Chapter 13

151 1 0
                                    

"Pa, rito na po siguro iyon."

"Sigurado ka ba anak? Bakit kaya hindi mo muna i-chat si Marielle, o kaya si Armiel para makasigurado na rito nga kayo maggru-group study." Tumango ako kay Papa at kinuha na sa aking bag na dala ang aking cellphone.

"Pa, hindi po naka-online si Marielle."

"Si Armiel?" Umiling akong muli. Sinubukan ko rin i-text at tawagan ang cellphone number ni Marielle ngunit nagri-ring lamang ito. Hanggang sa maisip ko ang numero ni Armiel na ibinigay sa akin ni Marielle kahit na hindi ko naman iyon hinihingi.

"Sige Pa, itra-try ko." Tumkhim ako ng magsimula na mag-ring ang linya, ilang sandali lamang ay tumigil iyon at narinig ko ang malumanay niyang boses.

"Reigna, on the way ka na ba?" Bagama't nagtataka na alam niya kaagad na ako ang nagma-may-ari ng numero na tumawag sa kaniya ngayon ay tumugon na rin naman ako kaagad.

"Nandito na ako sa harap ng bahay niyo kung hindi ako nagkakamali?"

"Oh.. yeah! Nakita ko na ang kotse niyo sa harap ng bahay. Wait lang, salubungin na kita." Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang mga yapak na tila ba pababa ito ng hagdan.

"Sige." Pinatay ko na ang tawag at saka ako tumingin kay Papa na hanggang ngayon ay hindi tinatanggal ang tingin sa akin, ganoon din ang makahulugan na ngiti sa kaniyang labi.

"Pa?" Nakanguso na sambit ko, habang siya ay mahina na natawa, kasabay nito ang pagtama ng aking tingin sa bumukas na gate at doon ay nakita ko na si Armiel. Tanging plain na white t-shirt at denim short, ngunit tila pagdating sa akin ay nagliliwanag ang paligid lalo na ng sumingaw siya ng bahagya sa loob ng aming kotse at ngumiti sa akin habang ikinakaway ang kaniyang kamay.

"Good morning po, Tito." Tumango at kumaway din sa kaniya si Papa.

"Hiramin ko muna po si Reigna ngayong araw. Sabay po kami maga-aral para sa darating na exam namin." Tinanggal ko na ang aking seatbelt at akma na lalabas na ako sa may kotse ng matigilan ako sa sinabi ni Papa.

"Ayos lang hijo kung angkinin mo na." Namilog ang aking mga mata.

"Pa!"

"Nakakahiya," saad ko. Hindi na tuloy ako makatingin ng maayos muli kay Armiel.

"Sige na, Pa. Magte-text na lang po ako sa iyo kapag uuwi na ako, o kahit mag-commute na lang ako." Nangingiti pa rin sa akin si Papa bago siya tumango at lumabas naman na ako ng kotse.

Nang maka-alis na si Papa ay naiilang ako na nilingon na muli si Armiel na nasa aking tabi. At kinuha ang dalawang libro na aking hawak.

"Tara na sa loob," anyaya niya. Hindi na ako kumibo pa sa halip ay tumango at sumunod na sa kaniya.

Bago ako makapasok sa loob ng kanilang bahay ay napahinto ako sa may pintuan upang alisin ang aking sandals.

"Ano ginagawa mo?" Nag-angat ako ng tingin kay Armiel.

"Baka—"

"Okay lang kung ipasok mo na iyan, o kaya naman dito mo na sa loob itabi, bahala ka kapag may tumangay riyan." Mahina siyang tumawa. Kaya naman sinunod ko na lang ang kaniyang sinabi. Nang makapasok na kami sa loob ay tumama ang aking paningin sa isang lalaki, na kahawig ni Armiel, iisipin ko pa na kuya niya ito kung hindi lamang niya ito ipinakilala sa akin.

