Chapter 18

121 1 0
                                    

Kapwa kami natawa ni Armiel ng sabay kami na mapa-buntong hininga. Kakatapos lang kasi namin maghanap ng benches na mau-upuan pagkatapos namin bumili ng iba't-ibang klase ng street food sa mga kalapit street food stall dito sa Freedom Park Cabanatuan City.

"Dito na talaga tayo?" tanong ko sa kaniya. Tinanggal niya ang cap na kaniyang suot at saka tiningala ang matataas na puno na nasa aming bandang gilid.

"Oo, mas okay na rito kaysa sa gawi roon, maraming tao, hindi ito magmu-mukha na date." Nanliit ang aking mga mata sa kaniya.

"Biro lang, baka tusukin mo ako niyang stick sa kikiam mo."

"Ewan ko sa iyo, Armiel! Kung ako sa iyo ay hindi ako magbibiro ng ganiyan, lalo na kapag kasama natin iyong kaibigan ko na si Marielle. Alam mo naman ang isip non, simula yata ng mawala si Joseph ay umaasta na siyang si kupido para sa akin." Nag-umpisa kaming kumain, ako ng calamares at siya naman ng kaniyang chicken skin.

"Bakit? Masiyado ba tayo shini-ship ni Marielle?" Tumango ako sa kaniya, dahil kasalukuyan pa rin ako na ngumunguya.

"Hayaan mo, malay mo mag-sail." Naging mabagal ang aking pagnguya, habang siya ay patuloy lang sa pagkain. Ilang sandali ay nag-angat siya sa akin ng tingin, inalis niya ang dala niyang maliit na bag sa kaniyang bandang gilid.

"Medyo nai-initan ka riyan, dito ka oh!" Tinapik niya ang espasyo sa kaniyang gilid.

"Hindi na! Ayos lang ako rito." Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo, at gamit ang kaniyang isang kamay ay hinawakan niya ng marahan ang aking braso, kaya naman napatayo na rin ako.

"Diyan ka," sambit niya at pina-upo ako bago siya muling umupo rin.

"Ikaw, para naman kakainin kita kapag tumabi ka sa akin." Pagkatapos uminom ng kaunti sa suka na sawsawan ng kaniyang kinakain ay humarap siya sa akin dahilan upang bahagya na magkabanggan ang aming mga tuhod.

"Reigna, iyong totoo... Nai-ilang ka ba sa akin lalo na kapag ganito tayo kalapit dahil sa may hawig kami ni Joseph?" Itinabi ko muna sa aking gilid ang ang plastic cup ng maubos ko na ang calamares.

"Armiel, hindi naman ako nai-ilang sa iyo. Comfortable nga ako sa iyo, parang si Marielle ka lang din, isang kaibigan, kasi may mga problema na rin ako na nasasabi sa iyo."

"Kung iisipin ko nga lahat, simula noong una, hindi ko akalain na... may mga masasabi pala ako sa'yo na kahit sa parents' ko hindi ko masabi. That's one of the reasons why I'm so glad that you allow me to consider you as my friend."

"Hm, what if I also want to consider you more than a friend?" Walang halong tono ng panga-asar ang kaniyang boses, kaya naman nanigas ako sa aking kinau-upuan, kung hindi lamang siya tumawa, sa pagkakataon na iyon ay alam kong naloko na naman niya ako, dahilan upang mapasimangot ako at nag-umpisa naman kainin ang kwek-kwek.

"I think alam ko na ang kapalit ng panli-libre mo sa akin, at iyon ay ang asarin ako." Pagkatapos itong sabihin ay nanatili akong tahimik, kahit na ang totoo ay gusto ka lang naman talaga na humupa ang nararamdaman na init ko sa aking magkabilang pisngi.

"Gusto ko lang makita iyang pagsimangot mo, ang cute mo kasi tuwing ginagawa mo 'yan." Unti-unti ay bumalik sa normal ang linya ng aking labi. Mahina naman siyang tumawa.

