Chapter 12

307 16 0
                                    

Chapter 12: Masquerade Ball

"YOU LOOK stunning, my goddess," manghang sambit ni Cahira habang nakatingin kay Elaine. Nakasuot ito ng kulay pilak na hapit na gown at ang peke nitong itim na buhok ay nakaladlad. Kinuha niya sa katapat niyang lamesa ang isang masquerade mask at nakaladlad ang mala taling rhinestone rito na nagpatakip sa kanyang ilong, bibig, at pisnge.

Kasalukuyang nasa silid ng dormitoryo sila Elaine at Cahira. Kakaalis lamang nang naglagay ng kolorete sa kanilang mukha.

Tumapat si Elaine sa isang salamin at pinagmasdan ang kanyang suot na hindi lamang elegante, napaka-sexy pa nitong tingnan.

Si Cahira naman ay hapit din ang katawan ngunit kulay pula naman ang suot niyang gown. Umaangat din ang ganda nito sa kulay pulang masquerade mask at sa buhok nitong pinasadyang kulutin at iladlad.

"You look stunning too, Cahira," nakangiti ring sambit ni Elaine.

Nahihiyang ngumiti si Cahira at sa loob-loob niya'y parang may nagliliparang paru-paro na nagpakilig sa kanya. Habang tumatagal, mas lalo siyang nahuhulog sa tinuturing niyang dyosa.

Habang inaayos ni Elaine ang suot na gown, lumitaw sa gilid nila si Twilight. Nakatuxedo itong itim at naka-masqurade mask. Ang buhok niya'y nakaayos ng quiff style na animo'y binudburan ng gel para hindi ito masira.

Takang gumawi si Elaine kay Twilight.

"Hindi ko alam na pupunta ka sa mismong ball. Akala ko ba'y magmamasid ka lang?" tanong niya.

"First of all your majesty, you look gorgeous today. I'm here as your escort an the carriage has arrived," may galang na sambit ni Twilight at may pagngiti pa itong ganap.

"Escort? Namin? Paano mo napapayag si Lord Jeremy?" takang tanong naman ni Cahira.

"That's secret, milday."

"Huh! May pa sikreto ka na sa harapan ng goddess," sarkastikong bato ni Cahira.

"The secret is for you, not for my majesty."

"Psh! Shut up."

Hindi na muling sumagot si Twilight dahil sa pagkatok ng dalawang beses sa pinto ng kanilang silid.

Yumuko si Twilight at nagpaalam, "Kailangan ko ng umalis." Pagkatapos ay naglaho siya nang parang bula sa tabi nila Elaine.

Dali-dali namang binuksan ni Cahira ang pinto at tumambad sa kanila si Jeremy na puting-puti ang suot nitong white blazer na may disenyo ng ginto at ilang maliliit na perlas-- simbulo ng kanilang karangalan. Hawak-hawak nito ang puting masquerade mask kaya ang gwapo nitong mukha ay nakatambad na maaaring sambahin ng iba.

Agad na ngumiti si Jeremy nang makita ang pagmukadkad ng kagandahan ni Cahira. Ngunit ito'y prologue pa lang dahil ang totoong kwento ay makikita niya pa lang. Nang pumasok siya, parang tumigil ang kanyang mundo noong gumawi si Elaine sa kanya at may ngiti pa ito sa labi. Natulala siya sa angking ganda nito at natural na karisma. Walang duda na sa mga mata niya, nagmumukod tangi ang dalaga.

"Lord Jeremy. You look handsome today," bati ni Elaine at ngumit. Napansin naman niyang napatulala sa kanya si Jeremy na lihim niyang kinatawa. "Lord Jeremy?"

Natauhan naman si Jeremy at nahihiyang ngumit. "You're the gorgeous one here, Elaine. The silk complimenting your white skin. It's perfect, milady."

"Thank you," ngiting tugon ni Elaine.

Napagdisesyunan nilang umalis na at si Elaine ay humawak sa mga braso ni Jeremy, alalay para sa kanya.

Nang makababa sa dormitoryo, sinalubong sila ng dalawang footman at isang coachman. Ang dalawang footman ay ngumit sa kanila at yumuko. Ang isa rito ay si Twilight na nagbalat-kayo. Inabot niya ang kanyang kamay kay Cahira na pekeng ngumiti at inabot naman ito.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now