Prologue

747 27 16
                                    

For the past five months, The New Emperor of Southwest Land successfully fulfilled her rights to be worth it in the throne

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

For the past five months, The New Emperor of Southwest Land successfully fulfilled her rights to be worth it in the throne.

She silenced her critiques using her own methods.

The people loves her and truly admired. Wala na silang mahihiling pa sa kaginhawaang natamasa nila. Nabura sa kanilang isipan ang mga ginawa ni Lunar sa kanilang lupain. Tinakpan ng bagong emperor ang madilim nilang nakaraan gamit ang mabuti niyang pamumuno.

But the true calamity of her reign will be arrive. This is the beginning for the worst future in Southwest Land, a war between Empires.

Will the mightiest ghost in the realm overcame the war?

She's not the only Emperor who can conquer the land.

There are many rulers stronger than her.

SA LUGAR ng East Land, ang kalangitan dito ay nababalutan ng salamangka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SA LUGAR ng East Land, ang kalangitan dito ay nababalutan ng salamangka. Makakakita ka ng malalaking magic circle na nagbibigay proteksyon sa kanila. Ang kapital dito'y natatangi sa inprastraktura dahil gawa ito sa natural na bato at marmol. Matibay ito dahil ilang dekada na itong nakatayo. Hindi lang sila kilala pagdating sa mahiwagang lugar, marami rin silang tinatagong katangian na tiyak na kaiinggitan ng karating lugar.

Bulubundukin ang isa sa pinagkukunan nila ng yaman. Nakakakuha dila rito ng iba't ibang klase ng bato na nabebenta nila sa mataas na halaga. Dahil sa kanilang yaman, ang maliit nilang populasyon sa militar ay kanilang naparami. Nakakaakit ang kanilang malaking salapi sa mga mercenaries mula sa iba't ibang lugar. Sa simpleng paglayog nito, isa sila sa may pinakamalakas na hukbomg sandatahan sa mundo.

Wealth, Fame, and Power, balanse ito sa kanila. Ngunit may isa lamang silang problema, maliit ang kanilang lupain. Ang karatig imperyo ay hindi nila mabilhan ng lupa dahil mayayaman at malakas din ito kaya wala ng halaga sa mga ito ang ibabayad nila. Hanggang sa napilitan silang maghanap ng lupain kahit na malayo sa kanilang lugar. Ang unang napukaw ng atensyon nila ay ang Southwest Land. Sapat na ba iyong dahilan para sugurin nila ang lupaing napakalayo sa kanila? Hindi pa rito nagtatapos ang lahat.

Sa isang malawak na silid sa palasyo ng Eastern Empire, nakadungaw sa malaking bintanang gawa sa salamin ang isang lalakeng nakatingin sa malayo at nakamasid. May hawak siyang babasahing baso na may lamang wine. Malalim ang kanyang iniisip at hindi na niya napansin ang pumasok sa kanyang silid.

Ang pumasok na matandang lalake ay niluhod ang kaliwang tuhod at yumuko.

"Kamahalan, hinahanap na po kayo ng inyong mga opisyal."

Humarap ang lalake sa matanda. "Wala akong panahon para harapin sila."

Siya si Arkish Urduja o mas kilala sa Ark, The Emperor of Eastern Empire. Makisig ang katawan nito at itim ang buhok. Natatangi ang suot nitong itim na pauldron at may harness sa dibdib. Wala siyang suot na damit kaya ang kanyang kakisigan at ang bahaging tiyan na may six pack abs ay lantad. Sa kanyang likuran, nakabagsak ang pulang roba. Ito'y abot hanggang sahig at ang pang-ibaba namang kasuotan ay kulay itim. Ang panyapak ay kulay itim na boots na umaabot hanggang sa ibaba ng kanyang tuhod at nababalutan naman ang kanyang bisig ng black arm guard.

Hindi rin magpapahuli ang kagandahan niyang lalake na bagay sa kanyang suot na Imperial Crown. Walanag dudang marami ang kababaihang mahuhumaling sa kanya.

"Nais po nilang malaman ang plano niyo sa Southwest Land," mapagkumbabang saad ng matanda na Prime Minister ng Eastern Empire.

Biglang yumukom si Emperor Ark na dahilan nang pagbasag ng hawak niyang basong may laman na wine. Dumilim ang kanyang ekspresyon at tumingin sa labas ng bintana.

