Chapter 3

446 25 11
                                    

Chapter 3: Adopted Daughter of Countess 

ALIGAGANG inayos ni Pinunong Sol ang mga gamit na dadalhin ni Elaine pagpunta sa Eastern Empire.

"Kalmahan mo lang, Pinunong Sol. Hindi naman ako nagmamadali," mapait na sambit ni Elaine.

"Kailangan mong mauna sa Eastern Empire para walang maghinala na mula ka sa Southwest Empire," tugon ng matanda.

Hindi na lang sumagot si Elaine at humarap na lamang sa salaming kita ang kabuuang repleksyon niya. Napangiti siya dahil sa bistidang itim na suot niya, malayong-malayo sa gown niyang pananamit na nakakakuha ng atensyon ng iba. Hanggat kaya niya, iiwasan niyang matago ang kanyang katauhan para malaya siyang makapaggala ng hindi nakikilala ng iba. Isa rin sa dahilan ay ang sawa na siyang maging takaw-mata ng iba. Mula noong CEO hanggang sa maging emperor, usap-usapan na siya ng karamihan. Dahil kilala ang katauhan niya noon, hindi siya makahinga sa mga taong uhaw sa maliliit niyang impormasyon. Ngayon na may pagkakataon siyang mabaligtad ito, nakakagala na siya ayon sa kanyang inaasam na kalayaan.

Dahan-dahang umikot si Elaine at napangiti nang hindi makilala ang sarili. Maitim na ang kanyang buhok ngayon dahil sa mahiwaga niyang singsing at may bangs itong natatakpan ang kabuuan niyang noo. Namumukod tangi ang hikaw niyang kulay ginto sa kanang tenga at singsing na kumikintab kapag nasisinagan ng liwanag.

Mukha akong side character, pagkakausap niya sa isipan at mahinang natawa. Pansinin kasi ang kulay puti niyang buhok dahil ito'y kakaiba.

Saktong-sakto sa pagiging side character ang hindi maging pansinin. Maaari rin kaya akong maging pulubi? 'Yong character na mamamatay agad sa kwento? O iyong inaapi lagi? Mukhang masayang maging side character. Magdagdag kaya ako ng malaking salamin? Hmm. . .

Natigilan si Elaine sa pag-iisip. Tumingin siya sa gilid at lumitaw dito si Yel na nilagay ang kanang kamay sa dibdib at yumuko bilang paggalang.

"Kamahalan. May bisita po-" Napatigil si Yel at sumabat si Elaine.

"Maaga pa, Yel. Kailangan ko pang mag-ayos bilang NPC."

"NPC?" takang tanong ng matanda.

Napahimas na lang si Elaine sa kangang batok.

Nakalimutan ko. Wala pa lang may alam sa character na 'yon, sa isip-isip niya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang maramdaman ang paglitaw ng malakas na mana sa bandang likod niya. Lumingon siya at nakita si Guardian Mikhail na kasama si Kloro.

"Non-Playable Character ba ang tinutukoy mo?" nakangising sambit ni Mikhail. Naglakad ito at huminto sa tapat ni Elaine.

"Bakit alam mo ang ibig sabihin no'n?" takang tanong ni Elaine.

"Malalaman mo kung mag-uusap tayo ngayon."

Tinitigang mabuti ni Elaine si Mikhail. Muli, kinausap niya na naman ang sarili sa isipan, Sa mundong ito, wala silang alam sa teknolohiya. Wala rin silang alam sa kung paano pa mapapaunlad ang lupain at nakaasa lang sila sa kanilang mahika. Kung gano'n, malabong malaman ni Mikhail ang kahulugan ng NPC. Pang-games lang iyon sa nakaraan kong buhay.

Maikling ngumiti si Mikhail. "Nakaburda sa mukha mo ang kuryosidad tungkol sa kung paano ko nalaman 'yon. Kaya ako narito para kausapin ka tungkol sa mahalagang impormasyon ng tayo lang dalawa."

Pinanliitan ng tingin ni Elaine ang guardian. "Pinunong Sol at Yel? Maaari niyo ba kaming iwan?" utos niya na agad namang sinunod ng dalawa.

"Kloro. Iwan mo rin kami ng Emperor," utos naman ni Mikhail. Yumuko si Kloro bago naglaho ng parang bula sa tabi niya.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now