Chapter 26

48 1 0
                                    

“Graduating ka na nga pala next year, hija..." Tipid ako na ngumiti kay Tito Philip, ganoon din kay Tita Josephine na inilapag ang isang baso na may laman na juice at isang platito kung saan nakalagay ang ilang tinapay.

"Opo, Tito..." tugon ko. Umupo naman sa kaniyang tabi si Tita.

"Ang bilis talaga ng panahon, parang dati lang ay nasa elementary pa lang kayo ni Joseph," saad niya, ngunit pansin ko ang bahid ng lungkot sa tono ng kaniyang boses.

"Pasensya nga po pala, Tita and Tito, kung ngayon lang ulit ako nakabisita. Nang mga nagdaan na buwan po kasi ay na busy talaga ako sa acads," paumanhin ko, kapwa ngumiti naman sila sa akin.

"Naiintindihan namin, Reigna. At saka, hindi naman sa amin dapat umikot ang mundo ko. We understand that it's not the same anymore. Hindi na katulad ng dati na madalas ka rito lalo na nang nabubuhay pa siya," pagsasalita ni Tito, sandali naman akong sumiim sa baso ng juice na nasa aking harapan at napa-angat muli ang aking tingin ng ang magsalita naman ay si Tita Josephine.

"We heard that you're really doing well now, hija. Minsan din na napapasyal ang parents mo rito sa amin, naikwe-kwento nila na matagal-tagal na rin simula ng hindi ka na nila masiyado nakikita na iyak ng iyak at walang malay sa puntod kung saan nakapasok ang mga ano niya." Bumagsak ang aking tingin sa lamesa.

"Tita, Tito... I-I'm sorry po. Huwag niyo po sana iisipin na nakakalimutan ko na si Joseph," I said softly, feeling the heaviness settling within me. Napatingin naman ako sa mga kamay ni Tita na bahagya na pinisil ang aking mga kamay.

"No, hija... Please, don't say that. You don't need to feel sorry for being happy. Ang totoo niyan, masaya kami na nakakausad ka na, dahil iyon talaga ang nararapat." Napakagat ako sa aking pang-ibaba na labi ng maramdaman ko ang panginginig nito.

"At Reigna, sasamantalahin na rin namin ang pagkakataon na ito para ipaalam sa iyo ang plano namin." Napatingin ako kay Tito, sumunod ay kay Tito Josephine.

"Plano? Anong plano po?" Pagkatapos nilang magpalitan ng tingin ay sabay silang tumango sa akin.

"We planned to release the ashes of Joseph..." pagu-umpisa ni Tita Josephine na siyang ikinabigla ko.

"P-Po? Pero—"

"Hija, naniniwala kami na makakatulong itong lahat sa atin, pero dahil alam namin na malaki ang naging parte mo sa buhay ng anak namin ay nais pa rin naman malaman ang opinyon mo para sa plano namin," dagdag pa nito. Tumikhim naman sa kaniyang gilid si Tito Philip.

"Reigna, gusto namin aminin ang totoo. Malaki pa rin ang parte sa puso namin ang nahihirapan sa pagkawala ng nagi-isa namin na anak. Mabigat pa rin hanggang ngayon, pero napagtanto namin na marahil mahihirapan lang din si Joseph habang nakikita kami na paulit-ulit na nalulugmok sa mga ala-ala niya." Malalim ako na napabuntong hininga, at saka hindi ko namalayan na napatulala na pala ako ng maalala ko ang sinabi noon sa akin ni Armiel.

"Tita, Tito... Hindi naman po ngunit gusto natin mag-move on ay kailangan na natin kalimutan iyong mga ala-ala ni Joseph, hindi po ba? May nakapagsabi lang po sa akin dati niyan, at sa tingin ko ay tama siya." Ngumiti sa akin si Tita Josephine.

"Reigna, we have different ways on coping our griefs. That words might be right, but there are really some memories worth to forget and not letting to enter them in your mind again, because it just gonna open the wounds you are trying to heal."

"At sa tingin namin, mas maiiwasan namin maramdaman iyong sakit kung hindi na namin iisipin pa masiyado iyong mga masasaya na ala-ala na mayroon kami kay Joseph, lalo na at masakit talaga iyong katotohanan na hindi naman na iyon mauulit pa dahil wala na siya sa piling namin." Dahan-dahan ay napatango ako at saka sinalubong na ang kanilang mga tingin.