"Ang hayop na si Lunar, binigo niya ako!" singhal niya at nagsimula siyang maglakad. Mahina niyang hinagis ang roba dahilan para umangat ito at lumapat ang dulo sa sahig. "Ipatawag mo ang pinuno ng unibersidad sa ating lupain."

Sumabay sa paglakad ang Prime Minister at yumuko. "Masusunod po." Nawala ito nang parang bula sa sillid.

Natatamaan ng sikat ng araw ang katawan  ng emperor mula sa bintana ngunit hindi nito naliwanagan ang madilim niyang mukha.

"Kung hindi ko sila madadaan sa dahas, gagamitin ko sila ng paraang hindi nila matatanggihan," sambit niya sa sarili at ngumisi.

Ang pagkabigo sa kanyang plano ay mas lalong umusbong ang pagnanasang mapabagsak ang Southwest Land. Nais nila ang lupain na ito at ang tinatago nilang alas na hindi nila sinasapubliko. Gusto niya itong makamtan kahit ano pa ang mangyari. Nais niya itong mapasakamay upang maghari sa buong mundo.

Napalingon ang Emperor sa pintuan nang maramdaman ng kanyang magic sense ang mabigat na awra sa labas ng kanyang silid.

"Nariyan ka na pala. . ." Pumasok ang kanyang mga bisita at niluwa nito ang lalakeng nangingnig at hindi mapakali na pumasok sa silid. "My cousin, Diego Ceasar."

Tiningnan niya ang bisita niyang si Diego Ceasar mula ulo hanggang paa. Nasa Eastern Empire na siya, apat na buwan na ang nakakalipas. Nang malaman niyang ang tinangkaan niyang mamatay ay isang Emperor, agad siyang umalis para maligtas ang kanyang buhay. Sinabi ng kanyang ama na siya'y may kapatid na babae sa Eastern Empire at iyon ay ang ina ni Arkish.

Matagal na siyang narito ngunit hindi siya pinahintulutan na makita ang Emperor. Saka lang siya pinayagan noong sinabi niyang may alam siya sa Emperor ng Southwest Land.

"Anong impormasyon ang malalathala mo sa 'kin, Diego? Hindi na kita kailangang galangin dahil wala kang mapapatunayan sa akin," Nandilim ang mga mata ni Arkish ngunit nanatiling nakangiti ang kanyang bibig. "Nakadepende sa sagot mo kung papahintulutan kitang manatili sa nasasakupan ko."

Nangilabot sa takot si Diego at nanginig na ang buong kalamnan. Kahit na nakangiti ang Emperor sa kanya, hindi naman nagkakamali ang kanyang pakiramdam na siya'y pusa lang sa harapan ng isang liyon.

"A-alam ko ang mukha ng Emperor ng Southwest Land na. . . tinatago nito at kaya k-kitang bigyan ng impormasyon mula sa S-Southwest Land, Ark," utal na tugon ni Diego.

"Don't call me by our blood related title. Pay respect to me, you imbacile!" singhal ng emperor na mas lalong kinatakot ni Diego.

"P-patawad po, your highness."

Tumalikod si Emperor Ark at dumungaw sa bintanag gawa sa salamin.

"Dahil may silbi ka naman kahit papaano, manatili ka rito. Huwag kang magkakamaling biguin ako dahil alam mo ang kakahitnan mo kapag pumasok ka sa lungga ng kalaban niyo."

"A-as you wish, your highness!" Yumuko si Diego at dali-daling umalis. Binuksan niya agad ang pinto at bago makalabas, may humarang na makisig na lalake sa dadaanan niya. Dahilan para mahina siyang tumalsik at mapaupo sa sahig. Napa-aray siya sa sakit at tumingala para makita kung sino ito. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makilala ito.

Naramdaman ni Emperor Ark ang malakas na mana sa likuran niya. Pagtingin niya rito, nakita niya ang isang lalakeng hindi pinagkaitan ng kagandang tao dahil sa kisig nitong katawan. Kulay asul ang buhok nito at maputi ang balat. Natatangi ang kulay kalangitan niyang mga mata at nag-iisang gintong hikaw sa kanang tenga.

Napangiti ang emperor na nakalimutan ang presensya ni Diego.

"Welcome to my realm, Lord of Ice."

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now