Chapter 21

77 1 0
                                    

"Hoy, Reigna! Bakit mukha ka pa rin lutang diyan? Matatapos naman na natin iyong Chapter 2 ng research ah?" Napatingin ako kay Marielle nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi.

"Marielle, may sasabihin ako sa'yo," pagu-umpisa ko at tuluyan na akong umayos ng upo para mas makaharap ko siya.

"Ay, gusto ko iyan! Ano? May new chismis ka ba?" She smiled. I saw the glint in her eyes that I knew very well.

"Tungkol ba iyan doon sa nababalita na Professor na may girlfriend na student?" Napangiwi ako at saka umiling sa kaniya.

"Hindi! Iba ito..." sambit ko.

"Sa tono ng boses mo ay parang ang laki ng problema mo, ano ba kasi iyan, ha?" Nilaro ko ang ballpen sa aking mga daliri at pa-simple na inikot ang aking paningin sa loob ng aming classroom at pagkatapos makasigurado na wala naman kaming kaklase na masiyadong malapit sa amin ngayon ay itinuon ko na muli sa kaniya ang aking tingin.

"Tungkol ito kay Armiel..." Her smile got wider and more mischievous as if she's about to giggle at loud at any time.

"Woah! Mukhang maganda ang sasabihin mo." Bumuntong hininga ako bago magpatuloy.

"Sa tingin ko ay may gusto sa akin si Armiel."

"Tapos?" Hindi ko matanggap ang tanging naging reaksyon niya sa aking sinabi.

"Ha? Iyan lang? I mean, h-hindi ka man lang ba nagulat?" Tumawa siya, bahagya pa akong hinampas sa aking braso. Tumayo siya ng kaunti at mas inusog ang silya niya palapit sa akin.

"Hindi naman kasi nakakagulat, Reigna. Hindi rin naman ako bulag, lalong hindi ako manhid. Pakiramdam ko rin ay type ka ni Arjin." Napa-isip ako, ngunit napasandal sa aking upuan.

"Pero hindi rin eh, kung iisipin ko mabuti ay imposible. Baka, friendly lang talaga siya masiyado kaya namamali ako ng interpretation sa kung paano siya makitungo sa akin?" I'm confused with my own question.

"Psh! Ateng, huwag ka nga pabebe riyan. Alam natin na ang turin sa iyo ni Arjin ay iba pagdating sa akin."

"Grabe, pabebe agad? At saka, hindi rin naman tayo makakasigurado, hindi ba? Una sa lahat, hindi naman natin siya kaklase. Malay ba natin, ganoon din siya sa ibang mas madalas niyang nakakasama."

"At saka..." Nanatili ang tingin niya sa akin.

"Ano? At saka ano, Reigna?"

"Mahal na mahal niya si Jeliah. Hindi nila ako kasama sa bawat yugto ng love story nila. Pero sa bawat kwento ni Armiel sa kaniya, ramdam ko na ibang klase ng pagmamahal iyong binuhos niya para sa ex-girlfriend niya."

"And those pictures they have, those piano cover of songs she played for her... I really believe that the memories they have, is real love. A kind of love that isn't easy to replace."

"Ah, kaya naman pala! So, isine-set aside mo iyong fact na may gusto sa iyo si Arjin, dahil sa tingin mo imposible na magmahal siya ulit, kahit na ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin kanina mismo na sa tingin mo ay may gusto na nga siya sa iyo?" Hindi ako nakakibo, natuptop ko ang aking labi.

"Ang gulo mo naman, Reigna!"

"Hindi ko ide-deny, tama ka sa mga sinabi mo Marielle, pero maliban diyan, kung totoo man na may gusto sa akin si Armiel, gusto ko na hanggang doon lang iyon. Ayoko dumating sa point na umamin siya." Naliit ang tingin niya sa akin.

"At bakit naman?" tanong niya.

"Masasaktan ko lang siya, dahil hindi ko naman siya mamahalin higit pa sa kaibigan na siyang turingan namin, natin, ngayon. At ang rason, iyon ay dahil sa Joseph lang hanggang dulo ang mamahalin ko kahit na wala na siya sa tabi ko. Mahal na mahal ko pa rin siya." Napa-ismid siya at sumandal lalo sa kaniyang silya.

"Iyan ang ipinipilit ng isip mo, pero ang tanong, maloloko mo ba ang puso mo?" Sa pagkakataon na ito ay kumawala ang mahina na tawa sa aking bibig.

"Parehas ang sinasabi ng puso at isip ko, Marielle..."

"Kahit pasukin mo pa," dagdag ko habang hinahaplos ang desk ng aking silya.

"Iyan ang problema sa ibang tao, katulad mo Reigna. You keep on preventing yourself on moving on and love someone else beside the person whom you used to love so dearly, because you believe that there is only one love in this world, that no one can able to replace him from your heart, and that because there's no day that you didn't long for that person, without realizing that you are just being deeply attached and in love only with the memories that you refused to open your heart again for a new love," mahaba na tugon niya. Hindi na rin naman ako nakakibo pa mg magpasukan na ang ilan namin na kaklase dahil padating na raw ang aming Professor.

Nang araw na iyon ay sinadya ko na magmabilis na makauwi sa apartment na tinutuluyan ko sa Sumacab Este dahil wala talaga sa plano ko na makita o makasalubong si Armiel. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito, ngunit tila may parte sa akin na nagsasabi na kailangan ko siyang iwasan.

Pagdating ng gabi, pagkatapos ko kumain ng hapunan ay kinuha ko ang aking laptop para sana muling ire-check ang grammar ng chapters ng aming thesis, pero natagpuan ko ang sarili ko na malalim ang ini-isip.

Dahil sa pagiging chismosa ni Marielle at pagiging madaldal ay may ilan siyang nai-kwento sa akin tungkol sa ina ni Armiel na napagtanto ko naman na konektado sa ilang mga pangyayari sa buhay niya na nasabi na rin sa akin ni Armiel.

"Parang parehas pala kayo ng pinagdaanan ng Mommy ni Arjin pagdating sa pag-ibig 'no?"

"Ano ibig mong sabihin?"

"Eh 'di ba iyong first love ng Mommy Asteria niya na Tito ni Arjin, ay namatay sa sakit. Kaunti nga lang iyong nalaman ko mula kay Ben ay nalulungkot na ako, paano pa kaya kung nalaman ko buong love story nila," pag-alala ko sa naging usapan namin ni Marielle.

"Paano kung... mamatay din si Armiel?" Pagkatapos pumasok ito sa isipan ko ay napahilamos ako sa aking mukha at halos ma pukpok ko pa ang aking sarili ng laptop na nasa aking harapan.

"Shit ka, Reigna! Hindi, hindi iyon mangyayari," bulong ko pa sa aking sarili. Sumunod na dumapo ang aking tingin sa notification bar na nagmula sa aking YouTube Account. It's another uploaded piano cover of Armiel. Isang kanta na hindi na nakakapagtaka kung iisipin ng iba na in love siya.

Pinindot ko ang like button dahil hindi naman ako madamot sa pagbibigay ng react, ganoon din naman ang ginagawa ko tuwing may mga post sa kaniyang social media ang mga malalapit sa akin. Sumunod ay dumako na ang aking tingin sa mga nagko-comment sa uploaded video niya at halos karamihan doon ay mula sa kaniyang mga pinsan.

@danreb_pogi: Makadalaw nga sa NEUST, para naman makilala ko na si ano... HAHAHA!

@Liorddaniel143: Sana pang forever na 'yan, ayoko naman na tumanda si Arjin.

@dandreb_pogi: Sino ba kasi si RA? RaRa shippers din ba 'yan? :D

Napatitig ako sa huling reply ni Dandreb, naramdaman ko ang tila kiliti sa aking tiyan, na kahit anong pilit ko na hindi ngumiti ay ramdam ko pa rin ang pagguhit nito sa aking labi. Hanggang sa mabasa ko pa ang ibang comments.

@ElaMae658: Welcome back kuya, Arjin! Na miss ko talaga mga piano cover mo. Still can't move on pa rin sa inyo ni ate Nanette.

@LaineSarmiento_D: Sheesh, kinikilig ako! Pero mas kikiligin ako kung ia-announce mo na kuya na nagkabalikan na kayo ni ate Nanette. Manifest ko na 'to.

Napagtanto ko muli na totoo ang reyalidad na hindi madaling makalimot. May mga nakasanayan na hindi ganoon kadali mabubura sa puso, at kahit sa isipan ng iba.

Maybe... my friend's right. Sometimes we are just only in love with the memories, we are still so affected by how they have shaped our lives, on how it made us so happy and contented, that whenever we think of it, our hearts go to pieces and break open again, and our mind hopes that in another lifetime, maybe we could still feel those moments again with the same person, but... is it a mistake to fall in love and create new memories with someone new?

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now