Chapter 20

103 1 0
                                    

"Arjin, napanood ko new upload mo na piano cover ng kanta ng 'Until I Found You' ah! Galing mo roon. Nakaka-in love," sambit ni Marielle pagkatapos ay humalakhak.

"Ako nga nagulat ng nagpop-up sa screen ko na may new upload ka. Mabuti at hindi mo nalimutan iyong email at password mo roon? Katagal mo rin tumigil, don't tell me... Nagkabalikan ba kayo?" Sa tanong na ito ni Ben para kay Armiel ako napa-angat ng tingin.

"Gosh! Totoo, Arjin? Kayo na ulit ng ex girlfriend mo?"

"Tsk! Mga sira, hindi!" tugon niya.

"Eh sino ba kasi iyong 'her' doon sa kanta mo?" tanong ni Marielle, at makahulugan niyang iginawi sa akin ang kaniyang tingin, na naging dahilan din marahil kung bakit tumingin sa akin si Armiel.

"Luh? Si Reigna? Itong beshy ko ba ang dahilan kung bakit napatugtog ka ulit ng piano?" kinikilig na wika ni Marielle, umangat naman ang aking kaliwa na kilay.

"Imagination mo naman, Marielle. Pakilagyan ng limit, okay?" Ang klase ng pagsalubong ko sa tingin ni Armiel ay may ibig sabihin na huwag na lang pansinin kung ano ang mga sinasabi ni Marielle. Ganoon pa man ay hindi ko napigilan na magtanong.

"Napanood ko rin iyong new upload mo, Armiel. In fairness, wala pa rin kupas iyong talent mo," sabi ko sa kaniya at saka ngumiti, sumingit naman muli si Ben sa usapan.

"Sinabi mo pa! Kahit iyong mga pinsan niya ay nagkakagulo sa comment section. After years of not playing a piano because of your break up? Pang-international pa rin ang galing mo p're!" Mahina na tumawa si Armiel, pansin ko na nasa aking gawi pa rin ang kaniyang tingin.

"Hindi naman kasi after years nang sinubukan ko ulit." Namilog ang mga mata ni Marielle, kung kanina ay nasa aking bandang gilid siya ngayon ay nasa gitna na namin siya.

"What do you mean? Hala! Curious talaga ako. Feeling ko ay in love itong kaibigan natin, hindi ba, Reigna?" Bahagya na naningkit ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha, ngunit malinaw pa rin sa akin ang malalim na tingin sa aking ng mga mata ni Armiel.

My heart feels like there's something different the way he looks at me. Like the sparks in his eyes tells more than his words. Naita-tanong ko sa aking isipan na posible kaya na may kahulugan ng mas malalim pa sa pagiging kaibigan ang kaniyang pakikitungo sa akin o pakiramdam ko ay may espesyal na siyang nararamdaman sa akin dahil lang sa malaya niyang nasasabi sa akin ang lahat ng ala-ala na mayroon siya para kay Jeliah na hanggang ngayon ay tiyak na laman pa rin ng kaniyang puso at isipan?

"Hoy, Reigna?" Ipinilig ko ang aking ulo.

"H-Ha, ano 'yon?" Unti-unti ay lumapad ang ngiti niya at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Armiel. Ipinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang bandang dibdib at saka kami pinanliitan ng kaniyang mga mata.

"Kayo ah! Anong tinginan 'yan?" Napanguso ako at napa-irap.

"Ewan ko sa iyo, Marielle! Let's not make it a big deal okay? Armiel can play piano again at anytime he wants. It's his hobby, maybe, his comfort. Whatever his reasons, nagkabalikan man sila ni Jeliah o in love siya sa iba, suportahan na lang natin siya," sambit ko, pagod na sa pagtanggi sa mga panunukso ni Marielle.

~

I gently caress Joseph's tombstone.  I stare at it for several long minutes before I took a heavy sighed. It's too heavy that it feels like  it is pulling me down.

There's still no days that I am not missing him. 
Bagama't hindi na katulad ng dati na tuwing naa-alala ko siya ay kasabay nito ang pagtulo ng aking luha, ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit ng kaniyang pagkawala sa aking buhay.

