Chapter 29

53 1 0
                                    

Sa ilalim ng sikat ng araw ay magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad sa pagitan ng mga hindi ganoong kataasan ng mga puno ng mangga. Ang simoy ng hangin ay tila isinasayaw ang halimuyak ng mga bulaklak nito. Nang marating na namin ang isang parte kung saan may nakatali na duyan sa dalawang puno ng mangga na magkatapat ay kapwa umupo kami roon at bumitaw na sa pagkakahawak ng aming mga kamay para makain na namin ang aming ice cream.

"Grabe, na miss ko ito! Feeling ko ngayon ko lang na enjoy langhapin ang hangin. Armiel, salamat talaga rito pa ice cream mo."

"Well, deserve naman ng naka-outstanding sa final demonstration teaching niya ang isang ice cream date." Naibaba ko ang aking tingin sa kinakain ko na ice cream. Sa kabila ng lamig nito ay ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.

"Armiel, bakit ba palagi ka ganiyan makangiti sa akin?"

"Bakit, ano ba ang mas gusto mo? Iyong tamis ng ice cream na kinakain natin o ang tamis ng ngiti ko?" Umawang ang aking labi nang mag-angat akong muli ng tingin sa kaniya.

"Ayan ka na naman sa mga linyahan mo ah!" sambit ko sa kaniya, ngunit tinawanan niya lamang ako.

"But honestly, I really feel thankful to you Armiel. Hindi sa tinatakot kita, pero hindi talaga madali iyong journey ng pagiging isang education student lalo na sa part na ito." Tinanim ko lahat sa aking isipan ang lahat ng mga bagay na ginawa niya para sa akin. Hindi lang ang mga pagkakataon kung paano niya ako tinulungan sa preparation ko sa aking demo teaching, kun'di ang pananatili ng kaniyang presensya sa mga panahon na napapagod ako.

"Mm.. Makailan ulit talaga ako nagbreak down. Being a graduating student is so stressful. Mabuti na lang at nandiyan ka para i-cheer up ako." I smiled at him genuinely. Armiel's love is so pure that I can't really understand why Jeliah Nanette chose to let him go, despite the fact that Armiel's willing to do everything for her?

That day, I already planned to meet Joseph's parents, so I can tell them that I am ready to let go of his ashes, that I am willing to set him free and myself from all the grieving when I lost him in my life. Pero noong mga panahon handa na akong sabihin sa kaniya na mahal ko na rin siya, ay doon naman pala muling magbabalik ang unang babae na labis niyang minahal ng sobra.

"Armiel... Mayroon akong sasabihin sa iyo," pagsisimula ko nang narating na namin ang kanilang bahay. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay. Huminto siya at humarap sa akin.

"Good news ba 'yan?" tanong niya sa akin. Nangingiti ako na tumango sa kaniya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga, handa ng sabihin ang damdamin na sinubukan kong itago sa kaniya, ngunit bago ko pa iyon nasabi ay kapwa napatingin kami sa pinaka-terrace.

"Anak..." Sa gilid ni Tita Asteria at Tito Arjon ay isang babae na alam kong pamilyar sa akin, lalo na sa buhay ng lalaki na ngayon ay minamahal ko na.

Jeliah Nanette, his greatest love is now standing in front of us.

"May bisita ka," pagpapatuloy ni Tito Arjon. Bumagsak ang aking tingin sa dahan-dahan na pagluwag ng pagkakahawak sa aking kamay ni Armiel.

"Arjin!" Tila nanigas lamang ako sa aking pagkakatayo sa bandang gilid ni Armiel ng tumakbo palapit sa kaniya si Nanette at saka siya nito yinakap.

My heart ache, I don't understand why I feel like I gonna lost someone so dear to me again, dahil ba simula noong dumating si Armiel sa buhay ko, pakiramdam ko ay nakasama ko muli si Joseph o dahil alam kong may pag-asa pa naman talaga na maging sila muli ni Nanette at habang buhay na lamang akong masasaktan ng patago?

"S-Sorry..." Humiwalay siya sa pagkakayakap ay Armiel at doon ay nagtama naman ang aming tingin.

"Ahm, you must be Reign Andrea? Arjin's friend?" Napalunok ako, bumuka ang aking labi ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat na itugon.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now