Heiress 69: Trust Me

8 0 0
                                    

Heiress 69

Irene's POV

"May problema ba?" tanong ni Elijah habang nagda drive

"Wala naman." Sabi ko at umiling

"Bakit kaya bigla akong napare assign sa Auryman? May ginawa ka 'no?" sabi nya at tumingin sakin

"Tingin mo naman meron kaming impluwensya sa pulis." Natatawang sabi ko

Kami wala, sina Rossette meron.

"Sabagay, tingin ko mas mabutin narin na nasa Auryman ako para makakasama kita." Sabi niya at nginitian ako

"Lilipat ka na rin ng apartment?" tanong ko

"Oo, malayo rin kasi yung apartment ko dito sa Auryman, hindi praktikal." Sagot niya

Dalawang step agad ang naggawa ni Rossette sa loob ng isang linggo, nung isang linggo lang nya sinabi yung plano samin pero ito na agad, nangyayari na.

"Pansin ko lang, ba't ang tahimik mo ngayon?" tanong nya

"Wala. Medyo may problema lang sa family business." Sagot ko

Hindi naman ako nagsisinungaling dahil unang-una family business parin naman yung Mafia Business namin. Illegal nga lang.

"Elijah, may itatanong ako, pero h'wag kang mag-ooverthink ah." Sabi ko

"Alam mo kinakabahan ako sa sinasabi mo." Sabi nya

"May itatanong lang talaga ako sa'yo." Sabi ko

"Sige na nga. Ano ba yun?" sabi niya

"Ako dapat magtatanong tapos nagtanong ka." Sabi ko kaya nagkatawanan kami

"Sige na, itanong mo na." Sabi nya

Sasagot na sana ako nang magring ang cellphone ko. Si Jess yung natawag.

[What's up, Bitch? Have you asked him na?] bungad nya

"Tingin mo? Ba't ka ba biglang tumawag?" sagot ko

[Oh, as expected, hindi mo kaya.] sabi nya

"You think it's easy?" tanong ko

[In my situation, yes, but in yours and Chelsea's? I doubt it'd be anything close to easy.] sabi nya

"Alam mo naman pala e. Yung kay Chelsea, kumusta?" sabi ko

[Well, I've called her earlier and like you, she didn't have the courage to ask it.] sagot nya

"Malamang. Sating tatlo yun ang pinkamahiyain, kung ako nga nagdadalawang isip, sya pa kaya." Sabi ko

[All I can say is, goodluck.] sabi niya

"Thanks. Bye." Sabi ko at ibinaba ang tawag

"Hindi naman kayo magkakaklase pero para kayong may iisang assignment na gagawin." Sabi ni Elijah kaya napailing ako

Kung alam mo lang, Elijah. Iisa lang talaga assignment namin.

"Kumusta pala pag-aaral mo? Hindi ka na tinatamad?" tanong nya

"Hindi na. Magte-take kami ng acceleration test." Sabi ko

"Acceleration test? Magpapa accelerate kayo? Bakit e diba apat na buwan nalang naman?" tanong nya

"Kailangan na e." Sabi ko

"Hindi ka ba mape pressure nyan?" tanong nya

"Hindi. Matagal na talaga kasi namin pinagplanuhang magkakaibigan na magpapaaccelerate kami, ang totoo nyan, accelerated na kami sa New Jadecry, tapos nung dumating kami dito napagdesisyonan ni Lavalee na mag-aral kami ulit." Sabi ko

Heiress (Hanazono Series #2) [Completed]Where stories live. Discover now