"Tita, Tito... I-I'm sorry po, but can you still give me more time? Please?" Nagkatinginan sila at malungkot na napangiti sa akin bago tumango.

Nang gabi noong parehas na araw na iyon ay hinayaan ko lumalim ang gabi habang nakatitig ako sa larawan ni Joseph. Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga sinabi ng magulang niya, at sa huli, isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko sa aking bibig.

Hindi... Hindi pa rin ako handa.

It's still a part of summer vacation when I decided to go out of my room wearing a floral print dress while my hair is on a messy bun. Hindi ko malilimutan kung paanong tila naipit sa aking lalamunan ang hangin ng pagbukas ko nang paglabas ko ng aking kwarto ay nahagip ng aking tingin si Mama at Papa, sa kanilang harapan ay si Armiel. Hindi pa man ako nakakapagsalita nang magsalita na si Mama, bakas sa kaniyang mukha ang saya.

"Anak, manliligaw mo." Namilog ang aking mga mata, mas lalong nag-init ang aking mga pisngi nang magsalita na rin si Papa.

"Nagpaalam na itong si Armiel sa amin. Huwag ka na mag-alala anak, dahil pumapayag kami!" Ilang minuto rin ako na hindi nakakibo.

"Sige, maiwan muna namin kayo ah!" Pinagmasdan ko sina Mama hanggang sa mawala na sila sa aming paningin.

"Reigna, para sa iyo..." Naging mabagal ang paglakad ko patungo sa kaniya. Mula sa bulaklak na inilahad niya ay inangat ko sa kaniya ang aking tingin. Tumikhim ako bago magsalita.

"Upo tayo ulit?" anyaya ko sa kaniya. Ibinaba niya ang bulaklak na hindi ko tinanggap sa ibabaw ng lamesa. Nang kapwa nakaupo na kaming muli ay sinalubong ko ang kaniyang mga tingin na tila puno ng pangamba.

"Armiel—"

"Reigna, gusto ko humingi ng sorry sa iyo kung nabigla ka man, pero...hindi ko na rin kasi kaya na itago o magsayang pa ng oras." The way he looks so serious and so determined made my aches for a moment. I gulped, before continuing.

"Armiel, alam mo naman na hindi pa ako handa hindi ba? Hindi ko nga rin ako kung magiging handa pa nga ba ulit ako na magmahal at magpapasok ng panibagong lalaki sa buhay ko," mahinahon na paliwanag ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita, ngunit na nanatili ang tikom na ngiti sa kaniyang labi kaya naman nagpatuloy pa ako sa aking pagsasalita.

"H-How about you? Hindi mo na ba talaga mahal si Jeliah? Aren't you expecting anymore that maybe... one day you'll meet again and have a second time around?" Naitikom ko ang aking labi ng masambit ko na ang huling katanungan.

"Reigna, tapos na kami ni Jeliah. Minahal ko siya ng sobra, pero tanggap ko na hanggang doon na lang kami. Hindi kita liligawan kung may puwang pa rin siya sa puso ko." Nahirapan na ako makahanap ng salita, hanggang sa muli niyang iabot sa akin ang usang bouquet ng bulaklak.

I feel so many familiar feelings of having a guy who's making me feel special like this. Napabuntong hininga ako malalim at saka iyon tinanggap, ngunit puno pa rin ng paga-alinlangan ang aking kalooban.

"Armiel, ayoko na saktan ka. You know my past pain. Alam mo na hanggang ngayon may bigat pa rin sa puso ko dahil sa pagkawala ni Joseph. I want to tell you directly that I can't give you the same love you deserve, that's why I am emphasizing you the point that you can stop this or not to continue pursuing me... habang maaga pa." He looked hurt, but still manage to smile at me as usual. He move closer a little bit, before glancing back at me.

"Reigna, I understand you. But can we give this a chance? Can we give 'us' a chance?" Hindi pa man ako nakakatugon ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"And if we don't make it work out then let's stay as friends. Just a chance, Reigna..."

"A chance to rewrite those painful memories into something new?" Our eyes met, and I feel my heart's in trouble.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now