Chapter 2

452 20 0
                                    

Chapter 2: Exchange Students

DUMATING ang araw ng pagpupulong at ito'y magaganap sa palasyo ng Mount Olimpus. Ang mga hari't reyna sa iba't ibang lugar ng Southwest Land ay malugod silang tinanggap ng Mount Olimpus na may kaunting selebrasyon.

Binaybay ng mga hari't reyna ang lupain ng Mount Olimpus gamit ang kanilang mga panghimpapawid na panlakbay; griffin, flying carriage, pegasus, and big birds. Nang makatapak sa batan, sinalubong sila ng mga mamayan na nagtipon para makita ang kanilang paboritong pinuno. Naghagis pa sila ng ilang confetti at humihiyaw kapag nakantagpo ang mga mata sa mga gwapo o magandang hari't reyna.

Ang nangunguna sa prusisyon ay ang King of Harold Kingdom na si Julyo Harold. Nakasakay siya sa pegasus at ang kanyang mga kawal ay pinapaandar ang karwahe na may lamang pasalubong sa emperor. Sa likod niya naman ay ang King of Harald Kingdom na si Junyo Harald. Kapag ang ilang mga dalaga ay napapagawi sa kanya, nahihimatay ito sa sobrang liwanag ng kagwapuhan niya.

Sumunod naman sa dalawang hari ay ang Queen Regnant of Boris Kingdom na si Barbara Boris. Makisig ang katawan nito na hinahangaan at tinitingalaan ng mga taong nakakasalubong nila.

Hindi naman magpapahuli ang batang hari sa Southwest Land na si Zhel Tenz Hakkun, The King of Hakkun Kingdom.

Kalmado namang sumama sa prosisyon si Deric Frederica, The King of Frederica Kingdom. Kabaligtaran niya si Cleorio Star-Dust, The King of Star-Dust Kingdom. Todo ang pagtili ng mga kababaihan sa kanya at minsan pa'y kinikindatan niya ito.

Taas noong nakaupo sa griffin si President Vladimir mula sa Demi-Human City. Magandang lalake ito ngunit wala siyang intensyon sa kasikatan sa ibang tao.

Hindi naman magpapahuli ang Olga Kingdom. Hindi nakilahok ang hari dahil ito'y may sakit kaya ang kanyang anak na si Princess Haruna na lamang ang nakilahok. Nakakabighani ang ganda nito na ngayon lamang nakita ng mga tao. Nakatulala lang silang nakatingala habang sinasamba ang ganda nito.

Ang huli na hindi mangiti na si Jozwell Anastasia, The King of Anastasia Kingdom. Nahihiya siya sa sarili at iniiwasan ang mga masamang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. Hanggang ngayon, nakabaon pa sa isipan ng mga tao ang ginawa niya noong Lunar Tournament. Ayaw man niyang pumunta rito, wala siyang magagawa. Mas magiging masama ang imahe niya kung siya'y tatanggi.

Sa bawat prosisyon ng mga hari't reyna, sa likof nila ay may karwahe. May mga tao ritong hindi pinapansin ng mga mamamayan. Ang hindi nila alam, sila ang importanteng diskusyon sa araw na pagtitipon.

Nang makarting sila sa Imperial Palace, dumiretso sila sa silid pagpupulong. Natatangi ang mahabang lamesa rito at mga upuang pare-parehas na magarbo, gawa ito sa ginto at marmol. Ang bawat isa sa kanila ay hindi nagpatalo sa kasuotan. Ito ang unang pag-imbita sa kanila ng Emperor kaya pinaghandaan nila ng sobra-sobra.

Natahimik sila nang bumukas ang pintuang may dalawang pinto at niluwa nito si Emperor Elaine. Nakasuot ito ng puting mahabang gown na budbod ng makikintab na bato at kapansin-pansin fin ang mga alahas na pinagmamalaki ng kanilang lungsod. Takaw-tingin ang Imperial crown sa kanyang ulo at maskarang nagpapatago sa katauhan nito. Sapat na ang presensya para masabing nakakaangat ito sa kanila.

Naramdaman ng mga hari't reyna ang nakapapangilabot na awrang nakapalibot sa Emperor ngunit tinago nila sa mga ngiti ang takot at pagkamangha. Tumayo sila at yumuko habang naglalakad ang Emperor papunta sa upuan nito. Nang makaupo ay siyang upo nila.

Lumitaw sa tabi ni Emperor Elaine si Prime Minister Yel kasama si Ginoong Belgami, The Dean of Olimpus University. Hindi nakikita sa kanyang mukha ang matandang edad. Nakasuot ito ng kulay abong tuxedo. May kaunti itong balbas at medalyang nakakabit sa bandang dibdib.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now