"Joseph..." Bahagya na nangunot ang aking noo dahil sa mainit na hangin na umihip na may dala na ilang buhangin.

"Sa tingin mo ba, kaya ko pa magmahal ulit?" tanong ko, kahit na alam kong wala naman akong sagot na makukuha mula sa kaniya. Kalaunan ay mahina akong natawa.

"Bakit ko ba iyan tinatanong? Of course, I can't anymore. Sinabi ko naman kasi sa iyo noon na ikaw lang, na kahit anong mangyari, hindi kita papalitan sa puso ko," bulong ko sa aking sarili at napatingin sa kaulapan ng matabunan ng mga makakapal na ulap ang araw.

Lumipas ang mga araw, mas naging busy kami dahil mayroon na kaming Research. Kahit paano ay mayroon naman na kaming background about dito, dahil na rin sa isa ito sa mga na- tackle noong Senior High School pa lamang kami, ngunit heto pa rin kami at prino-problema ang mga dapat na gawin.

"Grabe naman kasi si Ma'am, gusto this week my proposal na tayo, tapos next week chapter 1 and 2 na agad ang ipapasa, samantalang hindi man lang siya nagpaliwanag ng kaunti, makakain ba natin iyong puro lesson niya sa mga PDF na sine-send niya?" Habang kanina pa naglalabas ng sama ng loob si Marielle ay kanina pa ako nakatitig sa aking laptop.

"Ang ingay mo, Marielle. Mag-isip ka na lang din ng pwede natin title, iyong hindi mare-reject para sure na makakapag-proceed na rin agad tayo sa Chapter 1 and 2," pagsingit ni Elizabeth, habang nahagip ng aking tingin ang isa kong ka-grupo na si Mike na kunot ang noo habang tutok sa ML. Hindi ko pa naibabalik ang aking tingin sa laptop ko nang tumayo si Ricky.

"Reigna, bibili lang ako ah?" Napahimas ako sa aking sintido at tumango na lamang.

Ngayon ay para akong zombie na naglalakad sa pathway palabas ng campus. Nauna na sa akin umuwi kanina si Marielle dahil araw-araw pa rin ang biyahe niya, at ako naman ay nagpapalipas pa ng oras sa library bago magtuloy sa apartment ko na tinutuluyan dito sa Sumacab nang bahagya ako mapatalon ng mayroon kamay na pumatong sa aking balikat.

"Baka akala mo pathway pa rin iyong poste." Napatingin ako sa aking bandang gilid at bumangad sa aking ang masiyahin na mukha ni Armiel. Dalawang araw ko rin siyang hindi napansin.

"Ikaw pala! Hindi ba ay maaga ang uwian niyo tuwing ganitong araw, bakit hapon ka na ngayon?" tanong ko sa kaniya, inayos naman niya ang kanan na strap ng kaniyang bag at bahagya na pinasadahan ang kaniyang buhok.

"Hinintay kita." Hindi ko inaasahan ang kaniyang naging tugon.

"Ha? Bakit?" He chuckled, as he nodded.

"Pansin ko lang na ilang araw na tayo hindi nagu-usap. Hindi nga rin tayo nagkakatagpo roon sa apartment. At saka naga-alala lang ako sa iyo." Itinuon ko muli sa daan ang aking tingin, habang nilalaro ng aking kamay ang lace ng aking ID.

"N-Naga-alala?"

"Noong isang araw nakita ko kayo ni Marielle pero siya lang ang kumaway sa amin ni Ben. Kaninang umaga naman mukhang kulang ka sa tulog. Nakita kita sa canteen nang lunch time, muntikan mo na mabunggo iyong tindera na may hawak na tray ng mga napagkainan ng plato." Mahina akong natawa at napalingon muli sa kaniya.

"Paano mo napansin lahat ng iyon sa akin?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang titig niya diretso sa aking mga mata, na akala mo ay pinapasok noon ang aking kaluluwa.

"I actually don't know, but they say it's  just normal."

"Ang alin?"

"To notice that one person in the midst of the crowd because she's special enough to capture your eyes," tugon niya sa aking katanungan. Nang oras na mai-proseso ko iyon sa aking isipan, ay doon na ako mas lalong nagulahan sa aking nararamdaman.

Rewriting Memories (NEUST Series #5) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon