko lang sa matataas na lugar, feeling ko ay mahihimatay ako."

"Pero nandito ka ngayon, kasama ko." Napatitig ako sa kaniya, ngunit nag-iwas din ng tingin.

After sometime, I gazed at him who's now looking at the breathtaking view around us, a tapestry of shimmering lights, sprawling cityscape, and the serene darkness of the night. I just can't believe this is happening.  I did face one of my fears, because of him, the man whom I didn't have enough information, and yet I felt an undeniable connection. Maybe, it's just because I see Joseph's on him.

Dumating ang araw ng lunes. Hindi na namin nakasabay sina Ben at Armiel na mag-lunch dahil sa nabago raw ang schedule ng isang klase nila. Umusog ako ng kaunti para makaupo pa si Marielle.

"Hanggang ngayon ay hindi ako maka-move-on! Nagulat talaga ako na nakayanan mo na sumakay doon sa ferris wheel." Sandali akong napatingin sa kaniya.

"Magkwento ka nga! Ikaw Reigna ah, hindi mo sinasagot iyong mga chat ko sa'yo. Nang Sunday pa kita tinatanong kung ano ba ang nangyari habang nakasakay kayo ni Armiel sa ferris wheel." Humagigik siya, kasabay ng pagkuha niya ng ulam sa aking lunchbox.

"Hmp! Huwag na nga, hindi ka naman magkwe-kwen—"

"Alam mo noong gabi na iyon parang sa muling pagkakataon nakasama ko si Joseph..."

"It's like I was transported back to that time when Joseph and I would go on wild adventures."

"Alam mo iyon? I-I couldn't help but imagine that it's Joseph by my side, his laugh, his smile, almost everything about his face remind me of—"

"Joseph's dead, Reigna," sarkastikong saad niya, natahimik naman ako.

"Kung patuloy mo babalikan lahat ng nasa past ay hindi ka magiging masaya sa present mo. I'm not asking you to forget your first greatest love, Reigna. I just want you to be genuinely happy again with the people who are still 'breathing'."  Bumagsak ang tingin ko sa pagkain na nasa aking harapan.

"Malay mo may mas better pa pala na darating sa buhay mo at mas mamahalin mo iyong lalaki na iyon." Sa sinabi niyang ito ako bahagyang natawa.

"Sa tingin ko ay mali ka Reigna." Tumawa siya pagkatapos uminom ng tubig.

"Hindi ka makakasigurado. Oo at mayroon mga pangyayari na sa isang tao mo lang mararanasan, mayroon mga feelings na akala mo hindi na sa iyo maipaparamdam ng iba, pero nagkakamali ka."

"As long as life continue to flows, there will always be uncertainties. We let go people, and we welcome someone new as well. We are still young, sabi ko nga sa iyo Reigna. Marami pa tayong tao na makikilala."

"Kung hindi pa rin sa iyo nagsi-sink-in, nakaya mo lang naman malagpasan ang fear of heights mo for the first time dahil kay Arjin. Iyong inaakala mo na freshman, pero sa tingin ko ay mas marami na nga ang experience sa life kung ikukumpara sa atin." Matagal akong napatitig sa kutsara na aking hawak matapos niyang magsalita.

Pagkatapos ko gawin ang aking assignment ay umupo ako sa gilid ng aking kama. Malalim akongnapa-buntong -hininga habang ibinabalik sa aking wallet ang isang maliit na litrato kung saan kuha ito nang minsan na umattend kami sa kasal ng isa naming kamag-anak at sinamahan ako ni Joseph.

Tingnan ko ang orasan lagpas alas-onse na ng gabi. Mula sa gilid ng aking unan ay kinuha ko ang aking itim na jacket doon, at saka ako naglakd palabas ng aking kwarto. Habang isinusuot ko ang aking tsinelas ay napatingin ako sa kwarto ni Armiel na tinutuluyan din dito na tanaw ko lamang ngayon. Sandali akong napatitig doon at nai-tanong sa aking sarili kung tulog na kaya siya? Ngunit mabilis ko rin na naipilig ang aking ulo at umakyat na sa hagdan patungo sa rooftop.

When my right foot was almost stepping on the very last step of the stairs, my eyes landed on the back of a man standing near the railings. His both hands seemed to be playing an invisible piano.

"Armiel?" Mabilis siyang napalingon sa akin.

"Reigna? Bakit gising ka pa?" Inilagay ko ang aking mga kamay sa loob ng bulsa ng aking jacket ng umihip ang malamig na hangin, kasabay ng mga hakbang ko palapit sa kaniya.

"Eh ikaw, bakit gising ka pa?" Pagbalik ko sa kaniya ng kaniyang katanungan, dahilan upang mahina siyang matawa.

"Bakit ba gising ang isang tao?" Napangiwi ako.

"Hm, kasi hindi makatulog? Maraming ini-isip o kaya naman may mga gumugulo sa damdamin."

"Nice! Parang sure ka na iyan ang mga reason ah!" Bahagya niyang pinisil ang dulo ng kaniyang ilong, pagkatapos ay isinandal niya na ang likod niya ngayon sa railings dito.

"That's a cliche reasons, Armiel. So, tell me why you're here? Hindi ka rin ba makatulog?"

"Ang totoo niyan kakatapos ko lang gumawa ng ppt at saka ng explanation ko para sa report namin bukas. Pagod na nga ako, pero dinalaw na naman siguro ako ng insomnia kaya hindi ako makatulog, kaya heto, pumanhik muna ako rito."

"At ikaw? Huwag mo sabihin na may ka-meet up ka rito?"

"Hindi ba pwede na hindi rin ako makatulog? At saka, kanino naman ako makikipag-meet up, sa kaluluwa ni Joseph?" Mahina akong tumawa, pagkatapos ay iniwas sa kaniya ang aking tingin.

"B-Balik na pala ako sa kwarto ko," sambit ko.

"Halata ka naman masiyado na ayaw mo akong kasama." Mahina siyang tumawa kaya napahinto ako.

"Hindi naman, malay ko ba kung maka-istorbo ako sa alone time mo." Ngumisi siya sa akin. Naitagilid ko ang aking ulo ng maalala ko kung ano ang ginagawa niya kanina ng madatnan ko na siya rito.

"I saw you a while ago. You're moving your fingers like you're playing an invisible piano." Naging mariin ang pagtikom ng kaniyang bibig.

"Do you miss being a pianist?" Sumandal siya sa railways at ipinagsalikop ang kaniyang mga kamay.

"Let's have a deal, I'll tell you a story of my past, you'll let me know of you more." Makailan ulit akong napakurap ng aking mga mata. At hindi ko rin inasahan ang aking naging tugon.

"Deal..."

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now