Chapter 7

341 18 0
                                    

Chapter 7: Bubalus Realm, Kore City

ANG PAGSIKAT ng haring araw ay siyang pagbigay ng liwanag sa kastilyong tinutuluyan ng nakakaangat na pinuno sa Southwest. Ngunit sa taas ng kanyang natamasa, hindi niya kayang pigilan ang pagbagsak dahil sa antok.

"Goddess? Goddess?!" paulit-ulit na tawag ni Cahira kay Elaine na nakatalukbong ang kumot sa pagtulog nito. "Goddess?! Gising na po. Aalis pa tayo."

"5 minutes," walang ganang sagot ni Elaine.

Papayag na sana si Cahira ngunit narinig niyang humilik si Elaine.

Bumuntong-hininga si Cahira at napahawak sa kanyang sentido. Kahit malapit niya nang maabot ang limitasyon sa pahirapang paggising ng kanilang goddess, hindi siya makagawa ng hakbang para mas magising pa ito.

Napatingin si Cahira sa gilid nang hindi ginagalaw ang kanyang ulo. Naramdaman niya ang malakas na awra na ayaw niyang maramdaman sa silid ni Elaine.

"So our majesty is still sleeping," sambit ng bagong dating na si Twilight. Nasa gilid siya ng kama ni Elaine na lumitaw sa anino ng pader.

"Kailangan niyang magising dahil hinahanap na kami ni Coutess Ciana," sambit ni Cahira na inaayos ang bagahe nila ni Elaine.

"You need to learn how to wake up the majesty," nakangiting sambit ni Twilight at bigla niyang kiniliti si Elaine sa bandang bewang.

Ang maganda sanang panaginip ni Elaine ay napunta sa pagkagulat. Pinigilan niyang matawa at napaupo sa kama upang mawala ang pagkiliti. Binungad niya agad ng sama ng tingin si Twilight na yumuko lang sa harapan niya.

"Good morning, your majesty. Hinahanap na kayo ni Countess Ciana," bati ni Twilight.

"Tsk!" Nagngalit ang ngipin ni Elaine kay Twilight at sinimangutan niya ito.

Biruin na ang lasing, 'wag lang ang bagong gising.

"Good morning, Goddess," bati naman ni Cahira.

"Good morning din, Cahira. Nasaan si Lara?" tanong ni Elaine. Humikab ito at ininat ang kanyang mga braso.

Bago pa sumagot si Cahira, bumukas ang pinto at niluwa nito si Lara na nasa likuran niya sila Rain at Summer na nakasuot ng maid attire.

"Good morning, Lara," masayang bati ni Elaine.

"Good morning, Lady Ela—"

"Ehem!" pekeng ubo ni Cahira na kinagulat ni Lara.

Nanginig ng bahagya si Lara at yumuko sa gilid ng kama.

"G-good m-morning, goddess," kinakabahang tugon nito.

"Huh?!" Dahil sa bangag pa si Elaine, hindi pa pumapasok sa isipan niya ang pagtawag sa kanya ni Lara.

Lihim na tumingin si Cahira kay Rain at Summer na tumango sa kanya. Ang dalawa ay pumunta sa gilid ni Elaine at yumuko rin.

"Goddess, kailangan namin kayong ayusin sa pagpunta niyo sa inyong unibersidad," sabay na sambit nila Rain at Summer.

"Okay?" naguguluhang tugon ni Elaine at hinayaan niyang ayusan siya ng dalawa.

Alam niyang inatasan niya ang dalawa na maging bantay sa kastilyo ni Countess Ciana habang siya'y nasa unibersidad. Ang hindi niya lang inaasahan ay maging katulong ito. Maganda iyong pagbabalat kayo ngunit ang hindi niya maintindihan. . .

"Bakit kayo ang nagpapaligo sa akin?" takang tanong ni Elaine na kasalukuyang nakalublob sa bathtub. Nasa gilid niya sila Rain at Summer na marahang kinukuskus ang kanyang balat.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now