"Reigna, si Dad nga—"

"Thanks God! Bagong girlfriend mo anak?" Napahimas sa kaniyang batok si Armiel, ako naman ay naramdaman ang pag-init ng aking magkabila na pisngi. Lumapit ako rito pagkatapos ay nagmano.

"Good morning po. Ah, isa lang po ako sa kaibigan ni Armiel."

"Ganoon ba? Pero sana soon maging more than friends."

"Dad..." Inayos ng kaniyang Daddy ang relo sa palapulsuhan nito, nakagayak ito at tila mayroon pupuntahan. Sandali naman akong nilingon ni Armiel.

"Sandali lang Reigna ah, kukuhanin ko lang books ko sa kwarto ko. Upo ka muna." Gusto ko na sana tanungin kung wala pa ba sina Marielle at Ben, ngunit nahihiya naman ako magsalita lalo na at nandito pa ang Daddy niya.

"Dad? 'di ba po ay hinihintay ka ni Mommy doon sa bakery shop niya dahil may lakad po kayo na importante? Sige na, Dad... Take care." Napangisi sa kaniya ang kaniyang ama, habang ako naman ay tahimik na umupo na sa mahaba na sofa.

"Alright, son."

"Reigna, wait lang."

"Sige lang," sambit ko at bahagya na ngumiti at tumango sa kaniya.

Pinagmasdan ko siya sa pag-akyat niya sa ikalawa na palapag ng kanilang bahay hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto roon. Muli naman akong napatingin sa kaniyang Daddy ng magsalita ito.

"Pasensya ka na hija, napagkamalan pa kita na girlfriend ni Arjin. Ilang taon na rin kasi simula ng may maging bisita siya na babae, noon kasi kung hindi kamag-anak namin o pinsan niya ay si... Jeliah." Nilaro ko ang aking mga daliri at saka umayos ako ng pagkakaupo at tuluyan ng itinuon ang tingin sa kaniyang Daddy.

"I just missed my son doing his hobby. I missed hearing those pieces he's playing through the piano." Napa-isip ako, na alala ko ang mga sekreto na ibinahagi niya sa akin noon sa taas ng rooftop sa apartment kung saan kami tumutuloy sa Sumacab. Hindi ko malilimutan ang dahilan kung bakit itinigil niya ang pagtugtog ng piano, at alam ko ang babae na may pangalan na Jeliah ang dahilan nito.

"Siya nga pala, aalis na ako hija. Pupunta pa kasi kami sa police station." Nagtaka ako kung ano ang gagawin ng kaniyang magulang doon. Ngunit kung hindi ako nagkakamali ay marahil may kinalaman ito sa kaso ng pagkaka-hit and run sa kaniyang ama, na isa sa mga nasabi niya sa akin.

"Sige po, ingat po kayo." Nang makaalis na ang Daddy ni Armiel ay napatitig ako sa lamesa na nasa aking harapan at unti-unti ay naramdaman ko ang pagguhit ng ngiti sa aking labi ng sumagi sa aking isipan ang nangyari noong mga nakalipas na araw kung saan ipinarinig niya sa akin ang record ng himig ng isang musika na ayon sa kaniya ay resulta ng muli niyang paggamit ng piano. Sa muling pagkakataon, pakiramdam ko ay mayroon nagparamdam sa akin na espesyal ako pagdating sa kaniya.

Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay pababa na ng hagdan, habang ang kaniyang kaliwa na kamay ay hawak niya ang dalawang libro, at sa isang kamay naman ay ang kaniyang cellphone na bago siya tuluyan makababa sa hagdan ay itinago niya na sa kaniyang bulsa.

"Hindi raw makakapunta si Ben," saad niya ng makalapit na sa akin, kasabay nito ang pag-vibrate ng aking cellphone at doon ay tahimik ko binasa ang message sa akin ni Marielle, kung saan nakasaad na may emergency daw na nangyari at hindi rin siya makakapunta.

"Shit..." bulong ko sa aking sarili.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Where stories live. Discover now