Chapter 6

374 22 4
                                    

Chapter 6: Hidden Gem

SA DAKONG silangan, matatagpuan ang Bubalus Realm na mayaman sa mineral. Ang opurtunidad na ito'y kailangan nilang magamit ngunit sa paanong paraan?

Ang Great Eastern University ay isang eksklosibong paaralan para sa mga magigiting na mage para mas mapayabong pa nila ang kanilang talento sa iba't ibang larangan patungo sa pag-asenso. Dito nanggaling ang mga magigitng na mage sa kanilang lupain; guild members, respected leaders and nobles, knights, and military power houses. Ang mga matutunog na pangalan sa kanilang lupain ay nakasuporta sa mga estudyanteng may maibubugang talento. Kaya walang dudang isa ito sa napakaraming unibersidad na tinitingalaan ng lahat.

Isang karangalan na mapabilang at makatapos ka sa unibersidad na ito. Ngunit hindi lahat, buong pusong nais na makapasok dito.

Kasalukuyang nasa espesyal na dormitoryo ang mga estudyanteng nagmula sa Southwest Realm. Sila'y representative na pagpapakita sa publiko na ang dalawang bansa ay magkasundo. Ang balitang ito ay kumalat sa Eastern Empire at sila'y nagagalak sa pagkakasundo ngunit sa mga estudyanteng nakapaloob sa unibersidad, hindi nila nais na malamangan sa mismong lugar nila.

Hindi rin nakaligtas ang mga estudyante ng Southwest Realm sa mga masasakit na salitang naririnig nila.

Mga dayuhang basura.

Mga mahihinang tao mula sa maliit na bansa.

Hindi karapat-dapat na galangin dahil para sa kanila, sila'y mas nakakataas kumpara sa mga dayuhan.

Mas lumaki ang kanilang pride dahil ang mga katulad daw nila ay hindi kasing sikat tulad ng kanilang pinagmamalaking bansa.

Ang mga estudyanteng mula sa Southwest Realm ay naglalakad ngayon sa pasilyo at sila'y patungo kay Judge upang makapagsimula na sila ng klase. Ang bawat isa sa kanila ay may unipormeng ang pang-itaas ay kulay puti, ang pang-ibaba ay kulay itim— sa lalake ay slacks at sa babae ay palda— at itim na blazer na sa kaliwang bahagi ay may gintong emblem na nirerepresenta ang Olimpus University. Ang kanilang suot ay magkagaya sa mga estudyante ng Eastern ngunit ang emblem ay naiba, pilak ang kulay sa kanila at samantalang sa Greast Eastern University, kulay kayumanggi.

Nangunguna sa pagmartsa ng grupo si Aluma. Kilala ito bilang isa sa Cardinal Lords, Lord of the Sun.

[Cardinal Lords represent the strongest nature in the world: Land, Sea, Sky, Luminosity, Darkness, Forest, Ice, and Sun.]

Hinahangaan ang dalaga ng iilan ngunit mainit pa rin ang mga mata sa kaniya ng ibang estudyante. Napapagilid ang ilan sa pasilyo kapag sila'y dumaan. May mga nagbubulungan at ang ilan ay nalulula sa matangkad na dalagang si Aluma.

"Sigurado ba silang estudyante pa rin 'yang leader nila?"

"Parang matanda na eh."

"Siguro lagi siyang bagsak kaya hindi maka-graduate."

Napabuntong hininga na lang si Aluma sa mga naririnig niya. Sanay na siya sa mga ganitong bulungan kaya hindi na ito bago sa kanya. Ang pinagtutuunan lang niya ng pansin ay ang mga panlalait sa kanila.

"Diba'y galing sila sa Southwest Realm? Balita ko, sila iyong pinakamahina na lupain."

"Nabalitaan kong mahina rin ang emperor nila."

"Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Hindi sila nababagay sa unibersidad na ito."

Hindi pumapatol si Aluma dahil narito siya upang mag-obserba. Ang mga salita ay mahinang panlaban lamang sa kaniya. Kung gagamit sila ng dahas, doon na siya eeksena.

"Ang mga lata nga naman, maingay dahil walang laman," sambit ni Esang na kasabay ni Aluma sa paglalakad.

Tumingin si Aluma sa kapatid ng ginagalang niyang emperor. Nakahalukipkip ito at patay ang mga matang nakatingin sa mga nadadaanan nilang mga estudyante.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now