Chapter 19

100 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Armiel, muntik ko pa siyang mabatukan kanina dahil sa sinabi niya.

"May next pa ba?" tanong niya sa isa sa mga grupo ng magka-kaibigan na kanina ay lumapit sa amin.

"Yes po, last na ito! Dito sa part na ito ay magbre-break na po kayo, tapos itong si Luisa na Nanay ni Ate Reigna ay bibigyan siya ng aral dahil sa nasaktan po siya dahil sa maling desisyon niya sa buhay, after po ng scene niyo."

"Kuya, okay lang po ba talaga? I mean, baka po may ginagawa po pala kayo na importante ni ate?" Nilingon ako ni Armiel.

"W-Wala naman, ayos lang. At saka, last scene naman na namin ito," sambit ko at bahagyang ngumiti.

"So, paano na?" dagdag na tanong ko at doon na nila sinabi ang susunod na kailangan namin i-act bago nila i-click muli ang camera para sa pagvi-video.

"Ito na po, one, two, three... action!" Napatitig ako kay Armiel na seryoso na nakatingin sa akin, mukhang talagang gusto niyang maging makatotohanan ito.

"Nakipagkita lang ako sa'yo para sabihin na gusto ko na makipaghiwalay." Kaya naman sumabay din ako sa agos, kahit na wala naman talaga kaming script na pinagbasihan maliban sa guide na sinabi na dapat namin gawin.

"Hiwalay? Pero ang sabi mo ay mahal mo ako, hindi ba?"

"At sa tingin mo ay totoo 'yon? Hindi naman talaga kita mahal, sadyang nakipag-relasyon lang ako sa iyo dahil gusto kitang perahan. At ngayon na wala na akong kailangan sa'yo, iiwan na kita, hindi na ako babalik sa iyo!" Ramdam ko ang bumalatay na kirot sa aking puso sa mga salita na huli niyang sinabi. Humakbang ako palapit sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang braso.

"Please... Huwag mo akong iwan. Huwag ka lumayo. H-Hindi ko kaya na hindi ka na makita. Paki-usap, manatili ka sa tabi ko, Joseph..." Napamulat ako ng aking mga mata, ngayon ko lamang napagtanto na nakayakap ako kay Armiel, halos malukot ko ang likuran ng kaniyang damit habang ramdam ko ang basa ko na mga pisngi. Mabilis akong napalayo, at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

"Done! Ang galing niyo po lalo na si ate! Kaya lang pansin ko na nagkamali si ate Reigna ng sinabi na pangalan ni Kuya Armiel, pero ayos na po iyon, i-cut na lang namin!" Tipid akong ngumiti.

"Reigna? Ayos ka lang?" Naga-alinlangan akong tumingin kay Armiel at saka tumango na lamang. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay tila nilamon na naman ako ng mga ala-ala ng nakaraan. Sa isipan ko ay alam ko na ibang tao ang aking kaharap, siya si Armiel Jino, at hindi siya si Joseph, ngunit puso ko ang tila nagtutulak sa akin na maging bulag sa reyalidad na nasa aking harapan.

"Ate, iyong part na po ng may Nanay. Promise, last na po ito."

"K-Kuhanan lang daw namin iyong part na iyon," sandaling paalam ko muna sa kaniya, bago ko siya talikuran.

~

"Salamat po ulit!"

"You're welcome," kapwa tugon namin bago sila umalis. Nang tuluyan na silang mawala sa aming paningin ay malalim akong napabuntong hininga.

"Tara, uwi na tayo!" anyaya ko at saka nauna ng maglakad sa kaniya, naramdaman ko naman ang paghabol niya sa akin.

"Reigna, ayos ka lang ba talaga?" Nilingon ko siya sa aking tabi.

"Oo naman! Ikaw, ayos ka lang ba? Kanina mo pa kasi sa akin tinatanong iyan. Akala mo naman ay action scene ang nangyari kanina tapos nabalian ako ng buto," biro ko pa.

I can really see the worries in her eyes, but I am afraid to voice out my real feelings. Myself is too afraid to think, that it seems like I am still stuck in the memories of all my hopes and dreams with Joseph.

"I see it in your eyes. Iyong pagluha mo, alam kong hindi lang dahil nadala ka roon sa fake scene. Narinig ko iyon mabuti." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya habang patuloy kami sa aming paglalakad.

"A-Ang alin ba kasi?"

"Iyong pagbigkas mo sa pangalan ni Joseph," tugon niyo, halos pabulong lamang ng sabihin niya iyon.

"Iyon ba? Nagkamali lang ako." Nagulat ako ng bahagya niyang guluhin ang tuktok ng aking buhok.

"Sus! Kunwari ka pa, Reigna. You should not deny what your really feel. Kung hanggang ngayon palagi pa rin siyang pumapasok sa isipan mo o kaya madalas mo pa rin siyang ma-miss? Kung nanghihinayang ka sa mga baka sakali mo na hindi na posible na matupad, aminin mo, huwag mo dibdibin, mas mahihirapan ka lang umusad."

"Mas masasaktan ka lang," dagdag niya. Napahinto ako sa aking paglalakad at nagtama ang aming tingin.

"Sa tingin mo?" Tikom ang kaniyang labi nang ngumiti siya sa akin at saka tumango.

~

"Salamat sa libre!" sambit ko sa kaniya bago bumaba sa may jeep dahil mas mauuna madaanan ang lugar kung saan ako nakatira.

"You're welcome, kahit araw-araw kita i-libre," natatawa na pahabol niya pa.

Dumating ang gabi na malalim na naman ang aking ini-isip. Hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na kinukuha ang isang box na nasa ilalim ng aking kama. Nakalaman dito ang mga pictures namin ni Joseph, ang mga lanta na bulaklak, pati na rin ang mga love letter.

Malalim akong napabuntong hininga ng buksan ito. Maybe, Armiel's really right. It's imposible to move on from someone without forgetting all the pain, especially when that someone is your greatest love.  I think it's just one of those universal truths no one wants to hear.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabalik-tanaw sa masasaya namin na ala-ala ni Joseph sa pamamagitan ng pagtingin sa mga litrato nang marinig ko ang notification ring tone ng aking cellphone. Nang buksan ko ito ay nabasa ko sa screen na mayroon bagong upload na video ang YouTube Channel ni Armiel makalipas ang ilang taon.

"Is this real?" nai-tanong ko pa sa aking sarili. Mabilis kong isinara ang box at ibinalik iyon sa ilalim ng aking kama. At saka ko itinipa ang password ng aking cellphone, at saka ko pinindot ang notification at dinala ako nito sa mismong new upload niya.

'I found a new inspiration to start again'

Nang mabasa ko ang caption ay ramdam ko ang pagtambol ng aking puso. Sumandal ako sa dulo ng aking kama, kinuha ko ang isang unan at inilagay iyon sa ibabaw ng aking hita at doon ay ipinatong ko naman ang aking cellphone, kasabay ng pagpindot ko sa video.

"Hello! It's been a while? Is it so sudden that this dead account finally find its way to breath again?" He chuckled a bit, and I didn't realized immediately that it made my lips curved into a smile.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now