Chapter 5

376 21 0
                                    

Chapter 5: Exclusive Allies

SA GITNANG bahagi ng kagubatan, may isang dalagang kaharap ang isang ginoong may hawak na espadang gawa sa purong metal. Ang dalaga ay may suot na puting bestida, spiral gold strap sandals, at sa magkabilaang pulso ay may posas na may lawit na sirang kadena. Ang dalaga ay maikli ang kulay itim niyang buhok na hanggang balikat at may bangs na nagpapatago sa kanyang noo. Ang mga mata niya ay purong itim. Ang makapal niyang kilay at pilik mata ay nagmistulang nilagyan ng eyeliner.

Ang ginoo naman ay malawak na nakangiti na animo'y payaso. Ang edad niya ay nasa 30's. Siya ang pinuno ng mga bandits at may ilang peklat na makikita sa leeg at mukha nito— tanda ng karanasan niya sa pakikipaglaban.

"Anong magagawa ng isang tulad mong dumedepende lang sa lakas, sa isang tulad kong biniyayaan ng mahika? Huh?!" singhal ng ginoong nagngangalang Nestor sabay tawa. "Huwag ka nang makipagmatigasan ng ulo sa akin. Alam mong hindi mo ako kaya."

"Tsk!" Sumama ang timpla ng mukha ng dalaga at pinusisyon ang mga kamay at paa na animo'y lalaban. "Kahit anong mangyari, hindi ko ibibigay ang sarili ko sa mga katulad niyo!"

"Ow~ ayan ang naging sagot mo? Pwes! Huwag kang magsisisi sa disesyon mo. Magdudusa ka sa akin!" Tinapat ni Nestor ang mga kamay niya sa hangin at nag-enkantasyon, "Metal Skill, Pliant Chains!" Lumitaw sa mga palad niya ang mga magic circle at lumabas dito ang halos sampung kadena; lima sa kanang palad at lima sa kaliwa. Pagkatapos ay dumirekta ito sa dalaga na animo'y mga sawa.

Bago pa tumungo sa dalaga ang mga kadena, mabilis siyang umatras at bumwelo ng kamao. Malakas niyang sinuntok ang mga kadena at ang ilan naman ay iniwasan niya. Pinagsisipa niya naman ang ilan ngunit bumabalik lamang ito sa kanya.

Humalakhak si Nestor habang pinagmamasdan ang dalagang depensa lamang ang ginagawa. "Anong magagawa ng isang mayari sa katulad kong mage? Malakas ka nga pero hindi mo ako matamaan!" sigaw niya na animo'y nababaliw.

Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang samaan ng tingin si Nestor. Sabay-sabay na lumitaw ang mga masasamang salita sa isipan niya, hindi lamang para sa ginoo, kung hindi'y sa kamalasan na natanggap niya simula ng mapadpad siya sa lugar na ito.


Flashback.

1 year ago. . .

Naglalagablab na apoy ang tumupok sa lupain ng Bulan Tribe, isang tribong misteryosong mga babae lamang ang matatagpuan. Sila'y biniyayaan ng kalakasan na hindi pangkaraniwanang dahil sa pagsamba nila kay Mayari, The Goddess of Moon and War. Ito rin ang tinawag sa mga kababaihan, Mayari, The Woman Warrior of East. Ngunit bakit ang mga kababaihang may taglay ng isang diyosa at kalakasan ay hindi napagtanggol ang kanilang lupain? Dahil sa kanilang disesyon na huwag magpasakop sa kanilang Emperor na si Arkish.

Dahil sakim sa militar si Emperor Arkish, ang usapan ng nakaraang emperor sa mga mayari na respetuhin ang kanilang tradisyon ay sinawalang bahala niya. Nais niyang madagdag ang nfa kababaihan sa kanyang koleksyon upang walang humadlang sa kanila. Ngunit hindi pumayag na magpasakop ang mga mayari dahil gusto nilang manatili sa natural na tradisyon at hindi makialam sa digmaan. Ayaw din nilang pagsamantalahan ang kanilang kalakasan at nais nilang mamuhay ng mapayapa.

Nakipagmatigasan ang pinuno ng tribo sa Emperor. Binigyan na sila ng babala ngunit hindi sila natakot. Lumaban sila ngunit isang malakas na paglindol ang sumira sa kanilang lupain. Sinugod din sila ng mga tauhan ni Emperor Arkish na dahilan ng pagsunog ng kanilang mga tirahan. Hindi pa iyon natapos dahil pinagpapaslang ang mga hindi sumasang-ayon na sumuko sa kanila. Napakalaki ng maaambag kapag ang mga mayari ay sumuko na lang para hindi na mamatay. Ngunit nagpakulubot ng noo kay Emperor Arkishna kahit isang mayari ay walang sumuko sa kanya. Napilitan siyang paslangin silang lahat dahil ang katulad niyang Emperor ay kailangan ng tagumpay sa lahat ng aspeto. Para sa kanya, isang insulto ang ginawa ng mga mayari sa kanya. Wala na siyang pakialam kung mamatay silang lahat.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now