Chapter 11

318 17 0
                                    

Chapter 11: Like Nothing Happen

NAGTAPAT ang mga mata nila Elaine at Emperor Arkish. Hindi mabasa ng dalaga kung ano ang binabalak ng emperor sa kanya. Sa ngayon, nanatili siya sa rasong isa siyang kalahok sa harapan nito.

Huminga ng malalim siya at yumuko bilang paggalang.

"Your majesty," sambit niya. Himbis na makatanggap ng normal na responde, tumawa ang emperor. Kaya umangat siya ng tingin at nakita itong pabagsak na umupo sa mala-trono nitong upuan.

"You can't fool me, Emperor Elaine Hidalgos," nakangisi nitong sambit.

Nagbuga ng maikling hangin si Elaine para matabunan ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya inaasahan na makikilala siya nito at hindi niya rin akalaing narito ang emperor para harapin siya.

Inisip niya rin na gumamit siya ng kaunting mahika kanina kaya ito ang rason kung bakit nasa harapan niya ito. Nalaman niya rin ngayon na may sensitibo itong magic sense at hindi na niya ito gagawin sa susunod. . . kung may susunod.

Tumingin si Elaine kay Emperor Arkish na nakangiti sa kanya. Tinapatan niya ito ng sarkastikong ngiti at maangas na nagmungkahi.

"Congrats. You're not just an ordinary imbacile that I know."

"You have guts to step in my land, you g emperor."

Hindi nakapaniwala si Elaine sa sinabi nito na siyang nagpatawa sa kanya.

"Ironic! The one who's bluffing is the man who start this sh*t. How dare you, Emperor Arkish."

Mahinang napalakpak si Arkish na kinakunot ng noo ni Elaine. "I like your strongwill. A newly emperor in this world is releasing her sharp fangs," mungkahi niya

"Don't underestimate me," biglang sabat ni Elaine at matalim na tumingin kay Arkish.

"I'm not. Just provoking something," kwelang tugon nito.

"Try me."

Ang ngiti sa labi ni Emperor Arkish ay unti-unting nawala kasabay nang paglabas niya ng malakas na awra. Hindi naman nagpatalo si Elaine. Tinanggal niya ang anti-magic barrier sa katawan at nilabas ang kanyang awra. At wala pang ilang segundo, ang invincible aura ay nagkasalubong. Sa sobrang lakas ng gitgitan, ang kanilang paligid ay naglabas ng hangin na animo'y may bagyo. Ang ilang mga adventurer na may undeveloped magic sense ay nabahala dahil halos mamuot sa kanila ang kilabot ng dalawang awra ng emperor.

Ang dalawa ay nagtagisan sa pagbigay ng awra. Kung sino ang manghina rito ay walang dudang makakain ang kanilang awra kaya matira ang matibay. Sa bawat pwesto nila, hindi makikitang sila'y nahihirapan. Walang nais na magpatalo at walang nais na bumitaw.

Hanggang sa bumuntonghininga si Arkish at binaba ang kanyang awra. Gano'n din ang ginawa ni Elaine kaya ang kanilang paligid ay kumalma. Ngunit ang ilang adventurer at mages na may layong isang daang metro sa kanila ay nagtataka kung saan ito galing.

Samantala, walang ganang tumingin si Arkish kay Elaine at nagsalita, "Hindi ito ang oras para makipaggitgitan sa walang kwentong bagay. Bakit hindi natin hintayin ang World Summit?"

Ang World Summit ay isang diskusyon ng mga emperor at pinag-uusapan dito ang mga hinanaing at saloobin nila tungkol sa kanilang katayuan at nasasakupan.

"I don't want to fight you now, Emperor Elaine. A battle between us is like destruction. I don't want to ruin my precious soldiers," dagdag pa nito.

Muling binalik ni Elaine ang anti-magic sa kanyang katawan na nagpapukaw ng atensyon kay Emperor Arkish.

"Nakakahangang natago mo agad ang awra mo," tanong ni Arkish. Hindi siya sinagot ni Elaine dahil abala ito sa pag-ayos ng nagulo nitong cloak.

"Sadyang mahina ka lang para maramdaman mo ang mana ko," tugon ng dalaga atsaka seryosong tumingin sa kapwa emperor.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now