Chapter 16

276 21 4
                                    

Chapter 16: Home

NILIBOT ni Elaine ang kastilyong pagmamay-ari ng Pamilya Aguilar. Napapalibutan ito ng ilang mga nagsasanay na knights sa pangangalaga ni Count Wiliam at siguradong ang pamayanan na hawak nila ay ligtas at payapa. Kasama si Jeremy sa mga knight na nakikipagduwelo sa espadahan at layunin niyang sumunod sa yapak ng kanyang ama na isang magiting na knight sa Pearl Kingdom. Si Elaine naman ay may mga kailangang gawin bilang bagongt myembro ng pamilya. Bilang isang lady ng kastilyo, siya naman ang susunod sa yapak ng countess. 

Habang minamanman ang kastilyo, nakasunod lang sa kanya ang tatlong mayari na sinasamba siya. Pagkatapos no'n, bumalik siya sa silid at nagtulog ulit. Inuubos niya lang ag kanyang oras dahil tapos na ang dapat niyang asikasuhin. Nakapagpadala na ng liham si Countess Ciana na nais niyang agad-agad na bumalik ang tugon ng liham. Hindi iyon maaari at sinabi na tatlong araw o higit pa ang hihintayin. Kaya wala siyang magagawa kung hindi'y sundin ang susunod na plano kung bakit siya naparito sa Pearl Kingdom.

Nabagot lang si Elaine at nagpahinga na lamang. Kinabukasan, nagpaalam na si Elaine na magbabakasyon sa kamag-anak niya sa Pearl Kingdom. Walang pumigil kahit nais na sumama ni Jeremy.

"Babalik din ako sa ika-apat na araw," sambit ni Elaine na kasalukuyang nasa tapat na siya ng  karwahe. Nasa labas sila ng kastilyo at kasama niya sila Jeremy at ang mga magulang nito. Gumawi siya kay Cahira na katabi sila Rain at Summer.

"Alagaan niyo ang kastilyo habang wala ako," nakangiti niyang utos na kinaluha nila Rain at Summer. Binilinan niya na kagabi si Cahira at pumayag itong maghiwalay muna sila saglit. Siya ang nakaatas na bantayan ng mabuti ang peke nitong pamilya na pinangako niya sa kanila.

"Mag-iingat kayo," paalam ni Jeremy.

Kumaway lang si Elaine at pumasok na sa karwahe. Umandar ito at hindi na binalingan pa ang Pamilya Aguilar. May mas kailangan siyang pagtuunan ng pansin at ito ay ang makauwi sa totoo niyang tahanan. Mas lumawak pa ang kanyang ngiti dahil nasasabik na siyang makita ang kanyang pamilya.

Nang makalayo-layo sila sa kastilyo, isang pigura ng lalake ang sumulpot sa tapat na upuan ni Elaine. Unti-unti itong humulma bilang isang makisig na lalake na nakauniporme pa. Isa siya sa dati nilang kaaway ngunit kaalayansa na nila. Malapit ito sa guardian at pinagkakatiwalaan pa.

"They're waiting for you, your majesty," panimula ni Krolo na nakadekwatro na nakaupo.

Huminto ang sinasakyan nilang karwahe atsaka sila lumabas. Patalong bumaba ang coachman na si Twilight pala.

"Mauna na kayo, ipapaalaga ko muna ang mga kabayo ng karwahe malapit sa nayon," mungkahi ni Twilight na kinatango ng dalawa.

Hinawakan ni Krolo si Elaine at sa isang iglap, napunta sila sa isang magarbong silid. Ito ang inalagaan at nilinisan ni Elaine, sarili niya itong kwarto na tinutulugan nila ni Cielle.

"Ate!"

Napalingon si Elaine at nakita ag tumawag sa kanyang sila Cielle at Jacobe. Tumakbo itong pumunta sa kanya at nakaabang ang mga kamay nito para yakapin siya.

Ngumiti sa kaginhawaan si Elaine nang makita ang dalawang kapatid at ang mga magulang nitong nakatingin lang sa kanya.

"I'm home," sambit niya bago yakapin ng mahigpit ang dalawang kapatid.

"Kumusta ka naman, anak?" tanong ng kanyang ina na si Helena, "Gutom ka na ba? Tara kain na tayo. Hinandaan ko ang pagbabalik mo."

"Nasaan si Kuya Joziah?" tanong niya at kumawala sa pagyakap sa mga kapatid.

"Abala sa pag-aasikaso ng bago niyang dukedom," sagot ng kanyang ama ni si Duardo at ngumiti. "Mamaya siya pupunta rito. Magpahinga ka na muna."

Sabay-sabay silang naglakad paalis ng silid at sinalubong sila ni Pinunong Sol at Prime Minister Yel. Yumuko ang mga ito at binati ang pagbabalik niya.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now