Chapter 17

327 16 1
                                    

Chapter 17: Empress' Duties

NGAYONG araw ang pagdating ng mga pinadala ni Emperor Ark sa South-West Land. Malugod na sinalubong ng mga taga Olimpus Realm ang mga dadating na animo'y walng namamagitang alitan.

Nakapasok sila sa malakas na depensa ng bansa gamit ang isang barkong pandigma. Bumaba sila sa Harald Kingdom at para mas mapabilis ang byahe, sinundo sila ng mga dragong alaga ng empress.

Nakaalerto ang mga hukbong sandatahan sa panlupa at pangkaagatan. Tensyonado ang dalawang bansa kahit na maraming paraan na silang nagbigay ng peace agreement.

Naghiyawan, nagsayawan, at nagtaboy ng confetti ang mga tao sa Olimpus Realm habang bumabaybay ang espesyal na karwahe papunta sa Royal Palace. Maraming nagagalak ngunit hindi maaalis sa ilan ang namamagitan sa dalawang bansa. Ilan sa mga ito ay nobles at aristocrats na hindi mababa ang pag-iisip para alamin ang totoong nangyayari. Ngunit wala silang magawa dahil ito'y pinag-utos ng kanilang empress.

Nang makarating ang mga karwahe sa harapan ng Royal Palace, inalalayan nilang makababa si Freya. Nakataas-noo itong nakangiti sa mga sumalubong sa kanya. Sa mga mata niya, minamaliit niya ng lubusan ang mga taong nakikita niya sa paligid.

Sumunod na bumaba ay ang ina niyang si Lady Cassiel Urduja, 1st Line in the Throne, Candidate for Grand Duchess, and the Chancellor Exquisor in Eastern Land. Sa dami niyang titulo, siya ang kauna-unahang babae na nakamit ang mataas na posisyon. Maganda ito na ang mahabang itim na buhok ay nakapulupot. Naka-imperial gown ito at nakatindig. Isa itong maharlika na pinag-aralan kung paano ang tamang asta.

At ang huling lumabas sa kawahe, ang pinapunot-dulo ng lahat. Isa lamang siyang puppet ngunit ang mukha niya ay nakatatak na sa iba na alam ang totoo niyang katauhan.

Ang tatlong mga babaeng bisita ay may nakabuntot na dalawang knight mula sa kanilang bansa. Kung tutuusin, ito'y panlinlang lang. Ang totoo nilang bantay ay isa sa kanila.

Maraming nakamata sa kanila lalo na ang mga sumalubong sa kanilang opisyales ng South-West Land. Naglakad sila papunta sa silid ng trono at huminto sa dalawang malaking pintuan na gawa sa matibay na bakal ay may disenyong ginto.

May dalawa pang knight na nakabantay sa bawat gilid ng pintuan. Nakatindig ang mga ito at sila ang nagbukas ng mga pinto.

"The Great Eastern Empire's representatives are here, your royal majesty," sigaw ng isang knight.

Pumasok ang tatlo at bumungad sa kanila ang malakaing trono na nasa dulong bahagi ng malawak na silid. May malaking pulang karpet ang magbibigay daan sa kanila patungo sa isang pinunong kinatatakutan at nirerespeto ng lahat. Nakaupo sa trono ang isang dalaga at nakadekwatro. Nakasuot ng itim na long fitted dress na binudburan ng dyamante at nakaladlad ang mahaba nitong putong buhok na naging tatak  sa kanyang bayan. Hindi mawawala rito ang maskarang buong mukha ang natatakpan at ang imperial crown na isang sagisag na siya ang dapat na galangin ng lahat.

Siya si Elaine Hidalgos, Supreme Spirit, and the True Empress of South-West Land.

Nasa gilid ng empress si Pinunong Sol. Matalim siyang tumingin sa tatlo na yumuko't binaba ang katawan para galangin ang kamahalan.

"Her Grace, Chancellor Cassiel Urduja of Eastern Land and her daughter, Lady Freya Urduja," pakilala ni Pinunong Sol at sumeryoso ang tingin sa isa pang bisita. ". . . and Lady Meralda."

Tumayo si Elaine at pinakilala naman din ito ni Pinunong Sol. "Her Majesty, the Empress."

Mas lalong yumuko ang tatlo.

"Greetings to the Empress of the South-West Land," bati ni Cassiel at sila'y tumayo nang sabay-sabay.

"Welcome, Chancellor and Ladies," bati ng empress at umupo. "It's a long trip but I'm glad that everyone is safe."

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now