Nagpatuloy kami na kainin ang mga natitira namin na binili namin, habang nagkwe-kwentuhan.

"Malapit na second sem, malapit ka na ma-stress lalo. Thesis is waving." Humalakhak siya.

"Ay, sinabi mo pa. Matinding puyatan na naman. Sigurado ako na mamamayat ako."

"Ang isipin mo na lang ay fourth year ka na next school year. Graduating ka na, iiwan mo na iyong NEUST no'n, o baka malimutan niyo na rin kami ni Ben."

"Ito naman! Ang advance mo naman mag-isip, Mr. Marquez. Hindi ako ganoon klase na tao. I value the friendship I have found with you and Ben. At saka, makakalimutan ko ba naman iyong lalaki na napaka-talented." Napansin ko ang pamumula ng dulo ng kaniyang tenga.

"Nice! Ganiyan gusto ko, walang kalimutan."

"Eh, mai-tanong ko lang Armiel, dito ka na rin ba nag-aral noon?" Umiling siya.

"Sa Manila, sa UP. Even though mayroon din naman dito sa province na related sa course na kukuhanin ko which is related sa Music, doon ako nagtake ng entrance exam, para, alam mo na... hindi ako masiyadong malayo sa kaniya. But how funny, right? Iyong ginawa mo lahat para halos magkasama kayo ng taong mahal mo habang ina-abot niyo iyong pangarap niyong dalawa pero sa dulo, tuluyan din naman kayo nagkalayo." Sa klase pa lamang ng tono ng kaniyang boses ay alam ko na si Jeliah ang kaniyang tinutukoy. Tumikhim naman ako bago muling nagsalita.

"Ahm, may kaya naman kayo hindi ba? Bakit dito ka sa public university nag-enroll?" Sandali niyang kinagat ang kaniyang pang-ibaba na labi.

"Ngunit ba may kaya sa buhay bawal na magpublic school?"

"Ano nga, para lang maka-libre ng tuition? At saka, hindi naman related sa Music ang course mo rito, ano 'yon, napilitan ka na lang mag-Education kasi wala ng choice?" Mahina siyang natawa sa aking sinabi.

"Pwede rin! Pero hindi..." Nanliit ang aking mga mata.

"Ha? Ang gulo mo naman."

"Dito na rin naman nagtapos halos lahat ng kamag-anak na ka close ng family namin. At saka, iyong sa course ko, aksidente ko lang naman napindot 'to sa portal, kaya tinuloy ko na at saka minamahal ko na rin ngayon."

"Kung hindi nga ako ng Education, baka nga hindi nagtagpo landas natin, tapos hindi tayo magiging magkaibigan."

"Sabagay, tindi rin ng kapalaran 'no?!" Nilingon ko siya, saktong paglingon niya sa akin, ngunit napansin ko ang pagbagsak kaagad ng kaniyang tingin sa aking bandang labi.

"Ba—" Bahagya pa akong napa-urong ng naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang hinlalaki na daliri sa gilid ng aking labi.

"May sauce ka pa sa gilid ng labi mo. Ikaw kasi masiyado ka madaldal," pabiro niya iyong sinabi. Napalunok ako, ramdam ko ang pagdampi ng mainit na hangin sa aking pisngi. Bagama't mainit naman ay tila ba tumindig ang aking mga balahibo, nakaramdam ako ng kung anong pitik sa aking puso na ang naging kasunod ay ang pagbilis ng tibok nito, hanggang sa kapwa na kami mapatingin sa ilang mga kabataan na lumapit sa amin.

"Hello po!" Kaagad akong napalayo kay Armiel at pinunasan na rin muli ang gilid ng aking labi gamit ang aking panyo.

"Kuya, Ate, since mag-jowa naman po kayo. Pwede po ba na maging extra-cast kayo sa video film namin, project lang po, please?" Umawang ang aking labi, at gulat akong napatingin kay Armiel ng umakbay siya sa akin.

"Sure! No problem," sambit niya pa.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now